It seems pointless to talk about "Dreams"......Walang pasok bukas salamat kay Ate Glenda. Oo, you heard right... walang pasok!!! Hindi dahil SONA ni Ate Glo. Hindi dahil may rally daw bukas. At lalong hindi dahil hindi ko pa tapos ang Tronix lab report ko. Suspended ang clase sa lahat na antas ng paaralan at sa lahat na mga opisina ng gobyerno dahil galit si Ate Glenda. Sa mga hindi pa kilala si Ate Glenda... siya po ay isang bagyo. At salamat sa kanya, grounded pa rin ako dito sa bahay. Timing, 200 nalang kasi ang pera ko para sa buong week.
That's just a word... But what I do have is determination.....
-Sasuke
Hindi pala ako naubusan ng pera dahil sa date ko noong sabado. Sa totoo nga lang, pina reschedule niya yun. Next saturday nalang daw dahil may conflict sa schedule. Ano ba yan? Bigla niyo nalang ako gugulatin at sabihin sa akin na gusto niyo makipag date, tapos bigla nalang babawiin. Kung ticket sa eroplano to sana meron na kayong "No Show Fee" na 200 at "Rescheduling Fee" na 150. 350 din yun! Sana marami na akong pera. Pero blessing din yun na pina resched na girl. Eh at least wala na akong problema. Hindi pa ako gumastos. Satisfied naman ako sa life ko... hindi ko na kailangan yun. Ewan ko kung makakapunta pa ako sa sabado. Feeling ko magiging busy ako. Hehe. At saka wala akong pera!
Paano ba naman eh na hold-up naman ako ulit. Dito pa sa bahay nangyari ha, nag doorbell pa nag holduper at pag bukas ko ng door sinabi "Laundry po sir, 625 lahat." Huwat?!?!? Kamusta ka naman! 600. 150 Nalang ang pera ko! Paano yan!? Bat kasi pina laundry ko ang lahat ko na bed sheet, unan, kumot, at 4 weeks worth ng mga damit? Waa... Buti nalang nandyan ang mga roomate ko na parang mga bankong naglalakad at nagsasalita. Ryan (Bro ni Ian), pa loan naman muna dyan oh, 500 lang. Chaching!!! Labas agad pera, at binayaran ko ang delivery boy ng 650. Kuya may 25 ka dyan na panukli? Wala po eh, babalik nalang ako. Naawa naman ako, magmomotor pa ulit yun at aakyat ng 26th floor para lang suklian ako ng 25 pesos. Kuya sayo nalang pala yan. Salamat. Oo nga pala, mga ilang bwan ko na rin siya naging delivery boy para sa laundry, first time lang ako nagbigay ng tip. Hehe.
Ouch, ang sakit ng mga daliri ko. Mga dalawang araw na rin kami kasi naglalaro ng Fight Night Round 3 sa PS2. Boxing game yun kung saan kasama si Manny Pacquiao sa mga boxer na pwede mong dalhin o kalabanin. Pumunta dito ang mga x-schoolmates ko na galing sa UP Dil para mag laro... nandito rin sila last week. Inutangan ko nga pala sila ng tig110 isa isa. Dalawa sila kaya 220 ang binayaran ko. Ang galing ko mag math no? Hehe. Nakuha ko pala ang baon ko para sa linggong ito at binayaran ko agad ang mga utang ko. 500 kay ryan at 220 sa dalawa kong boarders. 1150 pera ko, minus 820, 330 nalang! Tapos bumili kami ng 75 Pesos na Liempo, at nagbigay ako ng 20 pesos para sa 120 pesos na Bulalo, 18 pesos na Iced Green Tea (with extra cooling effect), at 38 Pesos na malaking hot and spicy na Ligo. Ang kanin libre na kasi kami nalang ang sumasaing. Hmmm... magakano na lahat yun? 330 minus 113... 217! Yan. Yan nalang ang natitira kong pera ko. Huuummmnnn... hindi nalang ako kakain this week. Haay.
Oops, natagalan ako ah... mga 5 mins ako nakatingin sa monitor bago ko ma type to... pinag-isipan ko kasi ang sinabi ni... hmmm.... hindi naman siguro mangyayari yun. Alam ko hindi mangyayari yun... tama ba tol?
Siguro nga inaantok na ako... Sleeping time ko na kasi... 219 na...
Wait lang... may nag text... gising pa pala to? Ah oo nga pala, sabi niya hindi daw siya matutulog... hindi na ako maka reply kasi wala akong load... at wala na rin pera pambili ng load.... at sarado na rin ang mga tindahan ng load... at dahil umaga na... at dahil inaantok na ko...
Sge post ko na nga to... next time naman... byebye...
No comments:
Post a Comment