Monday, July 31, 2006

Killer Pamatay sa Haba na Entry

Masayang post naman... para masaya...

Alam niyo, kahit almost three years na ako dito sa Manila... Isang daan pa rin ang alam ko na papunta Megamall. LRT tapos baba sa EDSA station tapos MRT tapos baba sa Ortigas station. Simple diba? Well... paano kung galing ako sa EspaƱa? May alam pa pala ako na isang way kaya lang Isang beses ko palang to na try... From the condo sakay ako papunta Quiapo then baba ako sa church, tawid sa underpass then sakay fx na may Megamall na sign. Hmmm... wait lang... diba yun din ang FX na papunta Pasig? Hmmm... hindi ko naisip yun ah... hehe...sge next time... at least alam ko na.

So saan na ba ako... ah... oki... pupunta pala ako sa Mega... eh galing ako sa bahay at gusto ko mag LRT - MRT nalang para safe. So ang ginawa ko is FX muna papunta city hall tapos sa central station sana ako sasakay. Kaya lang pagdating ko dun andaming pulis! Tapos may ambulance pa. Tapos naka cordon pa ang area at hindi nila pinapadaan ang mga tao at sasakyan. Haay, ano ba to? Bat may gulo? 11am ang appointment ko... 1030 na! Im gonna ba late dammit!? Nagalit pa? Dapat nga sana matakot ako kasi may mga tao na na binubuhat ng med team... naka stretcher pa. Nahiya naman ako magtanong so dun nalang muna ako tumayo sa harap ng pulis na pumipigil sa mga tao. Nung may dumaan na mama at pinigalan siya ng pulis... buti nalang nagtanons siya... so nakinig nalang ako.

"Bossing pupunta ba kayo sa LRT? Hindi pwede eh... may bomb raid kasi... tingnan mo nga ho... bunibuhat na ang mga patay..."

Seryoso? Pero bakit naka ngiti ka mamang pulis?

"... na artista. Hehe. May program kasi kami sa taas. Mga artista lang yan. Mamaya pa ang tren mga 20 minutes."

Nako! Nag joke pa si mamang pulis. Hehe. Pero natuwa ako dun. Na halata ko rin na drill lang siya kasi ilang beses na dumaan ang isang ambulance na parang nagprapractis ng pagpapark ng mabilisan. Ok, fine whatever. Sm nalang muna ako. Ayoko pa rin mag FX eh.

Ay wait lang pala... pag gising ko pala kanina may nagrarally sa Welcom Rotonda at kitang-kita sila dito sa bintana namin sa 26th floor. "Totoong rally ba yan?" Tanong sa akin ni Ryan. Sabi ko, pahiram nga ng binoculars, tingnan ko. Lagi naman kasi may rally dito so hindi ako na surprise na may rally na naman ulit. Pagtingin ko ang unang nakita ko is may isang mama na may hawak na plakard. Nakasulat gamit makapal na ink ang mga salitang "Ibaba ang presyo ng bigas." Hmm... typical.... ganyan talaga ang pinoy, sabi ko. Kaya lang pag tingin ko ulit... may isa pang mama na may plakard... may nakasulat na "Ibaba ang T-bak" Huh? T-bak? ano ba yun? Pera ba yun? Allowance? Tax? Producto? Ano ba ang T-bak? Tapos mga ilang sandali pa dinesperse na sila ng mga pulis... nagkagulo na... tapos after mga 1 minute nag posing na sila.. kasama ang mga pulis... tapos sumali ang mge bombero... tapos may doctor pa... construction worker. Ngee! Ano ba yan... parang sasayaw ng YMCA? Tpas dun ko nakita na may camera pala sa likod. May crane pa nga para sa mga malalaking camera. Haay nako... may shooting pala! Hehe... ang saya naman. Ang ibig sabihin pala nila sa "Ibaba ang T-bak" is yung... uhm... basta yun. Alam niyo na yun. Hehe...


Ang saya naman ng araw ko...

Tapos... yun... after mga 20 minutes na window shopping sa SM manila, binuksan na rin nila ulit ang LRT. Sumakay na ako, then MRT, tapos yun nasa Mega na ako. Bakit nga pala ako pupunta sa mega. At bakit tinawag ko siya na "appointment." Hehe...

Ganito kasi yun... may friend ako na ibebenta niya ang "pera" niya sa Ragnarok, otherwise know as zennies. Oo, may pera sa mga online games. One billion zennies ang ibebenta niya for 5000 real pesos. Kailangan daw ng friend ko ng bodyguard incase... well just incase. Hehe. Malaking pera kasi ang involved sa "deal" na yun sa mas mabuti na kung sigurado. Eh di yun, hinintay namin ang "cliente" hanggang sa dumating na rin siya sa huli at nag trade na sila. Galing pa pala yun ng Laguna... grabe adik. Virtual money sa totoong pera. May 5000 na kami! Yey! Hehe. "Rivas money" pa nga tawag namin dun kasi pera yun ng friend ko na si Rivas. Kaya lang nandun pa siya sa iloilo, kami lang ang mag agent niya dito sa manila. Astig nga eh, Luzon, Visayas, at Mindanao... may contacts siya at may mga business transactions siya dun. So kahit siya lang mag-isa... tawag namin sa kanya is Rivas group of companies... para astig. Tapas tawag naman namin sa sarili namin is "RIVAS and AL." Dapat sana "RIVAS and Co." yan... ibig sabihin Rivas and Company... kaya lang gusto namin mas astig.... "RIVAS and AL... RIVAS and ALalays... hehe.

Pagkatapos ng deal natuwa siguro siya... sabi niya: "Sa inyo na ang 500, kumain kayo!" Waaaaaw!!! Masaya pala maging bodyguard! May pera agad! Yeah! Hehe... Budget sana namin para sa lunch namin is 500 lang... 150 for each person... kaya lang dahil may extra 500 kami... well derecho na agad sa superbowl of china! Hehe.

Ang sarap! Syet. Ginugutom na ulit ako just thinking about it. Ang inorder namin is:

180 pesos na Yang Chow
180 pesos na Birthday Noodles
180 pesos na Hunan Beef
170 pesos na Black Pepper Chicken Hot Pot
50 pesos bottomless pepsi
60 pesos x2 na bottomless iced tea
60 pesos na bottomless lemonade

Waaaaaa!!!!! Umabot 1011.00 ang bill namin kung idagdag mo pa ang taxes. Apat lang kami. Pero ok lang. Super suuuuulliiiitt! 150 pa rin ang gastos namin per person. Nyahaha.Lahat super sarap... pero ang paborito ko dun is yung Hunan Beef.

Dahil marami kaming pera...order lang kami ng order na parang wala nang bukas. Isa sa mga inorder namin ay ang Hunun Beef. Hindi naman namin alam kung ano yun pero inorder na rin siya namin kasi 180 lang. Nung tiningnan ko ang placemat ko na papel... dun pala naka print ang description ng Hunan beef: "The Feiry Beef of Hunan" Oo, beef siya... pero mukhang mas marami pa ang mga pepper sa beef! May bell pepper, malaking chili pepper, maliit na chili, pepper corn (yung balls) at pepper sauce. Waaw! Feiry nga! Buti nalang bottomless ang drinks namin. Naka 4 refils din ako plus isang baso ng tubig. Haaat!!! Pero masarap! Siyet gutom na ako... hehe.

Naka slim fit pa ako na shirt... hindi ko kasi naisip na kakain kami ng marami. Shet pagtayo ko ang laki ng tyan ko!!! Waaa. As in halata talaga na malaki!!!! Waaa nakakahiya! Ang bigat pa! Hindi ako makalakat ng maayos. Hehe.

After nun sasakay na kami ng bus papunta SM North kasi nandun si Megan... GF ng isa kong friend na kasama na si Benj. Nandun din ang kakambal ni Megan na si Joanna... validictorian namin. Hehe. Ang galing. Nahilo ako sa bus. Sobrang busog talaga ako. Pero nawala din siya after kumain ako ng candy.

Pagdating namin sa SM North, mga 4pm na. Check agad namin ang movie sched... 3:50 nag start ang pirates! Waaa... late na kami... hindi pa dumating sina Jo. Paano yan!?!? 640pm pa ang next na showtime. Naks.

Nung dumating na si Jo at Megan bumili nalang kami ng Sureseats na Ticket, para reserved na kami sa 640 na show. Tapos sila kumain... kami na Arcade... naglaro kami ng house of the dead. Hehe. 20 pesos lang ang 5 tokens... prormo kasi. Ayus! Tapos nag billiards... naka ilang tira lang ako kasi nakikisali lang ako sa kanila kasi hindi ako marunong. Tapos chikahan nalang sa table to do some catching up. Namiss ko na si Jo. Close pa naman kami noong 4th year. Hehe. Nag-iba na ang porma niya... medyo girly na talaga. Pero may maliki pa rin siyang back pack na maraming laman. Hoy Jo! Bat may bag ka pa rin na dala? Ganyan talaga daw. Well... ok lang. Basta bagay sayo ang bago mong shirt. Hehehe...

Then nanood na kami ng movie... "Pirates of the Caribbean: The Dead Man's Chest" Masaya! Super. Hehe. Ang nakakatuwa pa dun is naka gawa na ako ng short movie review para sa kanya... kahit hindi ko pa siya napanood. Hehe... Sge eto... eh post ko para hindi ko na siya kailangan i-describe pa.

In Dead Man’s Chest, Captain Jack Sparrow, everyone’s favorite mascara-wearing, prancing pirate returns in this sequel to the first Pirates of the Caribbean movie – The Curse of the Black Pearl. After the curse has been lifted, the good captain’s troublesome past once again catches up with him after he finds out that he owes a blood debt to the legendary Davy Jones. In an effort to save his own hide from eternal damnation and servitude, Captain Jack once again finds himself in a misadventure which involves a few of the original characters and a shipload of new gigantic sea monsters, swashbuckling swashbucklers, and utterly weird sea creatures.

Dead Man’s Chest’s action and comedy sequences feels like a thrill-ride from start to finish, leaving everyone reeling at the edge of the rails while keeping them sober enough to try and guess what’s going to happen next. Its open ending however makes it one big 150-minute teaser for the next Pirates flick.

**** I’d give it five stars, only if it had an ending.

O diba masaya? Hehe...

Sabi ko... hala gabi na naman ako uuwi. Sasabihin na naman ni Tita na may date na naman ako. Sabi ni Jo... eh date naman talaga to... group date nga lang. Hehe... Oo nga no? According to the definition ni sir Libutaque, Health teacher namin noon, Basta nag set kayo ng Place, Date, and Time at nag meet kayo to do someting... date na yun. Yey! Eh di ok... wala lang... 2 days straight na may date ako...

Oo nga pala, natuloy ang blind date ko kahapon.

Hindi na sana ako pupunta kasi wala naman kaming communication ng friend ko na nag set-up ng blind date. At ang lakas ng ulan!!! May bagyo na naman cguro. Nung mga 1pm na noong saturday... nag text siya. Hoy! Ready na ang date mo ha. 4pm mamaya. Huwat!?!?!?! Paano yan? Kala ko hindi na tuloy! Wala na ako pera.

Buti nalang at nag hunger strike ako noong Wednesday at Friday.... may 300 pa ako na extra... tapos si Ryan May utang pa sa akin na 100. Yun 400! Pwede na yun! Hehe. So yun... double date pala yun... so sabay na kami ni Glenn (Hilary) na pumunta dun. Nag Taxi kami kasi umuulan. At ang layo pala ng Starbucks Katipunun. Sabi pa nga namin malelate kami kasi umuulan. Buti nalang magaling at mabait ang driver namin... at buti nalang alam din namin ang mga shortcuts. Binibigyan namin siya ng directions. (Hindi niyo lang alam, madalas kami dun sa katipunan kasi dun kami naglalaro ng DOTA)

Dumating kami dun mga 4pm sharp... so hindi kami nalate at naunahan namin ang mga date namin. 3 pala kami... si jian pa pero hindi siya sasama sa date. Parang wala lang sa akin... hindi ko naisip na seryoso na may date pala ako. Hindi ko naisip kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naisip kung paano ako mag act. Hindi ako naka hingi ng advice. Wala... too late ko na naisip na seryoso na talaga to. MAY DATE AKO!!!! Patay!!! Sge, just be yourself Ean. Carry yan.

Hala, yun na...dumating na ang mga date namin. So sabrang kaba hindi na ako naka alis sa upuan ko. Nung inintroduce kami dun pa rin ako sa chair. "Hoy, tayo ka naman diyan!" Sabi ni Cheska... yung friend ko na nag set-up.
Ok lang yung date ni Hilary... pero yung sa akin... SHEEEETTT!!! Ang ganda! Chinese Girl, almost kasing tangkad ko, shoulder length ang super black niya na buhok. Super cute! Shet! Hindi kaya ng powers ko to!

"Chen si Ean, Ean si Chen..."

Oo, alam ko na ang pangalan niya... Chen Wei Lu.... sa pangalan palang maganda na siya... ngayon pa na nakita ko na siya... sheet!!!

Hmmm... mga ilang seconds pa na tinginan bago na kick in ang presence of mind ko... "Tara, lets go inside!"

Medyo stiff pa ako at first... siyempre super kinakabahan. Nung nakaupo na kami... ang pangit nga table kasi short siya. Buti nalang napalitan namin at naka hanap kami ng magandang pwesto. Hindi ko alam paano nag simula... pero nagulat nalang ako na andami na pala naming pinagusapan. At hindi pa kami naka order.

Hmmm... ano ba ang na learn ko sa kanya... Well... pure chinese siya... father niya nasa Macaoand kasama niya Mom niya dito. Pumunta lang siya dito sa Pilipinas noong 9 years old siya. Ngayon 19 na rin siya so 10 years na siya nandito. Magaling din siya mag English at Tagalog, pero may konteng chinese accent pa rin minsan. Minsan lang. Buti nalang naka english mode ako... at least nasasabayan ko sila. Magaling pa rin pala ako mag English na straight sa conversations... hindi ko lang siya na prapractice sa Mapua. Hehe. Marunong siya mag salita at magbasa/sulat ng Chinese. Ang Cable niya isang special na Cable na may marmaming Chinese Channels, Ang windows niya nka chinese. Pinalitan pa nga niya ang Language ng Cell ko... ginawa niya chinese at pinahirapan ako na palitan ulit ng English. Tinuruan niya rin ako ng konteng Chinese kaya lang wala ako na gets. Hehe... Nag pa convert pala siya sa Protestant. Hindi day sya naniniwala sa Feng Shui... kahit na maraming Catholic na Pinoy naniniwala dito at kahit na against sa teachings ng Catholic Church ang paniniwala dito. Hmm....

After Ilang oras pala naka order na rin kami... strawberyy frappe... pareho kaming order kasi pareho lang kami na 3rd time palang sa starbucks. hehe. Ang masaya pa dun is after na nabigay na ang order namin nag-uusap pa rin kami. Tapos nabigla nalang kami na nakipagpalitan na pala kami ng baso. Waaa. Yun hinahawakan ko na baso may pangalan na na chen and ang sa kanya may ian (d kasi alam ng waiter spelling ng name ko). Nakakahiya! Hehe. Pero tumawa lang kaming dalawa. Hehe.

Management pala ang course niya... hindi ako sure kung ano. Basta marketing ang major subj niya ngayon. Ang project pa nga niya isa marketing strategy ng mga business na related sa purified water. At dahil may business kami na purified water... hehe... pwede ko siyang tulungan. Yun!

Gusto daw sana niya na ka date is yung madaldal na lalaki. Kasi daw super tahimik daw siya normally. Yun din sabi ng friends niya. Pero nagulat nga ang friends niya nung naguusap kami... yun na daw ang pinakamadaldal niya. Madaldal ba ako? Tinanong ko siya... sabi niya ok lang... tamang tama lang. Hehe...

May dumating pala na guy, friend nila... may ka date din na girl... ilongga siya. Waw small world. Cute din nga eh... nag-usap pa kami ng konte... pero mas cute yung date ko sa medyo hindi ko na napansin ang iba kahit na nag join tables kami sa huli nung wala ng tao sa starbucks.

Gabi na kasi... mga 730 na nung tiningnan ko watch ko. At curfew pala niya was 8. Waaa. Sayang, manonood pa sana ang friends niya plus kami ng pirates... kaya lang sinundo na siya. Haay strict ang parents. 11 bedtime niya. 12 ang pina ka late na curfew kung may parties or homework/projects. Mahirap to...

Pero ok lang... andami pa naming pinag-usapan na hindi ko na matandaan. Super saya. And feeling ko siya din. Parang hindi daw siya sabi ng friends niya. Usaully tahimik lang daw yun at hindi nagsasalita. She gave me her number and umalis na siya nung tinawagan na siya ng mom nya at dumating na ang sundo. Umalis na rin kami ni Glen at dumerecho na sa DOTAhan. Ang friends niya nanood ng movie pero hindi na kami sumama... ala na si Chen eh.


'Hi Ean, thanks kanina... its rly nyc miting u.u"

Pareho pa kami maglagay ng smiley, u na may dalawang tuldok sa taas.

For an Atenean, down to earth at masayang kausap si Chen. Hindi maarte like the stereotypes. Haay, Im so happy I made a new friend. Sabi ko tutulungan ko pa nga xa sa paper niya. Hindi ko pa siya na text cause smart siya... hehe... naka unli lang kasi ako. Pero salamat na rin... Masayang Experience un. I hope we can do that again sometime. =)

Oops, back to reality na....

May class na naman bukas.... haay... can't wait for next weekend. 3am na so dapat ko na to i-post... kahit na marami pa akong gustong sabihin. Ang saya! Sana ganito lang ang buhay lagi. Two days... hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari. That means effective ang bago kong motto: "Start the day without any expectations" Haha... (Pinalitan ko na ang "A lie told a thousand times becomes the truth." Pero Effecive din sana yun)

Sige mga pare, mga dudes, mga brad, mga tol, at mga friends... thanks for making life enjoyable...

No comments: