The mind is like a parachute, it only works when its open.
Ano ba yan, kakainis. Wala ata ako mga reclamo today. Nawala tuloy ang momentum ko sa pagsusulat ng mga mahabang blog. Kasi! Waaa.... Ang bait bait ng mga friends ko today. Waaaaw! Na miss ko na rin ang ganyan. Ito ang kauna-unahang araw kung saan masaya ako this term. Salamat mga tol! Salamat!
Sana ganyan kayo lagi para hindi na ako kailangan mag blog pa... ehehe. Ah hindi... magbloblog pa rin ako... pero happy naman na blog. Yeah! =)
Ano nga ba pala ang nagyari kanina, at bakit uber happy ako? Hmmm... pumunta ako sa school na wala lang. Neutral. Medyo tahimik sa first class kasi spread out yung mga kakilala ko sa room. Seating arrangement kasi. Si Reign lang ang medyo malapit cause alphabatically close yung surnames namin. Nakahiram pa nga ako ng barya at ballpen kasi ako ay isang tao na pumupunta sa school na walang dala maliban sa aking sarili. Buti nalang na masayang teacher si ma'am admat... natuwa ako tuloy. Next, medyo na late ako sa logic kasi kinuha ko pa yung book ko sa locker ko. Medyo nagtampo na naman ako kasi iniwan na naman nila ako dun sa door ng room sa admat. Hinintay ko sana si gretchen kasi nag CR xa, pero hindi na bumalik... hmmm.... biglang nawala. Pero sge, bhala kayo sabi ko. Saka yun, umkyat ako sa office para kunin yung logic book... baka may plus points ang may dalang book eh. Sayang din. Pagdating ko sa room.... uy buti nalang at may naka reserve na na upuan para sa akin. Salamat chen! Kahit hindi man yun same row sa inyo, at least malapit. Pero slight tampo pa rin ako kasi ang saya nila sa likod tapos ako kausap ko lang ang katabi ko na maraming tanong. Pero ok lang, at least napipilitan nya ako na makinig at intindihin yung lecture ni sir damian. Pinagiisipan ko pa kung sasama ako sa kanila sa break or hindi. Kasi: one - feeling ko hindi na naman ako maka connect kasi sila sila na naman ang mag-uusap and two - wala na akong pera... naubos sa mall of asia! Waaa.... 250 nalang... may saturday sunday pa! T_T Anyways, pagkatpos ng class buti nalang niyaya ako ni sir tonix na sumama. Hindi na ako nag dalawang-isip pa. Kahit wala akong pera... at kahit nagtatampo ako... walang mangyayari kung lalayo ako. And tamang desisyon yun! Habang kumakain sila nagrereview lang ako ng notes ni tonix. Hihiram din sana si Reign, kaso binabasa ko pa.... ako muna.... nauna ako eh... Ang sungit no? Pero buti nalang may magandang idea na pumasok sa isipan ko... "magpareview nalang kaya ako sayo Reign? At least sabay tayo na makakapag-aral." Haha. Yey, at least ngayon may nag eexplain na ng mga formula na pilit kong minimemorize na hindi naman pala kailangan i-memorize kung naiintindihan mo lang ang Kirchoff's Voltage Laws. Salamat Reign! Yun pala absent si sir Tronix2. Hehe. Pero ok lang... masaya naman mag review kung kasama ko friends ko. Masaya din pala ang Strength class namin. Hindi lang mechanics concepts ang tinuturo, may kasama pang seminar about studying.
Hmmm... medyo may lesson dito ah. Nasa-aking mga desisyon pa rin pala kung magiging masaya o hindi ang pakikisama ko sa tropa ko. Kung lagi nalang negative ang iniisip ko, walang mangyayari. Mga Tol, salamat ulit for being good friends today. Ingat kayo always.
Hmmm... medyo may lesson dito ah. Nasa-aking mga desisyon pa rin pala kung magiging masaya o hindi ang pakikisama ko sa tropa ko. Kung lagi nalang negative ang iniisip ko, walang mangyayari. Mga Tol, salamat ulit for being good friends today. Ingat kayo always.
1 comment:
congrats sir...masaya ka na ulit...hehe... buti ka pa. haha.
Post a Comment