Thursday, July 13, 2006

Pagbabaliktanaw sa Kahapon

"I reject your reality and substitute my own."
-Adam Savage

Kanina lang ay tiningnan ko ang blog ko friendster, yung stolid and stunned , and na realize ko na sobra na rin pala one year ang aking pagbloblog. One year and four days to be exact. Nagsimula pala ako noong July 9, 2005... habang nagbabakasyon ako sa bahay at walang magawa sa buhay.

Pause muna ang life ko ngayon. Balikan muna natin ang kahapon...
(right-click->open in new window nyo lang pala ang mga date... links yan sa luma kong blog)

August 04, 2005
Ang simple pala ng buhay ko noon. Halos walang problema, kahit academics hindi ko masyadong kailangan seryosohin. Pa gunbound-gunbound lang at pa taya-taya sa lotto. (At tumama ang isang number ko... hahaha!) Naka straight English pa pala ang blog ko noon kasi hindi ako marunong mag tagalog. Ngayon feeling ko mas madali na mag Taglish. Kasi gaya ng sabi ko noon, mas madali magsulat kung hindi ka na nag-iisip. Malapit na rin pala mag one year ang monitor ko. One year ago kasi sobrang tanga ko. Kararating ko lang dito sa condo... at dahil medyo matagal na walang tao, maalikabok ang mga gamit. Pupunasan ko sana ang monitor, kaya lang nakalimutan ko na hawak ko ang basahan at isang baso ng tubig sa aking kanang kamay. So I guess alam nyo na kung ano ang susunod na nagyari. Wirk... Bzzzt Bzzzt... "Water is a good conductor of electricity because it contains Ions with lots of free electrons... A short circuit happens when current bypasses the load and returns directly to the source." Haay naku. At least bago na monitor ko ngayon.

August 20, 2005
Nag retrospect din ako tungkol sa buhay ko noong highschool. Kinocompare ko siya sa buhay ko noong 2nd year college... Nagiisip ako ng malalim at kung ano ano nalang ang sinusulat ko. Mga walang kwentang bagay na hindi naman connected sa isat-isa. At dahil sa medyo sira ang ulo ko noon at dahil na rin siguro na sobrang inaantok ako... nasabi ko ito: "Why is it that all of the sudden I notice that everything about her is nice?" Uuuuy... nagkaroon an ulit siya ng crush! Kaya pala parang lasing ako magsulat noon - kasi may crush ako na bago. Pero kahit ganyan ako.. nag-iisip pa rin ako... sabi ko pa nga..."I'm being stupid again. Blind stupid and arrogant. Hmmm… do I risk making this mistake again?

August 24, 2005
May kinuha akong quote galing sa isang classmate ko noong highschool.

Have you ever noticed that the worst way to miss
someone is when they are right beside you and
yet you can never have them...
Life is all about risks and it requires you to jump.
Don't be a person who has to look back and
wonder what they would have, or could have had.
No one waits forever....

Hmmm... looking back... ano kaya ang nagyari kung wala akong ginawa?

August 29, 2005
Katatapos ko lang ata kumuha ng Builder exam. Hindi ko naman sana siya kukunin kung hindi ako nainggit sa mga tropa ko. Yun nga, buong araw namin siya kinuha... from 7am to 9pm. Siguro hindi ako tatagal ng ganun kung hindi ako inspired. Kaya lang dahil may bago akong crush, hindi ako napapagod. Umuulan ulan din noong time na yun. At ang ganda 1st time ako umuwi ng ganun ka gabi. Sabi ko noon... ang ganda ng intra kung gabi at kung basa ang streets. Raindrops keep falling on my head pa ang kinakanta namin habang pauwi.

August 31, 2005
May pinadala na bagong song ang isa namang classmate ko noong highschool (ibang classmate to ha). Ang Torpe Song #5 ng MYMP. At naging paborito ko siyang song since then (Pero hindi na ngayon). Noon ito ang kanta na pinapatugtog ko ng paulit-ulit sa PC.

September 3, 2005
Katatapos lang ng bakasyon at nakabalik na rin ulit ako sa manila. Bagong term na. Sinabi ko dun sa blog ko na sobrang dami na ang nagbabasa ng blog ko kasi sobrang daming times na na view ang account ko sa friendster. Simula nun medyo nahiya na ako maglagay ng mga secreto ko sa blog ko. At medyo naging magulo na rin siya. Tapos hindi na puro masaya ang entries na pinopost ko.

*****
Bigla naging complicated ang buhay. Minsan iniisip ko na sana hindi ko nalang sinabi sa kanya. At sana hindi ko nalang siya naging crush noon. Gusto ko sana ang carefree na buhay namin noon. Noong hindi pa kami close. Noong wala akong pakiaalam. Ngayon na na overcome ko na ang crush ko sa kanya, ngayon na wala na talaga akong balak na ligawan siya, bakit complicated pa rin ang buhay ko? Bakit kahit simpleng friends nalang kami, andami pa rin restrictions? Bakit may tendency pa rin siya na mailang? Siguro ganyan lang talaga siya. Ganyan na talaga siguro ang ugali nya at hindi ko na dapat pinoproblema yun. Sayang at hindi ako nagbloblog noong 1st year. Gusto ko sana malaman kung paano ako naka survive sa mapua na walang inaasahan sa ibang tao. Pero hindi pwede yun. Teamwork ang kailangan... ngayon na third year na ako at may scholarschip na naman ulit na kailangan i-maintain. Kailangan ko ang lahat kong friends, and in some way suguro kailangan din nila ako. I wish lang sana na hindi sila ganun kaarte. I wish din na hindi rin ako naging maarte.

Please... sana maging masaya din ang buhay ko katulad last term. o_0,

No comments: