Monday, January 09, 2006

The Week's End

Galit ako! Argh! Bakit? Bakit? Bakit kung ano pa ang hinahanap ko yun lang ang hindi ko makita? Galit ba ang mundo sa akin? Noong isang araw, hinahanap ko ang driver ng sound card ko. Lahat na CD ko lumabas na, yun lang nag hindi ko makita! Tapos kahapon lang, windows XP naman ang nawawala! Then kanina, naalala ko na kailangan ko pala ng humanities 1 na book so naisip ko na hihiram nalang ako sa roommate ko. Nakita ko na ang humanities 2 at humanities 3 niya na book, ang humanities 1 nalang ang patuloy na nawawala!!! Bakit ganun??? And why the hell am I speaking in Tagalog? Waaa… hindi naba ako marunong mag English? Galit ako!!! Waaaaaaaaa….

Ok, in other news…

Ang saya na naman ng weekend ko. Dito na naman natulog si Carina. Hehe. Tapos, ngayon na naka uwi na xa, si paul na naman. Bakit ba ganun, kahit sinong bisita namin na pupunta dito ayaw nang umalis? Ganyan ba ka ganda ang bahay namin? I mean, ang bahay ng roommate ko. Hehe. Remember, nakikitira lang ako dito, hindi ko sariling bahay to.

Ang gulo naman ng day na to. Plano kasi namin ay sisimba sana kami sa La Salle na church at around 9am. Kaya lang 3am na kami natulog so naging impossible na para sa amin na gumising ng ganun ka aga. So we had to change our plans. Sge UST nalang at around 3pm. Kumain muna kami sa Burger King dito sa EspaƱa. Bottomless drinks! Ang sarap ng burger steak nila, and enjoy na enjoy kami sa bottomless drinks namin. Ilang beses din kami nag refill. Hindi ko alam na mamalasin pala kami dahil dito.

Pag dating namin sa UST, peste… may kasal pala! So we had to wait a while. Problema… kailangan na talaga namin mag wee wee cause we drunk too much, and ang pinakamalapit na CR daw sabi ng guard is sa loob ng church. Nakakahiya naman pumasok dun! May wedding car pa naman sa labas! Haay. So we had to contact Paul para lang magamit namin ang CR ng condo nila. Hindi pa ako na punta dun so sabi ko sge, ayus. High tech pala ang condo nila. May finger printa scanner pa sa lobby. Hindi pwede pumasok kung outsiders. Cool. Tapos after naka akyat na kami, inistorbo pa namin si paul at ang roommate niya na doctor. Pareho pala silang dalawa na nagaaral para sa quiz nila bukas! Hehe.

After that sumama na si Paul sa amin and balik ulit kami sa simbahan. Pero hindi pa rin tapos ang kasal!!! Antagal! We got tired of waiting so we decided na sa Quiapo church nalang kami kasi bibili din kami later ng mg DVD. 5pm mass nalang, instead of the 3pm sa sched namin. Waaaa. 2 hours late na. Na traffic pa kami!

Pagkatapos ng ilang minutes of waiting outside the church para matapos ang previous mass nakapasok na rin kami. Then dun namin nalaman na wala palang seats ang loob ng church! Waaaa. Sabi namin lalabas nalang kami dun sa part na naabotan namin dun sa previous mass. Parang cine! Haay sorry Lord. Natakot lang kami magabihan sa Quiapo. Dun kasi ako na hold-up eh.

After the homily luamabas na kami. Derecho sa mga pirata at bumila ng maraming DVD. Hmmm, ano nga ang mga yun? 3 in 1 na Kung Fu Hussle, Shaolin Soccer at isa pang Stephen Chow na Movie, Narnia, 40 year old virgin, at isang 9 in 1 na DVD that includes Zorro2, Flight Plan, American Pie 4, Chicken Little, Brothers Grim at iba pa. Naku paano kaya namin ubusin yun?

After our little adventure bumili muna kami ng food sa Greenwich at umuwi na agad para panoorin ang mga binili namin kasama si Ian. Plano namin is 1 movie lang muna tapos pauwiin na namin ang mga bisita namin because may clase pa bukas. Pero after namin pinanood ang Narnia, we can’t get our eyes off Kung Fu Hussle kahit na panood na namin yun. Ang saya kasi! Haha. Idol ko talaga si Stephen Chow.

After the two movies 1030 na pala!!! Waaaa, kailangan ko pa ihatid si carina or else patay ako sa tatay nun. Hehe. Mga 11:15 na kami dumating sa dorm ng DLSU and mga 11:45 na ako naka balik sa bahay. Then hinanap ko pa ang humanities book ni Ian na naging dahilan kung bakit ako nagalit.

Haay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin yun na hanap pero hindi na ako galit. Hehe. Ang saya talaga mag blog. Sorry at napahaba na naman ito at maraming spelling or grammar errors. Stream of consciousness lang to kasi. Hehe. Basta, dito na naman nagtatapos ang unang lingo ko dito sa Manila at panibagong school week na naman bukas. Haay takot na ako, ewan ko kung bakit. Basta… natatakot ako. Hehe. Wala lang. Para may suspense naman ‘tong blog ko. Hehe. Sge till next time. Buhbye!

Thursday, January 05, 2006

Out Surge

I heard your doing ok, but I want you to know, I’m addicted to you. I can’t pretend I don’t care when you don’t think about me. Do you think I deserve this? I tried to make you happy but you left anyway.

I'm trying to forget that I'm addicted to you. But I want it and I need it, I'm addicted to you. Now its over, can’t forget what you said. And I never, wanna do this again. Heartbreaker.

Since the day I met you, and after all we’ve been through. I’m still addicted to you. I think you know that it’s true. I run a thousand miles to get you. Do you think I deserve this?

I tried to make you happy. I did all I could do just to keep you. But you left anyway.

Heartbreaker.

Heartbreaker.

How long will I be waiting, until the end of time? I don’t know why I’m still waiting. I can’t make you mine. Heartbreaker. I'm addicted to you.

Ok, so this is not for anyone. Hindi to para sayo. Nag eemote lang ok? Not for you. Im not saying this to anyone. Wala lang, yun lang. Addicted pala yan by simple plan. Iniba ko lang ang format. Hindi ko talaga sinulat yan. Hehe.