Thursday, July 13, 2006

Bagyo: Ulan, Hangin at Alon...

Ang saya ng araw na to... waw! Walang pasok! Suspended daw ang classes dahil may bagyo. Yan, bumalik ulit ang mindset ko sa vacation mode. Kaya lang nainis pa rin ako ng konte. Slight lang na inis, hindi naman nakakamatay. Sge, balikan muna natin ang mga pangyayari kahapon at alamin ang ugat ng aking galit.

Ayos sana ang araw ko kahapon... ang bait ng mga teachers ko sa lab. Hindi ko alam ang pangalan, basta babae sila lahat. Sa logic lab, nag film showing lang kami... limang VHS (take note... VHS at hindi VCD or DVD... 1988 pa ang copyright) about sa mga bagay bagay na related sa logic. Masaya naman, medyo nakakaantok... pero mas OK compared sa 2 1/2 hours na lecture. Problema lang, pagkatapos ay binigyan pa kami ng activity: "write down all you know." Amf! Buti nalang medyo nakikinig ako... pero mahina talaga memory ko so medyo nahirapan pa rin ako. Pero ok lang, activity lang yun. Ok naman ang ginawa ko, kinopya pa nga nila eh. Next, tronix2 lab naman. Classmate ko si Huele. For the first time. Honestly kahit schoolmate ko yun, ayoko talaga siya maging classmate. Trying hard na mayabang... tapos mayabang pa. Oh, and did I mention na mayabang siya? Haha... Anyways, wala akong paki kung sino man classmate ko... basta kasama ko mga tropa ko (kahit medyo may kulang) at kasama ko sarili ko... sure na kayang-kaya namin kahit ano. Pero ops, pause muna... ano ba sinabi ko? "Basta kasama ang tropa?"

Sge... explain explain.... So ayan, tapos na ang mga lab, super maaga... kinuha nila kay Irish yung OT para sa exam namin sa tronix sa susunod na araw... tapos tinamad sila mag pa photocopy. So sino naman ang nakita nila na mapagutusan? Siyempre yung mabait, yours truly. Kaso, problema... AYOKONAMAGINGMABAIT!!! Sabi ko sa kanila "ayoko!" Aba, humirit pa si nonoy... kung ayaw ko daw mag pa photocopy sila nalang daw. SILA! Hindi nila ako isasama. Sa totoo lang ayoko talaga mag pa photocopy ng OT na yun, aside from the fact an masama mag OT... eh hindi ko talaga siya maintindihan kasi wala akong basic knowledge about sa transistor biasing... so kelangan ko pa rin talaga mag aral sa book. Pero hindi ang OT na yun ang problema ko. Ang problema ko is yung mga tao na sarili lang nila ang ininiintindi nila, at wala silang paki sa iba nilang kaibigan... basta sila sama-sama at basta ma achieve yung goal nila. Looking furhter back... ganyan din sila nung nag stay sila dito sa bahay. Nakitulog na nga sila, ginawa pa akong maid. Parang ganito. "Maid ka lang, so diyan ka lang sa tabi habang nag-uusap kami dito. Hindi mo naman maiintindihan ang pinaguusapan namin, so wag ka nang makisali. Oo, mga secreto namin to.. hindi namin i-shshare sayo. Ay, wag kang tumabi sa akin. Lalabas nalang ako. Dito nalang kami sa computer. Pagamit ng internet mo ha... titingnan lang namin ang blog ni kung sinong tarpolano. O, wag ka nang makialam... dun kan sa sa kwarto mo, matulog ka na. Uy, sandali lang... pahiram muna ng t-shirt. Bababa lang KAMI sa ministop para bumili ng pag-kain. Wag ka nang sumama ha. Antayin mo nalang kami dito. Wag nalang pala tayo bumili... wala tayong pera eh. Sge tulog na tayo. Oi, maid, diyan ka sa taas ng double deck ha... tabi kaming tatlo dito sa baba. Sge, tabihan na nga kita... natatakot si little boy. Wirk... fast forward... umaga na. Ay ang daming nangyayari sa kalsada... hoy ano na naman yan? lumalapit ka na naman. Sge diyan ka na sa airbed... tiisin ko nalang ang sahig, basta hindi ka lang makalapit. Gutom na pala ako, maid... bili mo kami ng pagkain. Ano, gusto mo pang samahan kita? Ayoko nga. Kaya mo na yan. Ako rin, ayaw din kitang samahan, inaantok pa ako. Ok lang kahit inaantok ka pa, maid ka lang naman eh. Ako rin pala, ayaw din kitang samahan. Bakit? Wala, ayaw ko lang talaga. Gusto ko kasi magkasama kaming tatlo. Wirk... fast forward, tapos na kaming kumain. Yan, tapos na ha... hugasan mo na ang plato namin. Uuwi na kami... gagawa ng sched... hindi ko sasabihin sayo kung ano ang sched ko."

Sge, try ko sila i-analize isa-isa. Based on impulse lang to ha... so sorry kung medyo masyado siyang judgemental... ay sige wag nalang... binura ko nalang... masyadong unfair kung hindi ko sila bigyan ng chance e defend yung sarili nila.

Hmmm... saan na ba ako? So yun, sumama na naman ang loob ko dahil sa kanila. Sge, sabihin natin na immature na nagagalit ako dahil lang sa hindi tayo nagkaintindihan sa pagpapaphotocopy ng OT. Pero mga tol, naiipon na eh. Parte ba talaga ako ng group? Or tatlo lang kayo ang totoong magkatropa? Sabit lang ako.

So ayan, kung sabihin nyo man na suplado ako, nang-iiwan ako, o pinagpapalit ko na kayo, hindi nyo rin ako masisi. Sa totoo lang si gretchen lang talaga ang nararamdaman ko na nag-ccare. So mga tol... mga CLASSMATE... sana classmates pa rin tayo kahit ano ang mangyari... Walang iwanan. Balik tayo sa sinabi ko dun sa taas. Kahit anong problema, kahit anong challenge, kaya natin to... basta kasama ko lang kayo - mga pinakamamahal kong classmates.

Haay, na depress ulit ako... marami pa sana ako gustong ilagay na masayang bagay. Kaya lang out of place na... sa susunod na entry nalang... masaya sana ang mall of asia.... ang sarap ng hangin. Pero pupunta sana kayo dun na wala ako, kahit text lang.... wala. Hindi niyo sana ako isasama. Buti nalang nakita ko kayo sa gate. Saka nyo pa ako ininvite. Pero in fairness, at least you still invited me to come. Sarcasm aside, salamat mga tol... (sincere to ha... salamat talaga) Hoy, sa susunod... wag niyo akong iiwan ha!!!!!!!! Lab ko pa rin kayo... Hehe. :)

Ah, bakit nga pala ganyan ang title ng blog na to? Kasi balak ko sana magsulat about sa mall of asia. Kaya lang iba ang nailagay ko eh. Hehe. May bagyo kasi ngayon diba? So walang pasok. Nag Mall of Asia kami... Ang lakas ng hangin doon sa seaside boulevard. Ang lakas din ng ulan at ang laki ng mga alon sa manila bay. Pero super saya dahil 1st time ko na experiance yun, na parang naliligo ka sa ulan pero hindi ko nababasa... super lamig... at napapalid ka sa sobrang lakas ng hangin. Plus may ice cream pa ako na hinahawakan. Shet... BRRRRRRR.... -_-


No comments: