Monday, July 10, 2006

Ang aking pagbuga ng apoy...

Waaaw! Im back na again mga dudes mga tols mga chongs! Yes, balik na naman sa skwela along with a few stratches and scrapes na galing sa dalawa kong aso. Yung malaking dalamatian at isang cute na puting aso. Hehe. Huwat? Ayan na naman... kung ano ano nalang ang naiisip ko isusulat ko ha... ayoko na mag isip. Punong puno na ang head ko ng mga bagay bagay na... walang kwenta pero dapat ko isulat. Haay... ano ba to? Ang labo! Waaa... >.<

Kwento ko nalang muna ang unang araw ko sa skwela. Well, it goes like this. Una ginising na naman ako ng aso ko mga 0515H. Military time kasi naka military time din ang schedule ng flight ko na nakalagay sa ticket, 0700H. Siyempre tinakpan ko lang ang aso ng kumot para hindi siya maka galaw, sabay talon agad at binuksan ang shower sa CR. Sheeeet! Ang lamig cold tugnaw brrrrrrr freshh!!! Pero bakit antagal ko sa shower? Parang natatakot ako bumalik sa Manila. Gusto ko dito nalang ako sa bahay kung saan VIP ang pag treat sakin ng mga tao. Free food pa na super sarap. At lagi pa akong niyayakap ng dalamtian ko. Haay. Namimis ko na tuloy ang mga aso ko. Waaaa... T_T Anyways, saan na ba ako. Ahh... yun sa shower. Antagal ko naka tunganga sa pader. Excited na ako kasi may bago akong scholarship. Pero ayoko ko rin bumalik. Feeling ko problema lang ang naghihintay sakin dun. Haay. Ayan sumisigaw na si mama. Bilisan ko na daw maligo kasi baka ma late ako sa pag chech-in sa airport. Sge woosh woosh woosh, shampoo... andulas!!! sabon sabon... whish! Tapos na! Hehe. Hmmm, ano kaya ang gagamitng kong damit ngayon. Ah eto, ang yellow na polo na bili ni mama at ang brown na pants na bili ni lolo at lola ko. Naks! bagay! Hehe... Astig!

Ayan, sge... hatid na nila ako sa airport... bago pala sasakyan namin... blue van na maliit. Para daw mas tipid sa gas sabi ni Papa. Pag dating sa airport, the usual... sobrang sanay na ko sa pag check in na parang sumasakay nalang ako sa bus. Ilang miles na kaya ang naka register sa mabuhay miles card ko? Siguro andami na, kaya lang sayang ang flight na to... hindi daw credited sa miles kasi piso lang binayad ko na airfair. Oo! Piso! Believe it or not. Kasi may promo yung Air Phil, noong last last last month pa ata yun. Na kung mag pa reserve ka daw ng flight nang mas maaga, piso lang ang pamasahe. Kaya lang piso plus tax, plus insurance, plus bayad sa airport, plus pang yosi ng piloto... blah blah blah... total niya ciguro mga 800 pesos din. Pero ok na yun! Mas cheap pa compared sa Bus na Iloilo-Cubao! 1,100 pesos un eh. Sge back to the story... gusto ko kasi window seat so nag pa reserve ako sa check in counter ng mas maaga. 5A ang binigay sakin! Yey! Ang saya, malapit lang sa door. Pagkatapos ng ilang minuto boarding na... hinahanap ko na sina Ian para sabay na kaming aakyat sa eroplano. Ayun! Sge babay babay ako para makita nila ako. Bakit hindi nila ako pinapansin? Hmmm... babay babay ulit, baka hindi lang ako nakita. Yan, nakatingin na... kaya lang bakit ayow pa rin akong pansinin? Lapitan ko kaya. Waaa... hindi nila ako kilala! Iba na kasi buhok ko at naka glasses na ako na may thick frames. Parang Koreano daw. Hehe. Pag akyat ko sa airplane, iniinglish pa nga ako ng mga "seatmates" ko kasi siguro nga kala nila Koreano talaga ako, well... siyempre kasi tinatamad din ako magsalita at medyo gusto ko rin mag play along, oo nalang ako ng oo... diba yun din ang ginagawa ng mga koreano? Hehe.

WARNING: The following text may contain material not suitable for all readers...

Tapos lipad... landing... wiirrrk... fast forward... daan muna sa condo... lunch... wiiiirrkk! Dito na ko sa classroom! Hehe. Haay,at dito na nagsisimula ang problema. PROBLEMA!!! Waa... ayoko ng problema... ayoko! Ang bigat ng atmosphere saming magkatropa. Parang pilit yung conversations. Well, siguro para sa akin lang kasi hindi talaga ako marunong magdala ng usapan. Pero kahit na... ayoko talaga ng ganyang mood. At ayaw ko na pala siya i-kwento. Wala, basta bad memory nabubura agad yan, Unless nalang sobrang galit or sobrang lungkot ko na kelangan ko i-post ang lahat na sama ng loob ko. Pero wala. Feeling ko nga hindi ako part ng problema. Kasi ayokong makialam. Pero parte na rin ako ng tropa at naapektohan din ako. To think about it, ako nga ang pinaka naapektohan. Shit. Bakit? Hindi ko ma explain. Pero ayoko, hindi na nga ako nagsasalita habang nag-uusap sila. Andaming sama ng loob na gusto ko sana ilabas kanina, kaya lang hindi ko mailabas. Bawal ba? Bakit lahat na bad feelings ko hindi ko pwedeing sabihin? Ouch! It hurts you know. Hehe. >.< Feeling ko parang hindi ako importante sa kanila. Parang extra lang na nakikisabay. Shadow? Buntot? Wa... ayoko ng ganitong life. Hindi pala importante ang feelings ko? Hoy, wag nyo kong tanungin bakit ko nasasabi to ha, kasi hindi ko rin siya ma explain. Yun lang talaga ang nararamdaman ko. Bakit kung ako may problema hindi nalang ako papansinin? At bakit parang bata ang pag treat nila sakin, na mali ako at sila tama? Na dapat hindi ko pinoproblema yung mga problema ko? Makinig naman kayo sakin kahit minsan? Hindi, kasalanan ko rin. Kasi hindi rin ako nagsasalita. Kasi kung magsalita ako gulo lang ang resulta eh. At ako na naman ang mali kung may reclamo man ako. Kaya yan, iniipon ko nalang. Para lang sana masaya tayo lahat. Yan lang talaga ako gusto ko. Na masaya tayo lahat na magkatropa. Gagawin ko lahat para lang nakangiti tayo lagi. Kahit uunahin ko kayo... ok lang... basta masaya tayo. Basta buo tayo, solid, whole, undivided. Dito nalang ako maglalabas kasi konte nalang naman ang nagbabasa ng blog ko eh. Sano hindi niyo to mabasa para walang gulo. Pero kung mabasa niyo... sge, bhala na... Bakit ganyan? Kahit text lang, wala. Kahit forwarded. Wala din. Sge ako na nga ang mag text. Kunyari hindi ko alam classroom natin. Text ko kayo sa lahat nyo na number para sure. May nagreply ba? Wala. Walang load? Hindi rin eh, bakit text kayo ng text? Sino na naman yan? Bat ang sama ng tingin sakin pag pasok ko palang ng room? Bat inis na inis sa mga jokes ko? Hindi ako bobo no! Nagpapatawa lang. Sorry kung mali ang timing. Bakit kung gusto niyo magpasama sa isat isa, ok agad ang lahat? (Sama na rin ako, do i have a choice? gusto ko kasama ko kayo eh) Pero bakit kung ako ang nagpapasama, ayaw? Bakit kung ako ang naghihingi ng favor, ayaw? Bakit kung ako ang walang kasabay ok lang? Kung ako ang maiiwan, ok lang? Bakit kailangan ako lagi ang magpakiramdam? Ako lagi ang makibagay? Sawang sawa na ko. T_T Tol you dont care ba talaga? Wala talaga akong nararamdamang TLC. (Tomato Lettuce Cheese?)

Pero mga tol kahit ganyan kayo ayoko pa rin na mawala kayo. Kailangan ko kayo, sobra. Mas mahirap ang buhay kung wala kayo. Kaya kong tiisin ang mga sakit na to. Ang hindi ko kaya ay ang mag-aral na walang kasama, na walang kaibigan. Done that, been there. Naks andrama ko ngayon. Hehe. Uy, sana ang konteng drama kong ito will not hurt our friendship. Kahit nga sa wrestling may drama, diba? Hehe. So sa mga nakasimangot na dyan, smile na kayo pls. Yan lang ang gusto ko. At least nailabas ko na yung mga toxic at pwede na rin tayo ulit mag smile.

Abangan ko nalang kung ano ang mangyayari sa second day. Sana wala nang problema.


1 comment:

Anonymous said...

aww! ka sad man na sang blog mo caes. cguro dapat mo ihambal na sa mga migo mo para mabal-an nila ang ginabatyag mo, di ba? kahit na maging malabo ang result at least nahambal mo kung ano ang na feel mo. ive been there kasi eh. daw la man may natabo pero daw napagguwa ko ang balatyagon ko so indi amo na kadako ang burden nga ginadala ko..