Monday, July 31, 2006

Killer Pamatay sa Haba na Entry

Masayang post naman... para masaya...

Alam niyo, kahit almost three years na ako dito sa Manila... Isang daan pa rin ang alam ko na papunta Megamall. LRT tapos baba sa EDSA station tapos MRT tapos baba sa Ortigas station. Simple diba? Well... paano kung galing ako sa EspaƱa? May alam pa pala ako na isang way kaya lang Isang beses ko palang to na try... From the condo sakay ako papunta Quiapo then baba ako sa church, tawid sa underpass then sakay fx na may Megamall na sign. Hmmm... wait lang... diba yun din ang FX na papunta Pasig? Hmmm... hindi ko naisip yun ah... hehe...sge next time... at least alam ko na.

So saan na ba ako... ah... oki... pupunta pala ako sa Mega... eh galing ako sa bahay at gusto ko mag LRT - MRT nalang para safe. So ang ginawa ko is FX muna papunta city hall tapos sa central station sana ako sasakay. Kaya lang pagdating ko dun andaming pulis! Tapos may ambulance pa. Tapos naka cordon pa ang area at hindi nila pinapadaan ang mga tao at sasakyan. Haay, ano ba to? Bat may gulo? 11am ang appointment ko... 1030 na! Im gonna ba late dammit!? Nagalit pa? Dapat nga sana matakot ako kasi may mga tao na na binubuhat ng med team... naka stretcher pa. Nahiya naman ako magtanong so dun nalang muna ako tumayo sa harap ng pulis na pumipigil sa mga tao. Nung may dumaan na mama at pinigalan siya ng pulis... buti nalang nagtanons siya... so nakinig nalang ako.

"Bossing pupunta ba kayo sa LRT? Hindi pwede eh... may bomb raid kasi... tingnan mo nga ho... bunibuhat na ang mga patay..."

Seryoso? Pero bakit naka ngiti ka mamang pulis?

"... na artista. Hehe. May program kasi kami sa taas. Mga artista lang yan. Mamaya pa ang tren mga 20 minutes."

Nako! Nag joke pa si mamang pulis. Hehe. Pero natuwa ako dun. Na halata ko rin na drill lang siya kasi ilang beses na dumaan ang isang ambulance na parang nagprapractis ng pagpapark ng mabilisan. Ok, fine whatever. Sm nalang muna ako. Ayoko pa rin mag FX eh.

Ay wait lang pala... pag gising ko pala kanina may nagrarally sa Welcom Rotonda at kitang-kita sila dito sa bintana namin sa 26th floor. "Totoong rally ba yan?" Tanong sa akin ni Ryan. Sabi ko, pahiram nga ng binoculars, tingnan ko. Lagi naman kasi may rally dito so hindi ako na surprise na may rally na naman ulit. Pagtingin ko ang unang nakita ko is may isang mama na may hawak na plakard. Nakasulat gamit makapal na ink ang mga salitang "Ibaba ang presyo ng bigas." Hmm... typical.... ganyan talaga ang pinoy, sabi ko. Kaya lang pag tingin ko ulit... may isa pang mama na may plakard... may nakasulat na "Ibaba ang T-bak" Huh? T-bak? ano ba yun? Pera ba yun? Allowance? Tax? Producto? Ano ba ang T-bak? Tapos mga ilang sandali pa dinesperse na sila ng mga pulis... nagkagulo na... tapos after mga 1 minute nag posing na sila.. kasama ang mga pulis... tapos sumali ang mge bombero... tapos may doctor pa... construction worker. Ngee! Ano ba yan... parang sasayaw ng YMCA? Tpas dun ko nakita na may camera pala sa likod. May crane pa nga para sa mga malalaking camera. Haay nako... may shooting pala! Hehe... ang saya naman. Ang ibig sabihin pala nila sa "Ibaba ang T-bak" is yung... uhm... basta yun. Alam niyo na yun. Hehe...


Ang saya naman ng araw ko...

Tapos... yun... after mga 20 minutes na window shopping sa SM manila, binuksan na rin nila ulit ang LRT. Sumakay na ako, then MRT, tapos yun nasa Mega na ako. Bakit nga pala ako pupunta sa mega. At bakit tinawag ko siya na "appointment." Hehe...

Ganito kasi yun... may friend ako na ibebenta niya ang "pera" niya sa Ragnarok, otherwise know as zennies. Oo, may pera sa mga online games. One billion zennies ang ibebenta niya for 5000 real pesos. Kailangan daw ng friend ko ng bodyguard incase... well just incase. Hehe. Malaking pera kasi ang involved sa "deal" na yun sa mas mabuti na kung sigurado. Eh di yun, hinintay namin ang "cliente" hanggang sa dumating na rin siya sa huli at nag trade na sila. Galing pa pala yun ng Laguna... grabe adik. Virtual money sa totoong pera. May 5000 na kami! Yey! Hehe. "Rivas money" pa nga tawag namin dun kasi pera yun ng friend ko na si Rivas. Kaya lang nandun pa siya sa iloilo, kami lang ang mag agent niya dito sa manila. Astig nga eh, Luzon, Visayas, at Mindanao... may contacts siya at may mga business transactions siya dun. So kahit siya lang mag-isa... tawag namin sa kanya is Rivas group of companies... para astig. Tapas tawag naman namin sa sarili namin is "RIVAS and AL." Dapat sana "RIVAS and Co." yan... ibig sabihin Rivas and Company... kaya lang gusto namin mas astig.... "RIVAS and AL... RIVAS and ALalays... hehe.

Pagkatapos ng deal natuwa siguro siya... sabi niya: "Sa inyo na ang 500, kumain kayo!" Waaaaaw!!! Masaya pala maging bodyguard! May pera agad! Yeah! Hehe... Budget sana namin para sa lunch namin is 500 lang... 150 for each person... kaya lang dahil may extra 500 kami... well derecho na agad sa superbowl of china! Hehe.

Ang sarap! Syet. Ginugutom na ulit ako just thinking about it. Ang inorder namin is:

180 pesos na Yang Chow
180 pesos na Birthday Noodles
180 pesos na Hunan Beef
170 pesos na Black Pepper Chicken Hot Pot
50 pesos bottomless pepsi
60 pesos x2 na bottomless iced tea
60 pesos na bottomless lemonade

Waaaaaa!!!!! Umabot 1011.00 ang bill namin kung idagdag mo pa ang taxes. Apat lang kami. Pero ok lang. Super suuuuulliiiitt! 150 pa rin ang gastos namin per person. Nyahaha.Lahat super sarap... pero ang paborito ko dun is yung Hunan Beef.

Dahil marami kaming pera...order lang kami ng order na parang wala nang bukas. Isa sa mga inorder namin ay ang Hunun Beef. Hindi naman namin alam kung ano yun pero inorder na rin siya namin kasi 180 lang. Nung tiningnan ko ang placemat ko na papel... dun pala naka print ang description ng Hunan beef: "The Feiry Beef of Hunan" Oo, beef siya... pero mukhang mas marami pa ang mga pepper sa beef! May bell pepper, malaking chili pepper, maliit na chili, pepper corn (yung balls) at pepper sauce. Waaw! Feiry nga! Buti nalang bottomless ang drinks namin. Naka 4 refils din ako plus isang baso ng tubig. Haaat!!! Pero masarap! Siyet gutom na ako... hehe.

Naka slim fit pa ako na shirt... hindi ko kasi naisip na kakain kami ng marami. Shet pagtayo ko ang laki ng tyan ko!!! Waaa. As in halata talaga na malaki!!!! Waaa nakakahiya! Ang bigat pa! Hindi ako makalakat ng maayos. Hehe.

After nun sasakay na kami ng bus papunta SM North kasi nandun si Megan... GF ng isa kong friend na kasama na si Benj. Nandun din ang kakambal ni Megan na si Joanna... validictorian namin. Hehe. Ang galing. Nahilo ako sa bus. Sobrang busog talaga ako. Pero nawala din siya after kumain ako ng candy.

Pagdating namin sa SM North, mga 4pm na. Check agad namin ang movie sched... 3:50 nag start ang pirates! Waaa... late na kami... hindi pa dumating sina Jo. Paano yan!?!? 640pm pa ang next na showtime. Naks.

Nung dumating na si Jo at Megan bumili nalang kami ng Sureseats na Ticket, para reserved na kami sa 640 na show. Tapos sila kumain... kami na Arcade... naglaro kami ng house of the dead. Hehe. 20 pesos lang ang 5 tokens... prormo kasi. Ayus! Tapos nag billiards... naka ilang tira lang ako kasi nakikisali lang ako sa kanila kasi hindi ako marunong. Tapos chikahan nalang sa table to do some catching up. Namiss ko na si Jo. Close pa naman kami noong 4th year. Hehe. Nag-iba na ang porma niya... medyo girly na talaga. Pero may maliki pa rin siyang back pack na maraming laman. Hoy Jo! Bat may bag ka pa rin na dala? Ganyan talaga daw. Well... ok lang. Basta bagay sayo ang bago mong shirt. Hehehe...

Then nanood na kami ng movie... "Pirates of the Caribbean: The Dead Man's Chest" Masaya! Super. Hehe. Ang nakakatuwa pa dun is naka gawa na ako ng short movie review para sa kanya... kahit hindi ko pa siya napanood. Hehe... Sge eto... eh post ko para hindi ko na siya kailangan i-describe pa.

In Dead Man’s Chest, Captain Jack Sparrow, everyone’s favorite mascara-wearing, prancing pirate returns in this sequel to the first Pirates of the Caribbean movie – The Curse of the Black Pearl. After the curse has been lifted, the good captain’s troublesome past once again catches up with him after he finds out that he owes a blood debt to the legendary Davy Jones. In an effort to save his own hide from eternal damnation and servitude, Captain Jack once again finds himself in a misadventure which involves a few of the original characters and a shipload of new gigantic sea monsters, swashbuckling swashbucklers, and utterly weird sea creatures.

Dead Man’s Chest’s action and comedy sequences feels like a thrill-ride from start to finish, leaving everyone reeling at the edge of the rails while keeping them sober enough to try and guess what’s going to happen next. Its open ending however makes it one big 150-minute teaser for the next Pirates flick.

**** I’d give it five stars, only if it had an ending.

O diba masaya? Hehe...

Sabi ko... hala gabi na naman ako uuwi. Sasabihin na naman ni Tita na may date na naman ako. Sabi ni Jo... eh date naman talaga to... group date nga lang. Hehe... Oo nga no? According to the definition ni sir Libutaque, Health teacher namin noon, Basta nag set kayo ng Place, Date, and Time at nag meet kayo to do someting... date na yun. Yey! Eh di ok... wala lang... 2 days straight na may date ako...

Oo nga pala, natuloy ang blind date ko kahapon.

Hindi na sana ako pupunta kasi wala naman kaming communication ng friend ko na nag set-up ng blind date. At ang lakas ng ulan!!! May bagyo na naman cguro. Nung mga 1pm na noong saturday... nag text siya. Hoy! Ready na ang date mo ha. 4pm mamaya. Huwat!?!?!?! Paano yan? Kala ko hindi na tuloy! Wala na ako pera.

Buti nalang at nag hunger strike ako noong Wednesday at Friday.... may 300 pa ako na extra... tapos si Ryan May utang pa sa akin na 100. Yun 400! Pwede na yun! Hehe. So yun... double date pala yun... so sabay na kami ni Glenn (Hilary) na pumunta dun. Nag Taxi kami kasi umuulan. At ang layo pala ng Starbucks Katipunun. Sabi pa nga namin malelate kami kasi umuulan. Buti nalang magaling at mabait ang driver namin... at buti nalang alam din namin ang mga shortcuts. Binibigyan namin siya ng directions. (Hindi niyo lang alam, madalas kami dun sa katipunan kasi dun kami naglalaro ng DOTA)

Dumating kami dun mga 4pm sharp... so hindi kami nalate at naunahan namin ang mga date namin. 3 pala kami... si jian pa pero hindi siya sasama sa date. Parang wala lang sa akin... hindi ko naisip na seryoso na may date pala ako. Hindi ko naisip kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naisip kung paano ako mag act. Hindi ako naka hingi ng advice. Wala... too late ko na naisip na seryoso na talaga to. MAY DATE AKO!!!! Patay!!! Sge, just be yourself Ean. Carry yan.

Hala, yun na...dumating na ang mga date namin. So sabrang kaba hindi na ako naka alis sa upuan ko. Nung inintroduce kami dun pa rin ako sa chair. "Hoy, tayo ka naman diyan!" Sabi ni Cheska... yung friend ko na nag set-up.
Ok lang yung date ni Hilary... pero yung sa akin... SHEEEETTT!!! Ang ganda! Chinese Girl, almost kasing tangkad ko, shoulder length ang super black niya na buhok. Super cute! Shet! Hindi kaya ng powers ko to!

"Chen si Ean, Ean si Chen..."

Oo, alam ko na ang pangalan niya... Chen Wei Lu.... sa pangalan palang maganda na siya... ngayon pa na nakita ko na siya... sheet!!!

Hmmm... mga ilang seconds pa na tinginan bago na kick in ang presence of mind ko... "Tara, lets go inside!"

Medyo stiff pa ako at first... siyempre super kinakabahan. Nung nakaupo na kami... ang pangit nga table kasi short siya. Buti nalang napalitan namin at naka hanap kami ng magandang pwesto. Hindi ko alam paano nag simula... pero nagulat nalang ako na andami na pala naming pinagusapan. At hindi pa kami naka order.

Hmmm... ano ba ang na learn ko sa kanya... Well... pure chinese siya... father niya nasa Macaoand kasama niya Mom niya dito. Pumunta lang siya dito sa Pilipinas noong 9 years old siya. Ngayon 19 na rin siya so 10 years na siya nandito. Magaling din siya mag English at Tagalog, pero may konteng chinese accent pa rin minsan. Minsan lang. Buti nalang naka english mode ako... at least nasasabayan ko sila. Magaling pa rin pala ako mag English na straight sa conversations... hindi ko lang siya na prapractice sa Mapua. Hehe. Marunong siya mag salita at magbasa/sulat ng Chinese. Ang Cable niya isang special na Cable na may marmaming Chinese Channels, Ang windows niya nka chinese. Pinalitan pa nga niya ang Language ng Cell ko... ginawa niya chinese at pinahirapan ako na palitan ulit ng English. Tinuruan niya rin ako ng konteng Chinese kaya lang wala ako na gets. Hehe... Nag pa convert pala siya sa Protestant. Hindi day sya naniniwala sa Feng Shui... kahit na maraming Catholic na Pinoy naniniwala dito at kahit na against sa teachings ng Catholic Church ang paniniwala dito. Hmm....

After Ilang oras pala naka order na rin kami... strawberyy frappe... pareho kaming order kasi pareho lang kami na 3rd time palang sa starbucks. hehe. Ang masaya pa dun is after na nabigay na ang order namin nag-uusap pa rin kami. Tapos nabigla nalang kami na nakipagpalitan na pala kami ng baso. Waaa. Yun hinahawakan ko na baso may pangalan na na chen and ang sa kanya may ian (d kasi alam ng waiter spelling ng name ko). Nakakahiya! Hehe. Pero tumawa lang kaming dalawa. Hehe.

Management pala ang course niya... hindi ako sure kung ano. Basta marketing ang major subj niya ngayon. Ang project pa nga niya isa marketing strategy ng mga business na related sa purified water. At dahil may business kami na purified water... hehe... pwede ko siyang tulungan. Yun!

Gusto daw sana niya na ka date is yung madaldal na lalaki. Kasi daw super tahimik daw siya normally. Yun din sabi ng friends niya. Pero nagulat nga ang friends niya nung naguusap kami... yun na daw ang pinakamadaldal niya. Madaldal ba ako? Tinanong ko siya... sabi niya ok lang... tamang tama lang. Hehe...

May dumating pala na guy, friend nila... may ka date din na girl... ilongga siya. Waw small world. Cute din nga eh... nag-usap pa kami ng konte... pero mas cute yung date ko sa medyo hindi ko na napansin ang iba kahit na nag join tables kami sa huli nung wala ng tao sa starbucks.

Gabi na kasi... mga 730 na nung tiningnan ko watch ko. At curfew pala niya was 8. Waaa. Sayang, manonood pa sana ang friends niya plus kami ng pirates... kaya lang sinundo na siya. Haay strict ang parents. 11 bedtime niya. 12 ang pina ka late na curfew kung may parties or homework/projects. Mahirap to...

Pero ok lang... andami pa naming pinag-usapan na hindi ko na matandaan. Super saya. And feeling ko siya din. Parang hindi daw siya sabi ng friends niya. Usaully tahimik lang daw yun at hindi nagsasalita. She gave me her number and umalis na siya nung tinawagan na siya ng mom nya at dumating na ang sundo. Umalis na rin kami ni Glen at dumerecho na sa DOTAhan. Ang friends niya nanood ng movie pero hindi na kami sumama... ala na si Chen eh.


'Hi Ean, thanks kanina... its rly nyc miting u.u"

Pareho pa kami maglagay ng smiley, u na may dalawang tuldok sa taas.

For an Atenean, down to earth at masayang kausap si Chen. Hindi maarte like the stereotypes. Haay, Im so happy I made a new friend. Sabi ko tutulungan ko pa nga xa sa paper niya. Hindi ko pa siya na text cause smart siya... hehe... naka unli lang kasi ako. Pero salamat na rin... Masayang Experience un. I hope we can do that again sometime. =)

Oops, back to reality na....

May class na naman bukas.... haay... can't wait for next weekend. 3am na so dapat ko na to i-post... kahit na marami pa akong gustong sabihin. Ang saya! Sana ganito lang ang buhay lagi. Two days... hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari. That means effective ang bago kong motto: "Start the day without any expectations" Haha... (Pinalitan ko na ang "A lie told a thousand times becomes the truth." Pero Effecive din sana yun)

Sige mga pare, mga dudes, mga brad, mga tol, at mga friends... thanks for making life enjoyable...

Saturday, July 29, 2006

Rants

I never failed once. It just happened to be a 2000 step process.
-Thomas Edison when asked why he failed so many times while inventing the lightbulb.

Sometimes I just get too tired of ranting that I keep things to myself. Yeah it hurts, but there are somethings that are better off unsaid. Anyways, I dont hold grudges anymore... problem is I get these mood swings...where one minute Im really happy, and next I hate the world. I know the world sucks and that life is unfair. To hell with it! At this rate, I might only have less than half a century to walk this Earth... might as well enjoy it. Why do I always dwell on the dark and gloomy side of life even if I know that the sun shines elsewhere and that getting there is as easy as taking a single step. Oooh, long sentence. Im not used to blogging in english anymore.... but Im in the mood for one so why not give it a shot.


What else... hmm... I've been reading cosmo lately. No choice... its the only "new" magazine in the house and I dont have any cash to buy myself a new one. So whats in it? Well... its kinda like... well... uhm... yeah... it gives women tips on how to handle their life, it features cool pictures of the latest fashion, where to get them... and for how much. Beauty secrets, naughty accounts, love advice, work advice, you name it... its there. I even has a small section for us men.

The really cool part I read was an article called "10 Steps to Becoming an It Girl" Apparently, it was written for the benefit of the ladies, but still the content applies to any social being in general. I got to this part that said: "Try to approach a new day
without any expectations." Hmmm... a bell rang somewhere so I kept reading. For the benefit of those who dont read the mag, I'll be posting the entirety of the sub artcile.

It Girl Insider Tip # 5: Laugh At Yourself

We've said it again and again. Learn to laugh it all off. It Girls seldomly take themselves seriously, and they dont take anything personally. TV host Toni Gonzaga, for instance, isnt afraid to act goofy on and offscreen. 'Wag lang dibdibin,' says Kay, 27, an entrepreneur who has to deal with scores of workers in her rattan business, who give her a daily dose of complaints, rand, and what-have-yous. "If I took it all personally, I'd probably quit the business!"

Do it now: "Try to approach a single day without expectations," advices Richard Carlson, author of Don't Sweat the Small Stuff." "Dont expect people to be friendly. When they're not, you wont be surprised or bothered. If theya are, you'll be delighted." It's easy for us to get depressed, discouraged, and masungit - once we expect that life is smooth sailing. Live your day with an easygoing manner you'll notice how graceful life can be," says Carlson. "Rather than fighting against ;ife, you'll be dancing with it."

Wow, hits the bullseye doesn't It? We'll you'll know if you've been keeping a close track of my blog. So what's the verdict here? Im just too freakin negative! Hmm... When I said approach the day without any expectation I decided not to speak for the whole day. I admit that that was little derailed. Hmmm...

Ok, so I promise to try to do it right next time I go out there into the real work. Ride life, surf the waves instead of swimming against them. Maybe school will be a batter place. I know I got friends and that they'll be there for me when I need them. Maybe not all the time.... but there there. It a good thing Camille gave me a little jolt in the head when I came to her ranting my mouth off... again. After that I found out life can be enjoyable once you choose to enjoy it.

Well after that I got all gloomy again when I kept thinking why some people get to be treated special while I get left behind... again... and treated like some ordinary classmate. I even got almost hit by a car because I wasnt listening. I got my earphones set to the highest volume so I can't hear the driver who was already blasting his horn at me. Good thing Mek pulled me away. "Nag bosena ba siya Mek?" "Oo, tinitigan ka na nga eh!" Uhm... sorry for that... I guess Im the one who's not being a good sport by expecting you guys to come and fetch me out of my gloomy circle of... gloom. Haha. Its not going to happen again. Sorry.

So thats it, life is unfair and it never flows the way you want it to. The solution, let life take me wherever it wants. No more ranting... hehe. No more reclamo.

Thursday, July 27, 2006

Tamad...

Tinatamad ako mag post ngayon... haay... pero gusto ko mag post... waaaa paano ba yan? sge ito nalang... edit ko nalang to bukas...

Monday, July 24, 2006

Salamat Ate Glenda

It seems pointless to talk about "Dreams"......
That's just a word... But what I do have is determination.....

-Sasuke

Walang pasok bukas salamat kay Ate Glenda. Oo, you heard right... walang pasok!!! Hindi dahil SONA ni Ate Glo. Hindi dahil may rally daw bukas. At lalong hindi dahil hindi ko pa tapos ang Tronix lab report ko. Suspended ang clase sa lahat na antas ng paaralan at sa lahat na mga opisina ng gobyerno dahil galit si Ate Glenda. Sa mga hindi pa kilala si Ate Glenda... siya po ay isang bagyo. At salamat sa kanya, grounded pa rin ako dito sa bahay. Timing, 200 nalang kasi ang pera ko para sa buong week.

Hindi pala ako naubusan ng pera dahil sa date ko noong sabado. Sa totoo nga lang, pina reschedule niya yun. Next saturday nalang daw dahil may conflict sa schedule. Ano ba yan? Bigla niyo nalang ako gugulatin at sabihin sa akin na gusto niyo makipag date, tapos bigla nalang babawiin. Kung ticket sa eroplano to sana meron na kayong "No Show Fee" na 200 at "Rescheduling Fee" na 150. 350 din yun! Sana marami na akong pera. Pero blessing din yun na pina resched na girl. Eh at least wala na akong problema. Hindi pa ako gumastos. Satisfied naman ako sa life ko... hindi ko na kailangan yun. Ewan ko kung makakapunta pa ako sa sabado. Feeling ko magiging busy ako. Hehe. At saka wala akong pera!

Paano ba naman eh na hold-up naman ako ulit. Dito pa sa bahay nangyari ha, nag doorbell pa nag holduper at pag bukas ko ng door sinabi "Laundry po sir, 625 lahat." Huwat?!?!? Kamusta ka naman! 600. 150 Nalang ang pera ko! Paano yan!? Bat kasi pina laundry ko ang lahat ko na bed sheet, unan, kumot, at 4 weeks worth ng mga damit? Waa... Buti nalang nandyan ang mga roomate ko na parang mga bankong naglalakad at nagsasalita. Ryan (Bro ni Ian), pa loan naman muna dyan oh, 500 lang. Chaching!!! Labas agad pera, at binayaran ko ang delivery boy ng 650. Kuya may 25 ka dyan na panukli? Wala po eh, babalik nalang ako. Naawa naman ako, magmomotor pa ulit yun at aakyat ng 26th floor para lang suklian ako ng 25 pesos. Kuya sayo nalang pala yan. Salamat. Oo nga pala, mga ilang bwan ko na rin siya naging delivery boy para sa laundry, first time lang ako nagbigay ng tip. Hehe.

Ouch, ang sakit ng mga daliri ko. Mga dalawang araw na rin kami kasi naglalaro ng Fight Night Round 3 sa PS2. Boxing game yun kung saan kasama si Manny Pacquiao sa mga boxer na pwede mong dalhin o kalabanin. Pumunta dito ang mga x-schoolmates ko na galing sa UP Dil para mag laro... nandito rin sila last week. Inutangan ko nga pala sila ng tig110 isa isa. Dalawa sila kaya 220 ang binayaran ko. Ang galing ko mag math no? Hehe. Nakuha ko pala ang baon ko para sa linggong ito at binayaran ko agad ang mga utang ko. 500 kay ryan at 220 sa dalawa kong boarders. 1150 pera ko, minus 820, 330 nalang! Tapos bumili kami ng 75 Pesos na Liempo, at nagbigay ako ng 20 pesos para sa 120 pesos na Bulalo, 18 pesos na Iced Green Tea (with extra cooling effect), at 38 Pesos na malaking hot and spicy na Ligo. Ang kanin libre na kasi kami nalang ang sumasaing. Hmmm... magakano na lahat yun? 330 minus 113... 217! Yan. Yan nalang ang natitira kong pera ko. Huuummmnnn... hindi nalang ako kakain this week. Haay.

Oops, natagalan ako ah... mga 5 mins ako nakatingin sa monitor bago ko ma type to... pinag-isipan ko kasi ang sinabi ni... hmmm.... hindi naman siguro mangyayari yun. Alam ko hindi mangyayari yun... tama ba tol?

Siguro nga inaantok na ako... Sleeping time ko na kasi... 219 na...

Wait lang... may nag text... gising pa pala to? Ah oo nga pala, sabi niya hindi daw siya matutulog... hindi na ako maka reply kasi wala akong load... at wala na rin pera pambili ng load.... at sarado na rin ang mga tindahan ng load... at dahil umaga na... at dahil inaantok na ko...

Sge post ko na nga to... next time naman... byebye...

Friday, July 21, 2006

Mag lelevel-up na ba si Ean?

The ability to speak does not make you intelligent.
-Qui Gon Jinn

Hindi ko masyadong na kwento ang mga pangyayari kahapon... well... dahil siguro wala na ako sa sarili... dahil sa antok at dahil sa sugar high na nararamdaman ko buong araw kahapon. Grabe, as in super hyper ako buong araw... na notice ko din? haha. Anyways... kasi para sa hindi nakabasa sa mga previous posts ko... hindi ako nakulog noong tuesday ng gabi... because high na naman ako dahil sa... basta wala... So noong wednesday na, halos hindi ako maka bangon dahil 4am na ako natulog and 7am ako nagising. Kamusta ka naman? (Reign nakakahawa din pala ang madalas mong pangangamusta) Tinatry ko na turuan si Gretchen na maging maaga... Sabi kasi namin sa kanya ni Tonix na pumunta ng 9am... pero ang plano talaga namin was 10am. Hindi lang namin sinabi sa kanya. Inadjust ko pa ang cellphone clock niya para hindi na advanced ng 20 minutes para mawala na rin ang mentality nya na "advance naman yan, hindi pa naman ako siguro late." So yun, kahit na expected namin na 10am pupunta si chen, 9am pa rin ako pumunta para incase ma exceed nya ang aming expectations, may kasama pa rin siya. Pero... pero... Haay! 10am nga siya dumating! So ano ang ginawa ko sa isang oras na yun? Natulog nalang ako sa "sala" namin sa builder. At least andming pillows dun at super lamig. Kala ko nga sa bahay ako eh. Hehe. So yun, 10am may nag text sa cell ko... nagising ako kasi naka load xa. Si getchen!!! Haha. Eh d punta na ako sa lyb.... pagdating ko dun... nandun na rin pala si (Hanna) Reign! Yey! Kumpleto na sana kami... kaya lang hindi pumunta si Tonix. Hmp. Anyways, so nawala bigla antok ko kasi kailangan na naming gumawa ng homework sa strength (Strength of Materials para sa mga hindi Mapuan). Since then siguro naka hyper mode na ako... well kasi... anyways, sge yun. So in no time natapos namin ang homework. Masaya kasi talaga kapag may teamwork. =) After that kain kami.... then may clase na sa ADMAT (Advanced Mathematics). For the first time kunausap ko ang mga katabi ko. Lalo na yung girl.... pero hindi ko pa nakuha pangalan nya. Anyways, na curious lang ako dahil magkamukha ang mga calculator namin pero hindi sila magkamukha. Hmmm... kamusta ka naman?!?! Ang ibig kong sabihin is hindi pala sila parehong model. Yun pala programmable ang sa kanya... at mahal siya. 1200 plus! Yung sa akin 950 lang! Hehe. Eh mas maganda pa rin ang calcu ko kasi naka textbook display siya... mas high tech... at kahit programmable yung sa kanya hindi niya naman alam paano gamitin. Hehe. At buti nalang pala na nakipagbonding ako sa seatmates ko. Eh nagktaon na may seatwork pala kami. Hehe... buti naman at meron akong pwedeng kopyahan... I mean compare pala. Hehe. Si Reign kasi eh... one seat apart pa! Hmp. Bad yung seatmate ko na isa.... bakit kasi nasa gitna pa ng mga surname namin ni Reign ang surname niya. Anyways... kahit malayo pwede naman kami mag compare... magulo na rin kasi ang buong classroom so ok lang na mag-ingay. After admat... Logic na. At dahil walang ginawa si sir maliban sa kinausap ang sarili... well wala rin akong ginawa... nakatulala lang sa whiteboard. Tapos yun break.... nag aral nalang kami sa canteen kasi may quiz pala kami sa Tronix2 (Electronics 2). Pero bakit kaya ganun? Kung review lang... ang galing galing namin... pero pagdating sa exam... wala na... mental block... choke... zip.... nada.... zero? Haay. Ok lang yan... Bawi nalang next time... Anyways... so before pala ng Tronix mech muna... dahil hyper pa rin ako... hindi ako nahihiya na sagot-sagotin si sir. Masaya naman... parang nagjojoke lang. Masaya kasi mag lecture si sir. Kaya lang... nag bigay na naman siya ng seatwork!!! Waaa.... buti nalang partner ko si Engineer Reign na magaling sa strength... kung hindi number 1 lang sana ang nasagutan ko sa three questions ni sir. Super napapanic pa rin ako na umabot na ako sa kabilang row para lang mag-compare ng sagot. Incase hindi niyo pa na notice, uso ang pag-cocompare sa Mapua. Hehe.... Muntik na pala kami hindi naka tapos... pero ok lang... may sagot naman pala ako na nakatago sa scratch ko... so yun... nasagutan na rin namin ang tatlo. Sure ako sa number one at sure din siya sa three... hindi lang sure ang 2, pero ok lang... halos lahat na tao hindi naman sure dun. Hehe. Tapos ay Tronix quiz na! Ang pinakainaabangang quiz an ilang beses na na postpone! Waa... kala ko super ready na ako. Pagdating sa exam nanginginig ako. At pinapawisan ako kahit na malamig ang aircon! Waaa... grabe, hyper kasi ako buong araw. Waaaaa! Hindi ko alam kung tama ang mga sinagot ko dun... pero mukhang tama naman ang iba... based dun sa mga sagot na naalala ng mga friends ko after ng exam. (Compare na naman... hehe.) Yun, at last uwi na rin kami... pero hyper pa rin ako kahit nung pauwi na. Nahawaan na daw ako ng virus ni mek... ang friend ko na laging nagjojoke (na corny minsan, haha... sorry mek). Kung last term kahit isang beses hindi ako sumakay sa jeep dahil natatakot ako ma holdap na naman ulit, ngayon siguro mapadalas ang pagjijeep ko dahil mahirap na sumakay ng FX sa mga oras na yan (7:30-8:00pm). Pero ok lang, may nanglilibre naman. >_0 *wink Haay, at last nakauwi na ako. Pero pagdating ko sa bahay nag text si Mr. Cepres... ay... hindi ko pala pwedeng sabihin... basta yun... Tpos noong gabi na yun mabilis napuno ang inbox ng mumurahin kong phone! Andaming nagfoforwad ng msgs kasi. Eh nagrereply naman ako sa lahat, unlimited kasi ako. Kaya lang sa lahat ko na ka text si Reign lang pala ang naka Sun. Wa. 12 pesos nalang ang load ko so nag landline nalang ako... haay.... tapos un... chicka chicka... then nood TV... then kain.... then hindi pa rin makatulog.... then blog... then yun... li-pong! ("Lipong" means nawalan ng malay in Ilonggo)

Anyways... so tapos na ang story ko kahapon... yung today naman. Masaya pa rin! Wow naman kasi. Sge... sabi ng driver ko na si ian mga apat na beses nag alarm ang cell ko. Pero hindi ko lang daw pinapansin. Yun daw ang gumising sa kanya, kahit na nasa lower deck siya ng double deck namin at nasa tabi ng ulo ko ang phone. Grabe, sobrang burnt out talaga ako. So dahil malelate na siya at dahil ilang beses na rin niya ako ginising pero natutulog lang ako ulit... iniwan nalang ako ng driver ko. Haay. So mga 12pm na ako gumising. May meeting pala ako sa builder 3pm... eh matagal pa naman yun so nanood muna ako ng TV. Buti naman nandito ang Vice President ng FF Cruz. (Isang big time contstruction at shipping company na owner ng condo ko.... ang EspaƱa tower) Niluto pa niya ako ng hotdog at nag saing pa kanin. Yey. Libre na ulit lunch ko! Hehe. Pero bago ako nag lunch nanood muna ako ng TV. Wala lang... then wirk fast forward... ligo... wirk.... sakay FX.... wirk... dun an ako sa meeting. Masaya ang meeting kasi may libreng Pizza hut courtesy of Kuya Ray dahil Birthday niya noong... well basta Birthday niya. (Note to self... verify kung kelan Bday ni K. Ray) Wala pang limang minuto ubos na agad ang 4 plates of Pizza! Mmmmmmmmm.... supersarapaliciouse!!! Hehe.. tapos nagalit si kuya ace... minura niya ang Builder na kumuha ng camera ng Builder at ng camera ko. P***ng *n* mo! Kung sino ka man ibalik mo na!!! (Sorry) Hindi ko na muna iniisip yun. Hindi ko rin nga kinikwento sa inyo... nakakahiya naman kasi malaman ng ibang friends ko na may MAGNANAKAW sa builder. Anyways... yun... after ng meeting uwi agad ako para ma email ko kay Kuya Ace ang OT ko sa C++... Gragraduate na daw siya sa December at hahanapan niya ng paraan para mabalik ang camera ko before that time. Sana naman mapalitan yun... sayang. Haay. Moving on... after that ginawa ko na agad ang homework sa ADMAT at Logic. Habang ginagawa ko ang logic... katabi ko kasi ang phone kasi tinatawagan ko si chen o si reign incase may hindi ako alam.... tapos bigla nalang may tumatawag na hindi nagsasalita. Hmmm... mga tatlong beses yun. Kala namin International phonecall na naman galing sa tito ni Ian, at na may problema lang sa linya. Pero sa ikaapat na tawag nagsalita na rin siya. Naks, schoolmate ko pala noong highschool na medyo close ko rin. Medyo lang kasi hindi kami close pero more than an acquiantance ang treat ko sa kanya. Well yun. Tumawag siya. After ilang minuto of kamusta kamusta... "May gagawin ka ba this weekend? Nothing I planned about, why? Are you willing to go on a blind date. Gusto kasi ng isang friend ko eh. You'll like her naman siguro? Chinita siya... Chen Wei Lu ang name niya." HUWAAT???!!!???! Blind date? I dont even go on dates anymore... tapos bigla nalang may blind date ako??? KAMUSTA KA NAMAN!?!?!? Well, without any hesitation pumayag naman ako. Waaa. Nahiya naman kasi ako na mag say No sa babae. Haay. Kaya lang pano yun?!?!?! Atenista yun! Super High Maintenance yun! Tapos conio siguro yun. Ako promdi na jologs na little boy na... basta... ang type na hindi nakikipagusap sa mga taong hindi kilala. Haay. Naku! Kill!!! Paano kaya yan!?!? Pero sige na nga, experience points din yan. Baka mag level up din ako. Hehe. Excited!?!?! Yeeeeeeeeeeee!!! =) Sana naman maganda siya. Sana naman maging masaya yun. Saturday 4pm sa Starbucks sa Katipunan kami magkikita... wish me luck

Thursday, July 20, 2006

Sohcahtoa: Beef Sinigang at Dalawang Baso ng Coke

The title has no bearing...

What a day! Tiring, unnerving, frantic, yet absolutely rewarding. Its one of those days where... darn im sleepy na po! I wanna write something... its been a hell of a day. Daming ginawa! Logic lang ata ang walang masyadong activity... haay. Ano? Wala. Sleepy. Cant write anything... anymore... must go to bed. Ahhh... sorry pala... andaming typo sa last post ko... waaa... wala na akong maisulat... wala nang malungkot na pangyayari! Thats good. Hehe... Yey, walang pasok bukas. Rest day? No, there's no rest for me. Builder duty na naman bukas... so I guess it'll be a whole day of writing.... thats good. May pizza si kuya ray bukas... and hungry na me just thinking about it... ganito ga gulo ang ulo ko ngayon... and masaya ako... walng stars pala kanina... lagi naman walang stars dito sa manila eh... Sana dala ko ang telescope ko dito... kaya lang walang stars... ok lang... ill spy nalang on the people down below... Andami ko palang textmate.... hmmm... sino pa globe dyan... text nyo ko... padala lang kayo quotes.... 09062904737... unli kasi ako five days... first time... hehe... ano pa? hmmm... wala na akong gana maglaro ng pc or ps games? Siguro im all over that stage na? Nu-uh... once a gamer... always a gamer... naghihintay nalang po ako ng mga bagong laro... pero paano yan... medyo outdated na ang system ko... and may ps3 na rin. haay. Bakit kasi third world tayo? Sana tayo ang pinakamalakas na country sa buong mundo... pero pinoy pa rin tayo... sleepy na me. Remember nyo to... mga math identities to... i think... SOHCAHTOA... CHOCHINGCHANG... PAOCHINHOTOTAYPANCITCANTONMANISHOPAO!!!! Food! Sleep. Wa... ita na ata ang pinakamagulo kong blog.... sana naman... wala... minsan... haay... bakit hindi ko matapos ang mga sentences... tama na... i need to sleep na... goodnythalonggodblessteker!!! =)

Wednesday, July 19, 2006

Nineteen

Dahil July 19 ngayon... at dahil mahalaga ang number 19....

Shecks! I cant frickin' sleep? Ano ba? Exciting ba tong day na to? I think not. Napagod ba ako? Yes! So why the hell am I not sleeping? Well, i guess its just one of those angst-ridden nights where I have to stay up until 3am to get a decent amount of "antok." So I guess that gives me about thirty minutes to finish this entry. Note, Nag--eenglish ako... There has to be somekind of special reason why Im writing in English. One, I could have been talking to myself for a long time. Two, I could be going through somekind of emotional mood... where all sunconscious dialogues happen in the said foreign tongue. And three... I could have been brainstorming for another article for the school paper.


To tell the truth, I cant sleep because I keep hearing noises from the unit directly beside ours... it gets kinda irritating so I decided to get up and turn on the computer. But that's not the story....

Ok, tagalog mode... I hate english...

Kanina lang... tinakot ako ni si Belano (Ung bestfriend ko dun sa OVPSA... Office of the Vice President on Student Affairs) Pinablock niya ang ID ko... ibig sabihin I have to go directly to his office to get it unblocked. Tapos pagkita namin... without any prior introduction... bigla niyans sinabi na "Hindi ka na pwede dun sa schoalrship." What the hell? Ano? Wala na yung Fluor Daniel? Bakit pa nila sinabi yun tapos babawiin lang? Paano yan, 3000 lang ang binayad ko sa enrollment? Kill! Patay! Naku wla na!

Tapos sabi niya, tara... pasok nalang tayo sa office. Then sa loob, dun niya pala inexplain na may bagong scholarship na offered sa top 20 ng ECE. Nagkataon na tumaas ako sa rankings and number 19 na ako... that means pwede ako dun. Kaya lang... since may Fluor Daniel Scholarship na ako... hindi na ako pwede dun sa bagong scholarship. Swear... super natakot talaga ako!!! Waaah!

Ang lupit pala ng parents ni Ate Eunice... Imagine... Nireview ng dad nya ang grades niya... tapos sinabi sa kanya (Note: Archi xa) "Sa grades mong yan, wala nang tatanggap sayo." Tapos pinatigil siya ng one term... tapos pinapa shift xa ng course. Imaj! 3rd Year na xa. Wawa naman. Ngayon pinapatrabaho pa xa as typist. Ate! Punta ka pa rin sa office ha. Waaa... Sayang. :(

Tapos ano pa... haha... secret... may secret ako. Hihi... nakakatuwa... Ito talaga ang reason bakit hindi ako makatulog... bakit hindi ako maka gawa ng homework... bakit parang umiikot na ulit ang mundo... ano ba yan? Tama ba tong pinaplano ko? Well its too early to tell the world about it... pero... yeah... At least may nakaupo na rin sa proverbial (yeah I like the word, thanks kuya nico) dinner table ko. Inalis ko na yung "reserved" sign.

Yun lang muna... sabi ko kasi 30 minutes lang... kasi gigising pa ako bukas ng maaga para gumawa ng homework na dapat ginawa ko na kanina pa. Uy, binasa ko na pala ang blog ni "kung sinong tarpolano." I don't wanna be in his shoes. Yun lang. Haha. I learned a lot today.

And about kahapon... mga tol... well... thanks. Hindi niyo na ako pinayagan mag inarte pa. Salamat. Ingat kayo...

Next time nalang ang full story.

Sunday, July 16, 2006

Internal Kuryente

Forwarded Message:

It amazes me
how tym jst passes by
so swiftly..
but u knw wt?
no mattr
wats in betwn
now & b4,
im jst glad
wer stil hir..
a lil dfrent..
but stil hir.. (:
Wala lang, since nasa bahay lang ako all day and medyo walang ginawa aside from i-exercise ang mga mata ko - wala na rin akong may nakuhang bagong quote na pwede i-lagay sa header ng blog entries ko. Well, medyo ginaya ko naman si Sir Ninong kasi natutuwa talaga ako sa blogging style nya.

Forgive me, but sometimes a writer must use the words of another.
-Kuya Nico

Naks, medyo maaga na ako nagbloblog ngayon. 4am na... pero hindi pa rin ako inaantok. Kristine kasalanan mo kung magkaroon ulit ako ng insomnia. Bakit nag online ka pa kasi sa YM eh matutulog na sana ako? Pero ok lang, natuwa naman ako sa mga usapan natin. At hindi rin ako siguro makatulog dahil may mga makulit na tao na naglalaro ng football sa PS2 sa likod ko. Hmm... well... at least na laman ko na every 2 months ka lang pala nag bloblog. Hehe... so nilagyan na kita ng link sa blog ko... para naman lagi mo ma-update ang blog mo. Magcocoment ako lagi, pramis. And gaya ng sabi ko, mas cute ka dun sa pic na kasama tayo ni Barbar. Hehe...

Ano pa? Wala, wala talaga akong ginawa today. Tinapos ko lang ang homework ko sa Strength... ang bonus points nalang gagawin ko mamaya pag gising ko. Oh, hindi bukas ha... mamaya. Sana hindi ako tatamarin ulit gaya kanina. Mga 9pm ko na kasi nagawa yung homework. Kasi pag-gising ko kanina mga 11am - sabi ko gagawin ko na homework ko, kaya lang inaantok pa ako so sabi ko mamaya nalang. Then noong 12 na gutom naman ako so sabi ko mamaya nalang. 1pm na, may lumabas na magandang movie... "Along Came Polly"... natuwa ako so pinanood ko muna. 3pm tinamad na ako because gusto ko pa manood ng moives kaya lang wala nang maganda. So nag PS2 muna ako... 6pm na... dumating na ang mga taga UP kong barkada.... so laro laro naman ng FIFA World Cup 2006 sa PS2. Tapos Dinner. Tapos yun, 9pm na... ginawa ko na xa. Hehehe... antagal ko pa nga natapos cause andaming distractions. Haay, buti nalang condo to at hindi dorm. Konte lang roomates ko. Hehe.

Sana hindi na ako tamad... -_-'

Saturday, July 15, 2006

Natuwa lang ako...

The mind is like a parachute, it only works when its open.

Ano ba yan, kakainis. Wala ata ako mga reclamo today. Nawala tuloy ang momentum ko sa pagsusulat ng mga mahabang blog. Kasi! Waaa.... Ang bait bait ng mga friends ko today. Waaaaw! Na miss ko na rin ang ganyan. Ito ang kauna-unahang araw kung saan masaya ako this term. Salamat mga tol! Salamat!


Photobucket - Video and Image Hosting

Sana ganyan kayo lagi para hindi na ako kailangan mag blog pa... ehehe. Ah hindi... magbloblog pa rin ako... pero happy naman na blog. Yeah! =)

Ano nga ba pala ang nagyari kanina, at bakit uber happy ako? Hmmm... pumunta ako sa school na wala lang. Neutral. Medyo tahimik sa first class kasi spread out yung mga kakilala ko sa room. Seating arrangement kasi. Si Reign lang ang medyo malapit cause alphabatically close yung surnames namin. Nakahiram pa nga ako ng barya at ballpen kasi ako ay isang tao na pumupunta sa school na walang dala maliban sa aking sarili. Buti nalang na masayang teacher si ma'am admat... natuwa ako tuloy. Next, medyo na late ako sa logic kasi kinuha ko pa yung book ko sa locker ko. Medyo nagtampo na naman ako kasi iniwan na naman nila ako dun sa door ng room sa admat. Hinintay ko sana si gretchen kasi nag CR xa, pero hindi na bumalik... hmmm.... biglang nawala. Pero sge, bhala kayo sabi ko. Saka yun, umkyat ako sa office para kunin yung logic book... baka may plus points ang may dalang book eh. Sayang din. Pagdating ko sa room.... uy buti nalang at may naka reserve na na upuan para sa akin. Salamat chen! Kahit hindi man yun same row sa inyo, at least malapit. Pero slight tampo pa rin ako kasi ang saya nila sa likod tapos ako kausap ko lang ang katabi ko na maraming tanong. Pero ok lang, at least napipilitan nya ako na makinig at intindihin yung lecture ni sir damian. Pinagiisipan ko pa kung sasama ako sa kanila sa break or hindi. Kasi: one - feeling ko hindi na naman ako maka connect kasi sila sila na naman ang mag-uusap and two - wala na akong pera... naubos sa mall of asia! Waaa.... 250 nalang... may saturday sunday pa! T_T Anyways, pagkatpos ng class buti nalang niyaya ako ni sir tonix na sumama. Hindi na ako nag dalawang-isip pa. Kahit wala akong pera... at kahit nagtatampo ako... walang mangyayari kung lalayo ako. And tamang desisyon yun! Habang kumakain sila nagrereview lang ako ng notes ni tonix. Hihiram din sana si Reign, kaso binabasa ko pa.... ako muna.... nauna ako eh... Ang sungit no? Pero buti nalang may magandang idea na pumasok sa isipan ko... "magpareview nalang kaya ako sayo Reign? At least sabay tayo na makakapag-aral." Haha. Yey, at least ngayon may nag eexplain na ng mga formula na pilit kong minimemorize na hindi naman pala kailangan i-memorize kung naiintindihan mo lang ang Kirchoff's Voltage Laws. Salamat Reign! Yun pala absent si sir Tronix2. Hehe. Pero ok lang... masaya naman mag review kung kasama ko friends ko. Masaya din pala ang Strength class namin. Hindi lang mechanics concepts ang tinuturo, may kasama pang seminar about studying.

Hmmm... medyo may lesson dito ah. Nasa-aking mga desisyon pa rin pala kung magiging masaya o hindi ang pakikisama ko sa tropa ko. Kung lagi nalang negative ang iniisip ko, walang mangyayari. Mga Tol, salamat ulit for being good friends today. Ingat kayo always.

Thursday, July 13, 2006

Pagbabaliktanaw sa Kahapon

"I reject your reality and substitute my own."
-Adam Savage

Kanina lang ay tiningnan ko ang blog ko friendster, yung stolid and stunned , and na realize ko na sobra na rin pala one year ang aking pagbloblog. One year and four days to be exact. Nagsimula pala ako noong July 9, 2005... habang nagbabakasyon ako sa bahay at walang magawa sa buhay.

Pause muna ang life ko ngayon. Balikan muna natin ang kahapon...
(right-click->open in new window nyo lang pala ang mga date... links yan sa luma kong blog)

August 04, 2005
Ang simple pala ng buhay ko noon. Halos walang problema, kahit academics hindi ko masyadong kailangan seryosohin. Pa gunbound-gunbound lang at pa taya-taya sa lotto. (At tumama ang isang number ko... hahaha!) Naka straight English pa pala ang blog ko noon kasi hindi ako marunong mag tagalog. Ngayon feeling ko mas madali na mag Taglish. Kasi gaya ng sabi ko noon, mas madali magsulat kung hindi ka na nag-iisip. Malapit na rin pala mag one year ang monitor ko. One year ago kasi sobrang tanga ko. Kararating ko lang dito sa condo... at dahil medyo matagal na walang tao, maalikabok ang mga gamit. Pupunasan ko sana ang monitor, kaya lang nakalimutan ko na hawak ko ang basahan at isang baso ng tubig sa aking kanang kamay. So I guess alam nyo na kung ano ang susunod na nagyari. Wirk... Bzzzt Bzzzt... "Water is a good conductor of electricity because it contains Ions with lots of free electrons... A short circuit happens when current bypasses the load and returns directly to the source." Haay naku. At least bago na monitor ko ngayon.

August 20, 2005
Nag retrospect din ako tungkol sa buhay ko noong highschool. Kinocompare ko siya sa buhay ko noong 2nd year college... Nagiisip ako ng malalim at kung ano ano nalang ang sinusulat ko. Mga walang kwentang bagay na hindi naman connected sa isat-isa. At dahil sa medyo sira ang ulo ko noon at dahil na rin siguro na sobrang inaantok ako... nasabi ko ito: "Why is it that all of the sudden I notice that everything about her is nice?" Uuuuy... nagkaroon an ulit siya ng crush! Kaya pala parang lasing ako magsulat noon - kasi may crush ako na bago. Pero kahit ganyan ako.. nag-iisip pa rin ako... sabi ko pa nga..."I'm being stupid again. Blind stupid and arrogant. Hmmm… do I risk making this mistake again?

August 24, 2005
May kinuha akong quote galing sa isang classmate ko noong highschool.

Have you ever noticed that the worst way to miss
someone is when they are right beside you and
yet you can never have them...
Life is all about risks and it requires you to jump.
Don't be a person who has to look back and
wonder what they would have, or could have had.
No one waits forever....

Hmmm... looking back... ano kaya ang nagyari kung wala akong ginawa?

August 29, 2005
Katatapos ko lang ata kumuha ng Builder exam. Hindi ko naman sana siya kukunin kung hindi ako nainggit sa mga tropa ko. Yun nga, buong araw namin siya kinuha... from 7am to 9pm. Siguro hindi ako tatagal ng ganun kung hindi ako inspired. Kaya lang dahil may bago akong crush, hindi ako napapagod. Umuulan ulan din noong time na yun. At ang ganda 1st time ako umuwi ng ganun ka gabi. Sabi ko noon... ang ganda ng intra kung gabi at kung basa ang streets. Raindrops keep falling on my head pa ang kinakanta namin habang pauwi.

August 31, 2005
May pinadala na bagong song ang isa namang classmate ko noong highschool (ibang classmate to ha). Ang Torpe Song #5 ng MYMP. At naging paborito ko siyang song since then (Pero hindi na ngayon). Noon ito ang kanta na pinapatugtog ko ng paulit-ulit sa PC.

September 3, 2005
Katatapos lang ng bakasyon at nakabalik na rin ulit ako sa manila. Bagong term na. Sinabi ko dun sa blog ko na sobrang dami na ang nagbabasa ng blog ko kasi sobrang daming times na na view ang account ko sa friendster. Simula nun medyo nahiya na ako maglagay ng mga secreto ko sa blog ko. At medyo naging magulo na rin siya. Tapos hindi na puro masaya ang entries na pinopost ko.

*****
Bigla naging complicated ang buhay. Minsan iniisip ko na sana hindi ko nalang sinabi sa kanya. At sana hindi ko nalang siya naging crush noon. Gusto ko sana ang carefree na buhay namin noon. Noong hindi pa kami close. Noong wala akong pakiaalam. Ngayon na na overcome ko na ang crush ko sa kanya, ngayon na wala na talaga akong balak na ligawan siya, bakit complicated pa rin ang buhay ko? Bakit kahit simpleng friends nalang kami, andami pa rin restrictions? Bakit may tendency pa rin siya na mailang? Siguro ganyan lang talaga siya. Ganyan na talaga siguro ang ugali nya at hindi ko na dapat pinoproblema yun. Sayang at hindi ako nagbloblog noong 1st year. Gusto ko sana malaman kung paano ako naka survive sa mapua na walang inaasahan sa ibang tao. Pero hindi pwede yun. Teamwork ang kailangan... ngayon na third year na ako at may scholarschip na naman ulit na kailangan i-maintain. Kailangan ko ang lahat kong friends, and in some way suguro kailangan din nila ako. I wish lang sana na hindi sila ganun kaarte. I wish din na hindi rin ako naging maarte.

Please... sana maging masaya din ang buhay ko katulad last term. o_0,

Bagyo: Ulan, Hangin at Alon...

Ang saya ng araw na to... waw! Walang pasok! Suspended daw ang classes dahil may bagyo. Yan, bumalik ulit ang mindset ko sa vacation mode. Kaya lang nainis pa rin ako ng konte. Slight lang na inis, hindi naman nakakamatay. Sge, balikan muna natin ang mga pangyayari kahapon at alamin ang ugat ng aking galit.

Ayos sana ang araw ko kahapon... ang bait ng mga teachers ko sa lab. Hindi ko alam ang pangalan, basta babae sila lahat. Sa logic lab, nag film showing lang kami... limang VHS (take note... VHS at hindi VCD or DVD... 1988 pa ang copyright) about sa mga bagay bagay na related sa logic. Masaya naman, medyo nakakaantok... pero mas OK compared sa 2 1/2 hours na lecture. Problema lang, pagkatapos ay binigyan pa kami ng activity: "write down all you know." Amf! Buti nalang medyo nakikinig ako... pero mahina talaga memory ko so medyo nahirapan pa rin ako. Pero ok lang, activity lang yun. Ok naman ang ginawa ko, kinopya pa nga nila eh. Next, tronix2 lab naman. Classmate ko si Huele. For the first time. Honestly kahit schoolmate ko yun, ayoko talaga siya maging classmate. Trying hard na mayabang... tapos mayabang pa. Oh, and did I mention na mayabang siya? Haha... Anyways, wala akong paki kung sino man classmate ko... basta kasama ko mga tropa ko (kahit medyo may kulang) at kasama ko sarili ko... sure na kayang-kaya namin kahit ano. Pero ops, pause muna... ano ba sinabi ko? "Basta kasama ang tropa?"

Sge... explain explain.... So ayan, tapos na ang mga lab, super maaga... kinuha nila kay Irish yung OT para sa exam namin sa tronix sa susunod na araw... tapos tinamad sila mag pa photocopy. So sino naman ang nakita nila na mapagutusan? Siyempre yung mabait, yours truly. Kaso, problema... AYOKONAMAGINGMABAIT!!! Sabi ko sa kanila "ayoko!" Aba, humirit pa si nonoy... kung ayaw ko daw mag pa photocopy sila nalang daw. SILA! Hindi nila ako isasama. Sa totoo lang ayoko talaga mag pa photocopy ng OT na yun, aside from the fact an masama mag OT... eh hindi ko talaga siya maintindihan kasi wala akong basic knowledge about sa transistor biasing... so kelangan ko pa rin talaga mag aral sa book. Pero hindi ang OT na yun ang problema ko. Ang problema ko is yung mga tao na sarili lang nila ang ininiintindi nila, at wala silang paki sa iba nilang kaibigan... basta sila sama-sama at basta ma achieve yung goal nila. Looking furhter back... ganyan din sila nung nag stay sila dito sa bahay. Nakitulog na nga sila, ginawa pa akong maid. Parang ganito. "Maid ka lang, so diyan ka lang sa tabi habang nag-uusap kami dito. Hindi mo naman maiintindihan ang pinaguusapan namin, so wag ka nang makisali. Oo, mga secreto namin to.. hindi namin i-shshare sayo. Ay, wag kang tumabi sa akin. Lalabas nalang ako. Dito nalang kami sa computer. Pagamit ng internet mo ha... titingnan lang namin ang blog ni kung sinong tarpolano. O, wag ka nang makialam... dun kan sa sa kwarto mo, matulog ka na. Uy, sandali lang... pahiram muna ng t-shirt. Bababa lang KAMI sa ministop para bumili ng pag-kain. Wag ka nang sumama ha. Antayin mo nalang kami dito. Wag nalang pala tayo bumili... wala tayong pera eh. Sge tulog na tayo. Oi, maid, diyan ka sa taas ng double deck ha... tabi kaming tatlo dito sa baba. Sge, tabihan na nga kita... natatakot si little boy. Wirk... fast forward... umaga na. Ay ang daming nangyayari sa kalsada... hoy ano na naman yan? lumalapit ka na naman. Sge diyan ka na sa airbed... tiisin ko nalang ang sahig, basta hindi ka lang makalapit. Gutom na pala ako, maid... bili mo kami ng pagkain. Ano, gusto mo pang samahan kita? Ayoko nga. Kaya mo na yan. Ako rin, ayaw din kitang samahan, inaantok pa ako. Ok lang kahit inaantok ka pa, maid ka lang naman eh. Ako rin pala, ayaw din kitang samahan. Bakit? Wala, ayaw ko lang talaga. Gusto ko kasi magkasama kaming tatlo. Wirk... fast forward, tapos na kaming kumain. Yan, tapos na ha... hugasan mo na ang plato namin. Uuwi na kami... gagawa ng sched... hindi ko sasabihin sayo kung ano ang sched ko."

Sge, try ko sila i-analize isa-isa. Based on impulse lang to ha... so sorry kung medyo masyado siyang judgemental... ay sige wag nalang... binura ko nalang... masyadong unfair kung hindi ko sila bigyan ng chance e defend yung sarili nila.

Hmmm... saan na ba ako? So yun, sumama na naman ang loob ko dahil sa kanila. Sge, sabihin natin na immature na nagagalit ako dahil lang sa hindi tayo nagkaintindihan sa pagpapaphotocopy ng OT. Pero mga tol, naiipon na eh. Parte ba talaga ako ng group? Or tatlo lang kayo ang totoong magkatropa? Sabit lang ako.

So ayan, kung sabihin nyo man na suplado ako, nang-iiwan ako, o pinagpapalit ko na kayo, hindi nyo rin ako masisi. Sa totoo lang si gretchen lang talaga ang nararamdaman ko na nag-ccare. So mga tol... mga CLASSMATE... sana classmates pa rin tayo kahit ano ang mangyari... Walang iwanan. Balik tayo sa sinabi ko dun sa taas. Kahit anong problema, kahit anong challenge, kaya natin to... basta kasama ko lang kayo - mga pinakamamahal kong classmates.

Haay, na depress ulit ako... marami pa sana ako gustong ilagay na masayang bagay. Kaya lang out of place na... sa susunod na entry nalang... masaya sana ang mall of asia.... ang sarap ng hangin. Pero pupunta sana kayo dun na wala ako, kahit text lang.... wala. Hindi niyo sana ako isasama. Buti nalang nakita ko kayo sa gate. Saka nyo pa ako ininvite. Pero in fairness, at least you still invited me to come. Sarcasm aside, salamat mga tol... (sincere to ha... salamat talaga) Hoy, sa susunod... wag niyo akong iiwan ha!!!!!!!! Lab ko pa rin kayo... Hehe. :)

Ah, bakit nga pala ganyan ang title ng blog na to? Kasi balak ko sana magsulat about sa mall of asia. Kaya lang iba ang nailagay ko eh. Hehe. May bagyo kasi ngayon diba? So walang pasok. Nag Mall of Asia kami... Ang lakas ng hangin doon sa seaside boulevard. Ang lakas din ng ulan at ang laki ng mga alon sa manila bay. Pero super saya dahil 1st time ko na experiance yun, na parang naliligo ka sa ulan pero hindi ko nababasa... super lamig... at napapalid ka sa sobrang lakas ng hangin. Plus may ice cream pa ako na hinahawakan. Shet... BRRRRRRR.... -_-


Monday, July 10, 2006

Ang aking pagbuga ng apoy...

Waaaw! Im back na again mga dudes mga tols mga chongs! Yes, balik na naman sa skwela along with a few stratches and scrapes na galing sa dalawa kong aso. Yung malaking dalamatian at isang cute na puting aso. Hehe. Huwat? Ayan na naman... kung ano ano nalang ang naiisip ko isusulat ko ha... ayoko na mag isip. Punong puno na ang head ko ng mga bagay bagay na... walang kwenta pero dapat ko isulat. Haay... ano ba to? Ang labo! Waaa... >.<

Kwento ko nalang muna ang unang araw ko sa skwela. Well, it goes like this. Una ginising na naman ako ng aso ko mga 0515H. Military time kasi naka military time din ang schedule ng flight ko na nakalagay sa ticket, 0700H. Siyempre tinakpan ko lang ang aso ng kumot para hindi siya maka galaw, sabay talon agad at binuksan ang shower sa CR. Sheeeet! Ang lamig cold tugnaw brrrrrrr freshh!!! Pero bakit antagal ko sa shower? Parang natatakot ako bumalik sa Manila. Gusto ko dito nalang ako sa bahay kung saan VIP ang pag treat sakin ng mga tao. Free food pa na super sarap. At lagi pa akong niyayakap ng dalamtian ko. Haay. Namimis ko na tuloy ang mga aso ko. Waaaa... T_T Anyways, saan na ba ako. Ahh... yun sa shower. Antagal ko naka tunganga sa pader. Excited na ako kasi may bago akong scholarship. Pero ayoko ko rin bumalik. Feeling ko problema lang ang naghihintay sakin dun. Haay. Ayan sumisigaw na si mama. Bilisan ko na daw maligo kasi baka ma late ako sa pag chech-in sa airport. Sge woosh woosh woosh, shampoo... andulas!!! sabon sabon... whish! Tapos na! Hehe. Hmmm, ano kaya ang gagamitng kong damit ngayon. Ah eto, ang yellow na polo na bili ni mama at ang brown na pants na bili ni lolo at lola ko. Naks! bagay! Hehe... Astig!

Ayan, sge... hatid na nila ako sa airport... bago pala sasakyan namin... blue van na maliit. Para daw mas tipid sa gas sabi ni Papa. Pag dating sa airport, the usual... sobrang sanay na ko sa pag check in na parang sumasakay nalang ako sa bus. Ilang miles na kaya ang naka register sa mabuhay miles card ko? Siguro andami na, kaya lang sayang ang flight na to... hindi daw credited sa miles kasi piso lang binayad ko na airfair. Oo! Piso! Believe it or not. Kasi may promo yung Air Phil, noong last last last month pa ata yun. Na kung mag pa reserve ka daw ng flight nang mas maaga, piso lang ang pamasahe. Kaya lang piso plus tax, plus insurance, plus bayad sa airport, plus pang yosi ng piloto... blah blah blah... total niya ciguro mga 800 pesos din. Pero ok na yun! Mas cheap pa compared sa Bus na Iloilo-Cubao! 1,100 pesos un eh. Sge back to the story... gusto ko kasi window seat so nag pa reserve ako sa check in counter ng mas maaga. 5A ang binigay sakin! Yey! Ang saya, malapit lang sa door. Pagkatapos ng ilang minuto boarding na... hinahanap ko na sina Ian para sabay na kaming aakyat sa eroplano. Ayun! Sge babay babay ako para makita nila ako. Bakit hindi nila ako pinapansin? Hmmm... babay babay ulit, baka hindi lang ako nakita. Yan, nakatingin na... kaya lang bakit ayow pa rin akong pansinin? Lapitan ko kaya. Waaa... hindi nila ako kilala! Iba na kasi buhok ko at naka glasses na ako na may thick frames. Parang Koreano daw. Hehe. Pag akyat ko sa airplane, iniinglish pa nga ako ng mga "seatmates" ko kasi siguro nga kala nila Koreano talaga ako, well... siyempre kasi tinatamad din ako magsalita at medyo gusto ko rin mag play along, oo nalang ako ng oo... diba yun din ang ginagawa ng mga koreano? Hehe.

WARNING: The following text may contain material not suitable for all readers...

Tapos lipad... landing... wiirrrk... fast forward... daan muna sa condo... lunch... wiiiirrkk! Dito na ko sa classroom! Hehe. Haay,at dito na nagsisimula ang problema. PROBLEMA!!! Waa... ayoko ng problema... ayoko! Ang bigat ng atmosphere saming magkatropa. Parang pilit yung conversations. Well, siguro para sa akin lang kasi hindi talaga ako marunong magdala ng usapan. Pero kahit na... ayoko talaga ng ganyang mood. At ayaw ko na pala siya i-kwento. Wala, basta bad memory nabubura agad yan, Unless nalang sobrang galit or sobrang lungkot ko na kelangan ko i-post ang lahat na sama ng loob ko. Pero wala. Feeling ko nga hindi ako part ng problema. Kasi ayokong makialam. Pero parte na rin ako ng tropa at naapektohan din ako. To think about it, ako nga ang pinaka naapektohan. Shit. Bakit? Hindi ko ma explain. Pero ayoko, hindi na nga ako nagsasalita habang nag-uusap sila. Andaming sama ng loob na gusto ko sana ilabas kanina, kaya lang hindi ko mailabas. Bawal ba? Bakit lahat na bad feelings ko hindi ko pwedeing sabihin? Ouch! It hurts you know. Hehe. >.< Feeling ko parang hindi ako importante sa kanila. Parang extra lang na nakikisabay. Shadow? Buntot? Wa... ayoko ng ganitong life. Hindi pala importante ang feelings ko? Hoy, wag nyo kong tanungin bakit ko nasasabi to ha, kasi hindi ko rin siya ma explain. Yun lang talaga ang nararamdaman ko. Bakit kung ako may problema hindi nalang ako papansinin? At bakit parang bata ang pag treat nila sakin, na mali ako at sila tama? Na dapat hindi ko pinoproblema yung mga problema ko? Makinig naman kayo sakin kahit minsan? Hindi, kasalanan ko rin. Kasi hindi rin ako nagsasalita. Kasi kung magsalita ako gulo lang ang resulta eh. At ako na naman ang mali kung may reclamo man ako. Kaya yan, iniipon ko nalang. Para lang sana masaya tayo lahat. Yan lang talaga ako gusto ko. Na masaya tayo lahat na magkatropa. Gagawin ko lahat para lang nakangiti tayo lagi. Kahit uunahin ko kayo... ok lang... basta masaya tayo. Basta buo tayo, solid, whole, undivided. Dito nalang ako maglalabas kasi konte nalang naman ang nagbabasa ng blog ko eh. Sano hindi niyo to mabasa para walang gulo. Pero kung mabasa niyo... sge, bhala na... Bakit ganyan? Kahit text lang, wala. Kahit forwarded. Wala din. Sge ako na nga ang mag text. Kunyari hindi ko alam classroom natin. Text ko kayo sa lahat nyo na number para sure. May nagreply ba? Wala. Walang load? Hindi rin eh, bakit text kayo ng text? Sino na naman yan? Bat ang sama ng tingin sakin pag pasok ko palang ng room? Bat inis na inis sa mga jokes ko? Hindi ako bobo no! Nagpapatawa lang. Sorry kung mali ang timing. Bakit kung gusto niyo magpasama sa isat isa, ok agad ang lahat? (Sama na rin ako, do i have a choice? gusto ko kasama ko kayo eh) Pero bakit kung ako ang nagpapasama, ayaw? Bakit kung ako ang naghihingi ng favor, ayaw? Bakit kung ako ang walang kasabay ok lang? Kung ako ang maiiwan, ok lang? Bakit kailangan ako lagi ang magpakiramdam? Ako lagi ang makibagay? Sawang sawa na ko. T_T Tol you dont care ba talaga? Wala talaga akong nararamdamang TLC. (Tomato Lettuce Cheese?)

Pero mga tol kahit ganyan kayo ayoko pa rin na mawala kayo. Kailangan ko kayo, sobra. Mas mahirap ang buhay kung wala kayo. Kaya kong tiisin ang mga sakit na to. Ang hindi ko kaya ay ang mag-aral na walang kasama, na walang kaibigan. Done that, been there. Naks andrama ko ngayon. Hehe. Uy, sana ang konteng drama kong ito will not hurt our friendship. Kahit nga sa wrestling may drama, diba? Hehe. So sa mga nakasimangot na dyan, smile na kayo pls. Yan lang ang gusto ko. At least nailabas ko na yung mga toxic at pwede na rin tayo ulit mag smile.

Abangan ko nalang kung ano ang mangyayari sa second day. Sana wala nang problema.