Wednesday, August 30, 2006

Si Ean Walang Gana Mag Blog?

Though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil.
Psalm 23

Sleepy na ako. Wala na naman akong gana mag blog. Bakit kaya
ganun? Kung masaya ako ayoko na mag blog? Haay. So hope nalang kayo na sad na naman ako bukas para may bagong post na naman ako. Hehe. Jokeness! Pero totoo yun na wala na me gana mag blog ngayon.

Eto nalang muna. Natuwa lang ako sa pic na to... hehe... kawawa naman ang cat. [evil grin] >.<


Parang IQ test to... which of the following does not belong to the group? Hmmm... esep esep... wala lang... cute cute!!! Yeeeee... :D


Ah, marunong na pala ako paano gamitin ang photos1.blogger.com... click niyo lang ang square thingy na katabi ng check at eraser sa taas... hehe... wala lang... tinuruan kasi ako kanina ni ate anna... and alam ko na pala to noon palang... nakalimutan ko lang... nyahaha... basta kasi meron akong entry noon about sa flight ko to Iloilo... and gumawa ako ng sarili kong flight deck using a compass and a glass half filled with water.

Sge na nga, medyo may momentum na rin ako para mag blog. Hmmm ano ba nangyari kanina? Wala lang.... masaya lang ako kasi masaya ang logic lab and ang boong araw ay isang mahabang food trip. Hmmm... sge lets start.

Hindi na naman ako nag breakfast kasi hindi naka luto si Vice Pres kasi nga naubusan kami ng bigas. At dahil hindi ko pa nasulat ang lab report ko (kailangan kasi engineering lettering) nagmadali na naman ako. Na print ko na kagabi ang mga dapat ko isulat (i-trace pala... hehe, madaya kasi ako... pprint ko muna using engineering letering na font and itrace ko xa) so hindi na ako kailangan mag-isip pa. Trace nalang ng trace buong umaga. Noong mga 1130 na, niyaya ako ni Melissa at Dothz para mag lunch. Pero sabi ko kayo nalang kasi wala akong pera. 20 pesos lang laman ng pocket ko, utang ko pa yun kay sir Namre. Naks... gutom na ako at sumasakit na ang neck ko kasi weird ang position ng ulo ko kapag sobrang focused sa pagsusulat. Wawa naman ako.

5 minutes before the first bell natapos ko na at last ang reoprts ko. Kailangan ko ng liquid paper pero hindi yata uso yun sa builder office. Hehe... buti nalang si Kuya Es may dalang Tech pen na may white ink. Mahal daw yun compared sa black ink. Nakakatuwa... parang liquid paper din siya kaya lang medyo mas mabilis mag dry-up. Pagkatapos kong inayos ang mga mali mali ko, naalala ko na wala pa rin pala akong green paper para sa cover page. Naks. Tinext ko nalang muna ang lahat na kilala ko. Either wala pa sila sa school or wala silang dala na green paper. Oh well, sge mamaya nalang yan... mabait naman si mam. Research muna ako ng proposal incase na ma-reject ang medyo madali na mga proposals namin para sa project prototype sa logic 1. Buti nalang magaling ako mag cram. Wala pang 2 minutes may nakita agad ako. 28 LED clock circuit at 72 LED clock. Ayus! Print ko sila agad. Tapos lipad sa 2nd floor, hingi ng green paper sa mga clasm8 na di ko kilala (pakapalan nalang) then lipad ulit sa 4th floor para gumawa ng cover page. Buti nalang pwede na compterized ang cover page. Nyahahahehe...

Noong magsisimula na sana ang experiment gutom pa rin ako. Pero 20 pa rin ang pera ko. Buti nalang maraming extra na pera si gretchen. Sabi ko, magpapaphotocopy lang ako ng PDS (Prelimenary Data Sheet) sa baba... pahiram pera. Bakit kailangan mo pa ng pera, piso lang naman yan kasi 2 pages lang yan? Kakain pa kasi ako eh. Sge samahan nalang kita. Yeeeee! Hehe... may kasama na ako! Tumakas kami sa lab at bumaba sa canteen. Naka limang kiss kami... nyahaha. Pero hindi kiss na kiss ha! Kala niyo! >.<... Kiss King of Balls, yung nagbebenta ng mga fishball, kikiam,at gulaman... hehe.


Ansarap talaga mag kiss! Lalo na kung hot and spicy w/ gulaman!

Oh diba antakaw! Hehe. Sge balik na sa logic lab. Kasi leader ako ngayon, kailangan may contribution ako sa group. Kasi buong term na to lagi supervisor lang ako. Hehe. Nagyon gumawa na talaga ako. Ako nag design ng circuit (Binary Counter yun para sa mga nakakaintindi), ako din ang nag connect, pero tinulungan ako ni leo, at tinapos na rin niya para sa akin. Hehe. Tapos gumana agad after a few minor adjustments! Yey! Masaya talaga ang lab kapag alam mo ang ginagawa mo. Ang part 2 pala sila na ang gumawa. Nag braid nalang ako ng wires kasi inatake na naman ako ng ADHD ko. Hehe. Sabi nila pang bading lang daw yun! Hindi no! Inggit lang kayo kasi artistic ako kahit technical ang subject. Nyenye! UTP ang tawag dun... Unshielded Twisted Pair... Oh diba... naalala ko pa ang CISCO training ko noong High School Tinetwist ang wires para mag combine ang electromagnetic fields nila at magkakaron sila ng parang force field to pretect them from outside interference. Yuck - geeky stuff. Wala lang, hindi ko ma resist ang urge to explain. :P

Kami din pala ang pina ka last na group na umalis sa room. Kasi nga hindi kami nagmamadali kasi medyo busog pa kami. (Well at least kami ni chen) Naglaro nalang kami ng computer chairs. Kasi wala nang tao sa lab ginawa namin siyang racetrack gamit ang mga computer chairs. Hehe... buti nalang hindi naka tingin ang mga manong sa likod ng 1 way mirror. Kala nila hindi namin sila nakikita sa likod ha. Hmmp, di lang nila alam na lumalabas pa rin ang shadow nila king lalapit sila sa glass. Syupid! Joke lang! Hehe... mabait naman ang mga manong sa logic lab.

Hmmm... then gutom ulit kami pagkatapos ng logic lab. Bumili kami ng spag sa canteen. This time kasama na si Tonix, (Antonio Alejo de Grapon dela Madre de Cacao la Kalachuchi III pala ang real name niya... hahahahaha). Kaya lang dalawang spag nalang ang natira. Si kahit mukhang masarap ang spag, pinanindigan ko nalang ang sinabi ko na ayaw ko ng spag. Para makakain din silang dalawa ni chen ng masarap ng spag. Mabait pa rin kasi ako eh. So nag Jamaican patty nalang ako, nilagyan ko nalang ng maraming hot sauce para sweating hot na naman siya ulit. Gusto ko talaga maging mabait. Sa totoo lang, nagpapangap lang ako na mayabang, maangas at suplado to fit in. Yun ata ang requirement sa tropa namin. Pero masaya ako when I can be myself. Kahit na alam ko na nice guys finish last, ok lang. Hehe. Kahapon nga nilebre ko rin si Gretchen at si Tonix ng kikiam. Pero nahiya sila bigla sa akin so nilbre din nila ako ng maliit na jamaican. Siyempre hindi ko naman tinanggihan. Pagakain din yun. Wala lang. Point ko is masaya pa rin ako when Im the nice guy. At when people allow me to be nice to them. Haay... some people kasi diyan... sge wala wala... dapat masaya ang post na to... no rants muna. Hehe. :D

So Electronics lab na after kami kumain. Actually tinatamad na ako mag tronix lab kasi hindi naman ako makagawa kasi sinosolo ni sir cepres at sir marvin ang FACET Board. Hmmm... ginamit ko naman ulit ang "magpapahotocopy muna ako" excuse para maka takas sa lab. Nag internet nalang muna ako sa office at nag reply sa mga comments ni efren! Andami wow! Halos lahat an entry ko. Keep it up fren! Hehe... kung gusto mo mag lagay ng mga bad words ok lang yun! Hehe... kilala ta man ka ah!

Yun, so after mga 30 minutes na pagbabasa ng mga blog ng iba... (w/c includes sir ninong, sir namre, and reign)... ready na rin at last ako para bumalik sa lab at maging supervisor ulit. Hehe. Tapos after a while naka balik ulit ako sa office kasi nag research ako para sa mga answers to questions and problems. Haay, minsan may advantage din when your not the smartest guy in the group. You dont need to do a lot of thinking. Dirty work lang like pagpaphotocopy or paggawa ng graphs. Pero minsan boring din. Gusto ko ako ang gumagawa ng circuit at ako ang nag dedelegate. Pero ok lang yun, magaling naman kasi si mr cepres. Wala akong reclamo. Masaya naman maging supervisor. Aral nalang ako kung practical exam week na.

Tapos yun... uwian na. Masaya ako all the way. Hehe... Kaya lang sa jeep pala kailangan naka angry face ka. Kasi kung mukhang tulala ka or mukhang takutin.... baka maging target ka pa ng holdaper. Hehe... at ayoko talaga mag jeep kung ako mag isa. Gusto ko FX. Less pollution, less chance na ma holdup kasi less people. And most na sumasakay is mga students or mga may kaya kasi medyo pinipili din naman ng driver ang mga pinapasakay nila. Kaya lang masaya din mag jeep kung kasama si reign. Kahit less than five mintues lang kami magkasama. Last 3 weeks nalang kasi. Every minute counts. Haay. Pero ok na ako dun. Tanggap ko na noon pa na hindi na kami magsasama next term. Thats ok, thats alright.

Pagdating ko sa bahay kain ulit. Isang malaking chicken (Deep voice... CHEEEHKHEEN!!!) at dalawang rice at maraming tubig at dalawang banana. Alam niyo ba na pwede niyo na i-slice ang isang saging kahit hindi pa ito na balatan? Easy, kuha lang kayo ng isang sharp object (eg pin or paper clip). Tapos insert mo yan sa saging, twist sideways, left right left right. And Walah! Magic Saging! Hehe... Wala lang... ginawa ko yun kanina eh. ADHD attack nga ako ngayong araw na to. Then after eating naglaro muna ako ng San Andreas sa PC. Bagong CD kasi na pinahiram ni sir namre. Medyo na stress ako dun kasi ang hirap ng controls. Sanay ako sa PS2 version eh. Naligo nalang ako. Mga 30 minutes ako nag hot shower na naka set sa fine spray (high tek kasi ang shower namin, mayamin kasi landlords ko.... si VP). Ansarap! Super stress releaver... parang massage (read as ma-sa-he) lang. Mmmmmm... Ahhhhh what at day. :D

Hmm...ano pa... about sa builder exam noong sunday. Argh... next time nalang...antok na talaga ako... haay. Basta masaya din ako noon. At sa lagay na to wala pa akong gana mag blog. Oh my god! (Thou shall not use the Lord's name in vain) Hmmm... oo nga no... erase erase. Oh my goodness! Hehe... Or pwede rin... Oh my gosh! (Yack!!!)

("o) *yawn* Sleepy na ko! I need to sleep na. BB nalang guys.

3 comments:

ariane said...

"Si Ean Walang Gana Mag Blog?"..daw sala title mo aw?this is one of your longest entry..wla ko gani napatapos basa..haha..tnx sa greeting caes..

Anonymous said...

Walang Gana my foot!!!

efrenefren said...

28/72 led clock? huwaw. sa 7 pa lang gni nabudlayan no ko ya.
nwe, i read until there lang. its too long.