Haay Ean, bat kasi nung maliit ka family computer lang lagi ang kaharap mo at hindi tao? Bat kasi lego lang ang kalaro mo ng bahay-bahayan? Bat kasi noong elementary ka peru sega, pokemon, red alert at starcraft ka nalang? Ket nung highschool puro counterstrike? Pagdating ng college ano, magdodota ka pa ba? Na try mo na ba ang ragnarok?
Marunong ako mag virus scan... hindi naman ako marunong maglinis ng bahay.
Marunong ako mag defragment ng hardrive... hindi ko naman maayos ang cabinet ko.
Marunong ako mag Hypertext Markup Language... hindi naman ako marunong pakipag-usap sa tao.
Marunong ako mag manage ng isang city sa Sim City 4: Rush Hour... hindi ko naman maayos ang buhay ko.
Marunong ako gumawa ng simpleng AI sa Pascal, C, C++, at Flash... pero bakit hindi pa rin ako marunong umintindi sa mga kaibigan ko?
Hanggang Sims2 nalang ba ako? SA Grand Theft Auto: San Andreas nalang ba maging masaya ang buhay ko? Sa Final Fantasy: X2 ko nalang ba makikita ang aking one-and-only? Kung ako si Squal, saan si Rinoa? Kaya ko bang paslangin ang karibal ko na si Seifer?
Bakit walang save - load ang totoong buhay?
Kung meron lang... sana hindi ko sinayang ang kalahati ng buhay ko sa harap ng computer. Siguro sana ngayon marami na akong kaibigan.
Wala ring cheat code ang totoong buhay. At kahit naka ilang level-up ka na... wala ka pa rin.
Hindi mo pwede i-uninstall ang mga problema.
Walang recycle bin kung saan pwede mo pang pulutin ang mga files (o tao) na binitawan mo.
Walang alt+tab kung saan pwede kang lumipat sa window na gusto mo.
Walang minimize, hindi mo pwedeng itabi muno ang mga importanteng bagay at umasa ka na kapag i-maximize mo na sila nandyan pa rin.
Kung mag shut-down ka wala nang restart.
Haay... buti nalang may SLEEP MODE sa totoong buhay.
Sge sleep muna ako. Ding-Dong-Dong-Ding... (naka windows xp kasi)
1 comment:
i can relate. my tears are wanting to fall. :c
Post a Comment