Thursday, August 17, 2006

Chaotic

Magulo... yan ang isasagot ko sa inyo kung tatatanungin niyo ako kung kamusta na ang buhay ko.

4 weeks nalang ang classes... meaning
1) last 4 weeks para bumawi sa mga bagsak na quiz
2) last 4 weeks para gumawa ng mga prototype etc
3) last 4 weeks to prepare 4 d finals
4) last 4 weeks nalang... na kasama ko siya. After that wala na... hindi na kami pwede maging classmate...

Hindi ko pa rin ma enjoy ang company ng friends ko
1) Kahit alam ko na nasa sarili ko lang ang mali
2) Dahil masaya sila lagi at ako lang ang hindi
3) Dahil dumadami na ang barkada... at ang iba hindi ko naman ginusto na sumama
4) Dahil wala pa rin pumapansin sa akin... minsan

Mawawala na ulit ang scholarship ko
1) Dahil babagsak na ako
2) Kahit alam ko ang lessons, sa quiz nawawala lahat
3) Dahil si sir damian ang prof ko
4) Dahil magulo lagi ang ulo ko kasi nga depressed
5) Dahil ayaw na nila ako turuan kasi... may iba na mas importante sa akin lagi...

Exam ko sa editorship sa builder... pero hindi pa rin ako ang pipiliin dahil
1) Mas magaling talaga si sir nash
2) Tamad ako at hindi pumapasa sa dedline
3) Dahil mahina ako sa spelling
4) Dahil hindi na ako tumatambay sa office kasi nga gusto ko kasama ang friends ko
5) Dahil hindi na ako seryoso sa builder kasi nga depressed

PERO
! Malaking pero...

Pero kahit ganyan ako:
> walang silbe at hindi mapakinabangan na kaibigan... iniindindi pa rin nila ako...
> kahit hindi kami ka wavelength... natutuwa na rin sila minsan sa mga patawa ko
> kahit na hindi ko sila tinutulungan sa mga homework, quiz etc. pinapakopya, tinuturuan, nirereview pa rin nila ako
> kahit waka akong silbeng kausap... pinapasama, tinatabihan, sinasamahan pa rin nila ako
> walang pera... pinapautang, nililibre pa rin nila ako
> at andaming bagay bagay pa...

KAYA kahit na magulo ang buhay ko kung kasama ko kayo... ayoko pa rin na mawala kayo... ito na ang buhay na nakasanayan ko... kaya ko rin magbago

Kung noon ayaw niyo sa akin kasi makulit, nakakainis, maingay, at wierd ako... sinikap ko na magbago.

Ngayon naman na sobrang seryoso ko na at madrama... sisikapin ko rin na magbago.

Kasi kahit ganito ako... mahal ko pa rin kayo... d talaga mawawala yun.

Salamat at naiintindihan niyo ko...

SANA NEXT TERM CLASSMATES PA RIN TAYO.... kahit isang subject lang... or better yet dalawa...

basta wag lang lahat....

at dapat sabay pa rin ang uwian... kailangan kong bumawi sa mga times na hindi ko kayo sinasamahan...

Gudluck nalang sa atin... sana naman matapos ang term na to na masaya tayo lahat...

Sana masaya rin tayo next term...

God... help! pls...

2 comments:

HannaReign said...

wooooo! DRAMMER talaga! bwahahaha..

1. talagang ganyan.
2. dumadating sa point na kala mo hindi ka npapansin. dumadating din sa point na isang tao o dalawa sa isang group of friends ang hindi masyadong napapasin. naranasan ko na rin kasi yun pero hindi naman forever. parang "time to shine". hwahaha.
3. hindi lahat "permanent".
4. may mga bagay na nag-wowork out kapag malayo o hiwalay.
5. kapag naghiwa-hiwalay ang isang tropa, it doesn't mean na masisira na ang friendship. syempre, gusto din nila na hindi lang sa mundong iyon gagalaw ang buhay nila. hindi lang ikaw, o sila, o kayo yung gusto niyang makasama. o kaya naman, gusto ng taong iyon ng space. imbis na magwala siya o magalit, lalayo muna siya para makapag-isip o para maglow down yung inis, whatever.
6. try mo, i-clear yung mind mo. "depressed ka ng depressed" dyan! sapakin kaya kita.
7. wag mong antayin na yayain o alukin ka. ano un, gusto mo, bini-baby k? syempre, kusa ka nang gumawa ng way para mag-belong ka sa mga friends mo.. kc hindi naman lagi aalukin ka nila. pano kung may iba silang iniisip. masasabi mo ba na lagi silang nandyan? pano kung may problems din pala sila?
8. learn to stand on you own. hindi ko sinasabing mamuhay kang mag-isa. gusto ko lng maisip mo naa, hindi sa lahat ng oras maiisip ka ng mga friends mo. hindi sa lahat ng oras nandyan sila. hindi sa laht ng oras kaya ka nilang turuan. at hindi sa lahat ng oras maiintindihan ka nila.

*** sigurado, kailangan ka rin ng mga friends mo. alam mo yun at alam din nila yun. nasayo nga yung problem kasi masyado kang pessimistic. kung ano-ano yang naiisip mo.

o baka naman kaya ka nalulungkot kc hindi ka satisfied sa mga nangyayari o kaya naman may expected ka na mangyayari o gagawin ng mga friends mo para sa'yo.

hayy...

ang hirap mag-explain...

maiintindihan mo rin yan pagdating ng panahon...

ipapanalangin ko!!

haha! GODBLESS!

Anonymous said...

> walang silbe at hindi mapakinabangan na kaibigan... iniindindi pa rin nila ako...
> kahit na hindi ko sila tinutulungan sa mga homework, quiz etc. pinapakopya, tinuturuan, nirereview pa rin nila ako


nakakaiyak pero tottoo rin sa akin ito (T^T)