Monday, December 19, 2005

Angst-ridden Day

Nandito na ako ngayon sa softlinx... ang dating tambayan ng dating barkada. Kaya lang ako lang mag-isa ang nandito ngayon. Pumunta lang kasi ako dito para mag pa enroll sa MyMapua, at hindi pa pwede baguhin ang sched so magbloblog lang muna ako. Wala kasi internet sa bahay namin at kung meron man, masyadong mabagal. Dagdagan mo pa ng fact na mabagal din ang MyMapua, naku... wala na. So eto ako ngayon... pindot ng pindot ng f5 para ma refresh ang page. Baka maka chamba.... unang-una ako na maka set ng schedule.

Sige, dahil wala pa naman akong ginagawa ngayon... magkwekwento nalang muna ako tungkol sa mga nangyari noong December 17, 2005. Yun na siguro ang pinaka memorable na araw sa taong ito. Sobra.

Nagsimula ang araw na parang wala lang. Hindi ako kinakabahan. Ready na ako na matanggal sa TNB kahit alam ko maganda naman ang performance ko. Expect the unexpected, kasi hindi mo mahulaan kung ano talaga ang iniisip ng mga editors. Inuwi ko na ang PS2 ko, naka ready na sa isang paper bag ang lahat na gamit ko sa locker at nag black ako, para naman mukhang nagluluksa. (Again im asking kung tama ang diction ko, kasi first time ko naman ginamit ang word na to.) Nung naka sakay na ako sa fx, dun banda sa may UST... tinawagan ko si Sir Namre, sabi ko ready na sila kasi susunduin namin si Ate Grace sa gate ng Mapua kasi marami siyang dalang food. Tinanong ako ni Sir Namre, "Ano ba ang suot mo?" Sabi ko "Black na T-shirt pero may blue polo ako sa bag." Doon ko lang nalaman na kahit hindi kami nag plano, naka black din pala kaming lahat na mga probis. Pareho kami lahat na natatakot at kinakabahan noong araw na yun. Sa isip namin lahat, last day na namin to na magkasama, matatanggal na ako.
Pagdating ko sa school naka black nga sila lahat. Sasayaw pa kasi kami sana na parang mga F4 at may mga costume din kami na dala sa bag, pero hindi na namin ginamit to... parang costume na rin pala ang black. Hehe. Eh di yun, hinintay namin ang pagkain. Antagal! Parang ilang oras ang dumaan bago tumawag ulit si Ate Grace para mag ps sundo (Hindi pa tapos!!!!) LATER NA!!! DOTA MUNA!!!

Friday, December 16, 2005

Christmas Party

Nagustuhan ko ang writing style ni Sir Feddie kaya magtatagalog na rin ako. Para na rin mapilitan ako na magsulat ng hindi ganun ka lalim. (Ano ba yan, nagkaka problema na ako sa grammar ngayon palang.) Pero sige, ipagpatuloy ko to.

Ayan, Christmas party... yun nalang topic ko. Gaya gaya nalang kay Sir Feds. Wala na ako maisip na iba. Tapos ang ingay sa labas, may party ang PLDT sa kanilang helipad. Helipad na hindi naman ginagamit. Baka nga pang Christmas party lang talaga yun. Sge mag kwekwento na rin ako tungkol sa mga Christmas party ko nung High School. Sana maalala ko pa. Sobrang dami na ng mga iniimbak na bagay bagay sa utak ko, bka nakalimutan ko na ang nakaraan. Hehe.

Ang isa sa mga pinaka-naalala ko na Christmas party ay noong second year pala kami. Nilalagnat ako nun at sinisipon. Ganyan naman talaga ako pag December eh, buti nga wala pa akong sipon ngayon kahit lagi akong puyat at hagardness. (tama ba ang gamit ko ng word?) Anyways, sge sayawan muna sa Auditorium. Siyempre ako ang DJ kasi ako ang may pinaka maraming MP3s noon, kaya ako ang namimili ng songs. At siyempre pinipili ko ang mga favorite ng mga gusto kong isayaw. Haha! D nga pala ako marunong sumayaw, pero ok lang... left step, close, right step close lang naman yan. Kaso kinakabahan lang talaga ako kapag malapit ako sa mga crush ko kaya nagmumuka akong robot at lagi kong naapakan ang paa nila. Haay naku, sge continue. Tapos ano ba naman ang Christmas party kung walang kainan. Hindi ko na maalala kung ano ang food pero alam ko masarap siya. Tapos games games na. Ang pinaka masaya dun ay ang scavenger hunt. Inikot namin ang buong campus na parang mga batang hinahabol ng multo. Hehe. Hindi ko na rin maalala kung sino ang nanalo. Ang alam ko lang ay sobrang pagod na kami pagkatapos nun, pero nag laro pa rin sila ng "sikyu" sa quadrangle. Alam niyo na siguro kung ano yun, basta parang capture the flag siya. Eh yun, habang naglalaro sila nakaupo lang kami sa covered walk. Nag uusap. Ang lamig ng hangin! Walang kahit isang ulap sa langit na punong puno ng mga bituin! Hindi ako maka hinga kasi barado na ang ilong ko. Nanginginig at parang nilalagnat na dahil sa lamig at kaba. Nagtapat ako sa kanya. Umayik lang siya. Tinanong ko bakit. Natakot daw siya. Bakit kaya ganun? Bakit sila natatakot sa akin? Hmmmm. Pero ok lang, nakangiti naman siya pagkatapos. Ang saya ng pasko ko nun. Sobrang tagal bago mag January na naman ulit at may pasukan na naman.

Ngayon second year na naman ulit ako, kaya lang college na. Apat na taon na rin ang lumipas. Kung isipin ko, ang layo na ng pagkakaiba ng ako noon at ako ngayon. Pero parang ganun pa rin ang mga pangyayari. Dahan dahan na ulit ako nagiging involved sa mga pangyayari sa skul. Nararamdaman ko na ng konte ang college life na tinatawag. Nagkakaroon na rin ako ng ibang mga gawain maliban sa magaral, matulog at maglaro ng kompyuter. Oo, nagiging masaya na ulit ang buhay. Exciting na siya. I'm taking risks again. Kaya nga lang, hindi katulad sa kompyuter, ang totoong buhay ay walang reset button. Isang malaking sugal (sugal nga ba ang tagalog ng "risk?") ang ginawa ko. Nagtapat na naman ulit ako. Naiiyak din siya (pero sa palagay ko hindi siya umiyak). Natakot din siya. Kaya lang iba na ang sagot ngayon. Hindi pwede! Ouch ang sakit. Pero sanay na ako sa sakit. Sge, walang problema. Pero ayusin natin to. Kala ko malungkot na malungkot na ang pasko ko ngayon. Pero hindi rin pala. Napaisip ako. Mas masaya nga ang buhay namin nung magkaibigan lang kami. Bakit ba kailangan ko pa ng sobra dun? Eh di yun, ang saya ng araw na to. Masaya nga talaga ang buhay kung magkaibigan lang kami. Friends Forever! Naks kilig! Brrrrr! Haha. Masaya pa rin ang pasko ko! Sobrang tagal na naman siguro bago mag January ulit!

Ay oo nga pala, Christmas party nga pala ang topic ko. Sayang, walang Christmas party ang Mapua eh. Pero bukas meron kami sa Builder. Naku, nakakatakot na Christmas party yun. Tanggalan na kasi ng probationary staff (kami yun). Naku! Pero hindi ko na iniisip yun! Pasok man or hindi, masaya pa rin ang pasko ko! Haha.

Tuesday, December 13, 2005

A Day of Extremes

Tagalog na nga, kasi tamad na ako. Nag aral lang ako ng konte sa mech tpos ginawa ko to ang banner. Ang saya! Gumagana na siya at last. Medyo may bugs lang. Ok lang, ayusin ko lang yan bukas.

Haay naku, masyadong extreme ang araw na to. Ang saya, ang lungkot, nakakatakot, nakaka-excite. Basta. Mahabang story na naman yan kung isusulat ko pa. Bukas nalang kasi antok na ako. Nilagay ko lang to muna para ma remind ko ang sarili ko na magsulat bukas. Pero general mood ko today is masaya. Kahit na may dalawang finals at nkakatakot grades ko dun. D'best pa rin ang day na to. Sana walang babagsak sa amin. Immortal pa naman kami lahat. Ang lungkot siguro kung maka first blood na me. Haha, ginagamit ko mga lingo galing sa article namin na walang byline. Pero ok lang yun. Hehe.

Sge, hanggang dito nalang muna ako... e edit ko nalang to later. See yah.

Monday, December 12, 2005

The Warehouse in My Mind: Antechamber

Ok, so I got tired of studying and I decided to add another section to my fictional warehouse. I am so saturated with unorganized data right now that I have no idea how I'm going to remember all these during tomorrow's exams. I hope I don't black out.

Since we're already talking about unorganized thoughts and short term memory, this new section of my warehouse will be dedicated to that purpose alone. So wipe your feet on the door mat before you enter, you don't want to spoil my thoughts when you walk over them.

The Antechamber

Behind the desk lies a big oak door, taller than two men and wider than four. Behind this door lies the antechamber. It is the room before the main warehouse. It is much smaller than the lobby, barely half the size. Its walls of brick and its floor of filled concrete already show signs of wear and tear even though it still hasn’t been used yet. It has no ceiling, for here, thoughts never stop raining. File upon file would fall from the sky and flood the floor with litter. Equations, new songs, random trivia, Greenwhich's phone number, my latest dream, you name it, it's all here. This is where my thoughts and memories go before they enter the warehouse. This is the first place that I visit every time I would look for a certain memory or thought. Newer memories can of course be easily found on top of the heap, but old ones are quickly forgotten unless I would bring them into the warehouse. This place is a mess.


(time for sleep... more later)


Sunday, December 11, 2005

The Warehouse in My Mind: Lobby

I must admit that this entire concept was influenced by the movie Dreamcatcher. Although the plot was missing a few key elements (like a good ending), I found the movie to be very interesting so I decided to make my own version of “The Warehouse in My Mind.”

Everyone has more or less his or her own version of this magical warehouse. One only has to exercise his imagination. I am now in the process of designing my own little theoretical chef-d’oeuvre (that means masterpiece) so expect a lot of changes along the way.

Anyways, grab your safety hats, gas masks and goggles for we are about to take a virtual tour inside my unfinished warehouse. Remember, never separate from the tour group and report any injuries to the guide as soon as possible. Thank you and enjoy your stay.

The Lobby

The first floor will have to come with a lobby. A great, big one so that it could house more than half a thousand people. Big, round pillars support the stone ceiling three storeys above. Green and grey marble line the walls, pillars, and floors. A potted plant lies at the base of each one. The space is in fact so wide and foggy that the opposite wall will be hard to see. In the center, lies an empty reception desk, (I was not able to hire anyone yet because as I said before, the building is not yet finished.) In front of the desk lies a comfy black sofa. I usually use this sofa when I thinking of nothing at all, just sitting there blankly staring at the ceiling.

(more stuff later, antay lang… study muna ako)

Saturday, December 10, 2005

A Rainy Afternoon

It is a rainy afternoon in the office, the perfect time to sit down, relax and enjoy life. I know perfectly well that this freedom won't last long. The exams are looming just beyond the weekends. I have only about 14 more hours of free time before it's back to work again. Damn, no rest for the wicked indeed!

As I sit here watching the sun set behind the tall buildings, I see a dreamy cityscape, grey with rain and smog. The sky glows orange with the light from the dying sun and the air is cold and damp. The street lights flare up one after the other. Night is coming fast, conquering the day with a blitz of stars.

Yet, I feel safe here inside the office. Safe, secure and protected. My thoughts drift elsewhere. Where can she be at this very moment? Ano kaya ang ginagawa niya? Naku, miss ko na siya! Argh! Ano ba ang sinabi ko?

The world keeps on rotating yet I feel like im being left behind, released from the shackles of gravity, weightless.

Thanks, life feels so good.

Tuesday, December 06, 2005

What's in a Name?

I guess that by now you must be wondering what the hell fey regatta means. My apologies for I just can’t seem to suppress my urge to use weird and imaginative titles.

No, it is not somebody’s name and it is not a place you might find in a map either. In fact, it is just made up of two words which don’t really have anything to do with each other. Fey means magical or supernatural and a regatta is some kind of boat race. Put them together and you get a phrase that means “magical boat race.”

As you delve deeper into my thoughts, you might discover that it is a vast ocean of swirling, unorganized matter. Treat this blog as your vessel; the boat that will ferry your across my chaotic sea of thought.

The subtitle “A journey across the proverbial waters of my mind…” is just another blunt way of using one of my favorite phrases, “proverbial waters.” No need to further explain, I already said that my mind is a sea of thought, right?

So I leave you to ponder over my first ever entry as I retire to bed without completing a single academic task I set out to do. You are always welcome to come back and read more. Remember, keep your hands and legs inside the vehicle until it comes to a complete stop. Maybe then you can leave your comments after that.