Nagustuhan ko ang writing style ni Sir Feddie kaya magtatagalog na rin ako. Para na rin mapilitan ako na magsulat ng hindi ganun ka lalim. (Ano ba yan, nagkaka problema na ako sa grammar ngayon palang.) Pero sige, ipagpatuloy ko to.
Ayan, Christmas party... yun nalang topic ko. Gaya gaya nalang kay Sir Feds. Wala na ako maisip na iba. Tapos ang ingay sa labas, may party ang PLDT sa kanilang helipad. Helipad na hindi naman ginagamit. Baka nga pang Christmas party lang talaga yun. Sge mag kwekwento na rin ako tungkol sa mga Christmas party ko nung High School. Sana maalala ko pa. Sobrang dami na ng mga iniimbak na bagay bagay sa utak ko, bka nakalimutan ko na ang nakaraan. Hehe.
Ang isa sa mga pinaka-naalala ko na Christmas party ay noong second year pala kami. Nilalagnat ako nun at sinisipon. Ganyan naman talaga ako pag December eh, buti nga wala pa akong sipon ngayon kahit lagi akong puyat at hagardness. (tama ba ang gamit ko ng word?) Anyways, sge sayawan muna sa Auditorium. Siyempre ako ang DJ kasi ako ang may pinaka maraming MP3s noon, kaya ako ang namimili ng songs. At siyempre pinipili ko ang mga favorite ng mga gusto kong isayaw. Haha! D nga pala ako marunong sumayaw, pero ok lang... left step, close, right step close lang naman yan. Kaso kinakabahan lang talaga ako kapag malapit ako sa mga crush ko kaya nagmumuka akong robot at lagi kong naapakan ang paa nila. Haay naku, sge continue. Tapos ano ba naman ang Christmas party kung walang kainan. Hindi ko na maalala kung ano ang food pero alam ko masarap siya. Tapos games games na. Ang pinaka masaya dun ay ang scavenger hunt. Inikot namin ang buong campus na parang mga batang hinahabol ng multo. Hehe. Hindi ko na rin maalala kung sino ang nanalo. Ang alam ko lang ay sobrang pagod na kami pagkatapos nun, pero nag laro pa rin sila ng "sikyu" sa quadrangle. Alam niyo na siguro kung ano yun, basta parang capture the flag siya. Eh yun, habang naglalaro sila nakaupo lang kami sa covered walk. Nag uusap. Ang lamig ng hangin! Walang kahit isang ulap sa langit na punong puno ng mga bituin! Hindi ako maka hinga kasi barado na ang ilong ko. Nanginginig at parang nilalagnat na dahil sa lamig at kaba. Nagtapat ako sa kanya. Umayik lang siya. Tinanong ko bakit. Natakot daw siya. Bakit kaya ganun? Bakit sila natatakot sa akin? Hmmmm. Pero ok lang, nakangiti naman siya pagkatapos. Ang saya ng pasko ko nun. Sobrang tagal bago mag January na naman ulit at may pasukan na naman.
Ngayon second year na naman ulit ako, kaya lang college na. Apat na taon na rin ang lumipas. Kung isipin ko, ang layo na ng pagkakaiba ng ako noon at ako ngayon. Pero parang ganun pa rin ang mga pangyayari. Dahan dahan na ulit ako nagiging involved sa mga pangyayari sa skul. Nararamdaman ko na ng konte ang college life na tinatawag. Nagkakaroon na rin ako ng ibang mga gawain maliban sa magaral, matulog at maglaro ng kompyuter. Oo, nagiging masaya na ulit ang buhay. Exciting na siya. I'm taking risks again. Kaya nga lang, hindi katulad sa kompyuter, ang totoong buhay ay walang reset button. Isang malaking sugal (sugal nga ba ang tagalog ng "risk?") ang ginawa ko. Nagtapat na naman ulit ako. Naiiyak din siya (pero sa palagay ko hindi siya umiyak). Natakot din siya. Kaya lang iba na ang sagot ngayon. Hindi pwede! Ouch ang sakit. Pero sanay na ako sa sakit. Sge, walang problema. Pero ayusin natin to. Kala ko malungkot na malungkot na ang pasko ko ngayon. Pero hindi rin pala. Napaisip ako. Mas masaya nga ang buhay namin nung magkaibigan lang kami. Bakit ba kailangan ko pa ng sobra dun? Eh di yun, ang saya ng araw na to. Masaya nga talaga ang buhay kung magkaibigan lang kami. Friends Forever! Naks kilig! Brrrrr! Haha. Masaya pa rin ang pasko ko! Sobrang tagal na naman siguro bago mag January ulit!
Ay oo nga pala, Christmas party nga pala ang topic ko. Sayang, walang Christmas party ang Mapua eh. Pero bukas meron kami sa Builder. Naku, nakakatakot na Christmas party yun. Tanggalan na kasi ng probationary staff (kami yun). Naku! Pero hindi ko na iniisip yun! Pasok man or hindi, masaya pa rin ang pasko ko! Haha.