Saturday, June 10, 2006

Burnout

Naku, nandito na naman ako ngayon sa COELAB gamit ang kakaiba kong account na nagbibigay sa akin ng kapangyarihan na gumawa ng blog kahit hindi pwede mag internet. Tinatamad na ako gumawa ng Drill kasi may OT naman. Hindi pa naman ako nag OT sa C++ sa buong buhay ko... so ok lang yan na i-try ko yan ngayon. Dahil patapos na naman ulit ang term at medyo ok naman ang mga grades ko, tinatamad na ako mag-aral.
Yun, tumonog na ang 3 o'clock bell. Yes! 1 hour and 30 minutes nalang...
Tagalog nalang blog ko ngayon. Sawa na me sa english na blog. Kasi kung english kailangan correct grammar, at correct diction. Pero kung tagalog kahit hndi na ako mag isip. Ok lang na magkamali... hindi ko naman natural language yan.
Pwede ba mag drama? Parang gusto ko mag drama ngayon... kaya nga nagbloblog ako. Kaya lang... hmmm... wala... hindi pala ako pwede mag drama. Kailangan happy lagi.
Kahapon nainis talaga ako sa computer ng builder! Eh ano ba naman kung ako gumagamit laging may ibang gustong gumamit. At kung nagpapahinga na ako at wala ng gagawin, wala na rin tao sa PC. Nag absent nga ako ako para matapos ko kaagad ang lay-out, hindi ko pa rin siya matapos tapos. Diba schedule ng lay-outing sa tuesday to friday? Bakit ba marami pa silang ginagawa sa PC? Ang iba hindi pa builder work. Haay naku.
7 ng gabi, naka gamit na rin ako at last. Naka lay-out ng ibang articles. Pero bigla nalang nag hang ang ****** na pc!!! AT ayaw na mag boot ulit! Waaa.
Tapos kanina, mag pripirnt sana ako ng report ko sa lab kasi wala akong ink sa bahay, dito lang talaga sa school ako nag pripirnt. Naku, lahat na error sinasabi na ng printer!!! No cartridge! No yellow, No cyan! No black! Paper Jam. Maintenance error! Amf! May ink pa naman ah, wala namang papel sa loader ah! Argh!
Haay, pero hayan mo nyo na yun. At least wala akong gagawin ngayon. Yun! wala akong gagawn ngayon. Naka schedule na sana pero wala palang gagawin. Haay sad... sayang na naman oras. Pero seguro gagawa nalang ako ng prototype namin. Na excite ako kanina, gumagana na siya and at last na intindihan na rin namin paano ibahin ang output. Madali lang pala. Voltage divider lang sa output! Yeeeey!!!!!! =) Kulang nalang ang mga arte namin na Fan, LED, at iba pa...
Sige e post ko na to at baka makita a ako ni sir Fabian, sayang naman ang ginawa ko... hehe.
Ingat lagi... palangga ko kamo gihapon tanan!

No comments: