Friday, June 16, 2006

Alipin

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

[chorus]
Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik

Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso’t pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

[repeat chorus]

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta’t sa akin wag kang mawawala

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin


Ayan! na download ko na rin! Hindi ko na kailangan hintayin pa ang bukas. Naks. Nakakainis naman to! Ngayon paulit ulit na rin siya na naka play sa winamp ko! Haay....... .... .... .... .... .... ... ... ... Hindi ako maka tulog! Wala kasi ang MP3 ko! Gusto ko sana siya i-transfer at i-play ng paulit-ulit habang ako'y natutulog. Paano yan? Inaantok na talaga ako kaya lang ayokong umalis dito sa harap ng PC. Hoy may clase ka pa bukas. Matulog ka na Ean!

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik

Tamad ako matulog! Marami pang pwedeng gawin. Bakit ba kailangan natin matulog? Sayang ang oras. Pero masarap din matulog. Lalo na kung masaya ang aking mga panaginip....

Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip

Sige na nga... matutulog na talaga ako. Last na to...

Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako’y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin

Antok!!!! 12:40 na sabi ng blue na clock sa harap ng monitor ko. Bakit ba kailangan pa na may clock dyan, eh may clock naman ang windows. Kasi gusto ko! At saka mas madali siya basahin.

Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa

Bakit nag post pa ako ng isang line? Diba sabi ko matutulog na ako? Sge... matutulog na ako! Swear!

Madalas man na parang aso’t pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

... ... ... ... ... ... -_-

*kakainis! Gusto ko sana i-edit ang entry na to at lagyan ng sound! kaya lang nabura pa ang first part! waah! nakalimutan ko na kung ano ang nakalagay dun! :<

No comments: