Uy! Sino marunong mag kabit ng neck tie!? Hanep! Naka formal din pala kami! Required kasi eh. Sge CR muna ako! Siyet! Mali ang pagkakabit ng neck tie!?!? Teka lang, hanap muna ako ng marunong. Ayan si Maki! Uy maki! Pa kabit naman ng neck tie! Hala nahirapan din siya. Masyadong malaki ang knot. Paano to? Kaya lang nakakahiya naman ipaulit. Sge baba nalang muna ako, baka ma late pa ako. Sayang naman ang prototype.
Ayan si Cha! Tama ba name? Hehe, basta si Cha yun sabi ni Gail, naging clasmate ko din yun mga ilang beses. Pero stranger pa rin siya. Hala nakakahiya, siya nagkakabit ng tie ko. Hehe. Wala lang. Hehe. Hehe. Hehe. @,@
Si sir mga tol, Nandyan na! Naka brown din! Pareho color ng polo namin. Yes! Baka may plus points ako. Hehe. Pero bad news pala yan! Magdedefense na kami! Prepared ba kami? Ano kaya ang mga itatanong nya? Hindi kaya sasabog ang prototype namin hapang nag dedefense? May intro pa ba ako na kailangan sabihin!? Uy mga groupmates, English tayo ha. Pero pag tagalog ang tanong kailangan tagalog din ang sagot! Remember that! Presence of mind! Hehe.
Naku, parang nahihirapan ata si sir leonard sa pag sagot ng tanong ni sir. Pina-explain kasi sa kanya ang buong circuit.Gusto kong tulungan! Kaya lang hindi pwede. Individual kasi! Waaa. Ayan si Kristine na! Ay andali ng tanong, waveform lang ng capacitor. Haha! Ayus! Anak ng... ako na!!!! Waaa hala paano to? Baka mahirap din tanong ni sir!? Basta magaling kasi pinapahirapan ni sir. Hehe. "Explain why that is the waveform in the filter." Sabay turo sa drawing ni Kristine na pa wave wave. Waa... andali! Haha! Nice wan ser! Friends talaga kami ni sir. Hehe. Because of the rapid recharge and the slow discharge rates of the capacitor, a waveform like that
Uwian na! kami kasi ang first group at pwede nang lumabas kung tapos na. So balik na naman ako sa home base, ang builder office. Gawa na naman ng report sa C++ 2 lab dahil hindi ko siya natapos kagabi dahil wala akong ginawa kundi mag blog lang at mag computer. Tamad! pero ok lang, natapos ko din siya. Search nalang sa Internet. Hingi ng OT kay Greg. salamat Greg! Search Ulit sa internet, copy paste, copy paste! Wooosh! Tada! Tapos na! Hehe.
Uy ano pala to ang nakasulat sa board ng builder? "So con is the yelo of mais." Haha! Ang galing! Natuwa ako dun ah! Parang poetic na mais con yelo! Naku gutom na ako. Buti binigyan ak ni melissa ng banana bread! Ang sarap! Hmmmmmmm! *_*
Na play ko na pala ang CD ni Reign. At last. Ngayon paulit ulit na naman siya na naka loop dito sa office. Buti wala naman nagrereclamo. Gusto naman nila ang mga songs eh. Tanong pa nga ng tanong si Kuya Ray. Anong song yan? Ah... sandali lang kuya, tingnan ko muna ang casing. Aha, yun! Pwede ba by Soapdish pala. Bagong kanta yan ng parokya? Ang alin po? Ang guitara? Ah hindi ko po alam, hiniram ko lang kasi 'tong CD. Wow kuya ray ang galing naman ng prototype mo! Ano yan? Hindi, magaling lang ang gumawa.Brail printer to. Saan ba kinakabit yan? Sa PC? Wow! Wow! Ang galing! Tingnan mo ang power supply oh, ang liit lang, ang ganda pa ng PCB. May heat sink pa! Ang galing talaga!
Napahaba na pala itong entry ko ah. Wala kasi akong magawa. Mamayang twelve pa kasi ang c2 namin. Practical! Syet hindi pa ako nag aral! Kaya lang ano pa ba ang pag-aaralan ko? Waaaa. Sana turuan ako mamaya ni Cepres. Magaling talaga si Cepres. Nagawa niya na ang friendster namin. Mamaya nga pala mag oovernight sila sa bahay. Paano yan? Dapat may dala sila na sariling mga towel at blanket (hindi gaya ko na nanghihiram pa). Order nalang kami mamaya sa labas. Gutom na talaga ako.
Sige bye bye, bili muna ako ng pagkain. ^_^