It just keeps on getting better...
Haay, siguro naman ay pansin ng karamihan sa inyo na hindi normal ang pagka-hyper ko noong nakaraan na mga araw? Kasi.. kasi.. eh... hindi ko kinaya ang mga nangyayari... hehe...
Trackback nalang tayo ng ilang araw... Pag labas ko kasi ng builder... wala lang, ugali ko lang talaga na lumabas at pumasok sa office ng wala lang... ayun... going back... pag labas ko sa builder... nakita ako ng mga dati kong barkada... siyempre sama sama silang lahat, halos kalahati ng top 20 ng batch namin... birds of the same feather blah blah blah kasi... gets?
Ayan, nung nakita nila ako xempre miss na daw nila ako etc etc... asaran at konteng holding hands pa... hmmm... pero ok lang un... tropa naman un eh. Sabi nila clasmate na daw kami next term. Sabi ko naman, sge try ko... kahit isang subject muna. Pero may isa pa rin sa kanila na hindi pumapansin sakin... pero hayaan mo na muna xa...
Nag isip isip ako...
Ilang araw ang nakaraan, nagkaroon ng track orientation... required kami na puntahan yun so pumunta ako. Nasa harap ako nakaupo para kunyari kinikunan ko ng pics ang speakers. Pa epal lang. Medyo boring kaya hindi lagi naka focus ang attention ko sa mga nagsasalita sa harap. Sigurado naman kasi ako na Automation ang kukunin ko kaya hindi na ako nakikinig. Palingon-lingon sa kaliwa at sa kanan dahil hindi mapakali at gusto ko nang umalis. Nakita ko siya. Muntik ko nang nakalimutan paano huminga.... haay.
Pagkatapos nun, eh di tapos na ang seminar, akyat na ulit ako sa office. Pagdating ko dun nagpapasama si melissa. Required din sila at wala daw siyang kasama. Eh ayoko na nga! Boring yun eh! Waaa... pero sige na nga... baka makita ko pa siya ulit. Pagdating ko dun eh di yun, bored to death naman ulit. Buti nalang nandyan na si melissa at may kausap ako kahit papano. Damating yung dalawa kong katropa, pero wala siya. Haay. May clase pala sila at hindi lang pumasok ang dalawa. Siya naman dahil model student pumasok pa rin. Wala lang, pinag-usapan nalang namin ulit kung ano na ang mga pangyayari sa buhay namin, sa buhay niya... etc etc...
Nung hapon na yun, sabi ko sge... kahit mga dalawang subject na tayo kaclase...
Gabi na, hindi pa rin ako maka tulog... hindi ko alam bakit ko ginawa yun... pero nag text ako sa kanya... tinanong ko kung pwede akong sumama sa kanila next term. Sabi niya "bakit hindi..." Natulog ako ng nakangiti... kahit yun lang ang natanggap ko na msg sa kanya... mahimbing na ang tulog ko at naganda ang gising sa sunod na araw.
Simula nun hindi ko na iniiwasan ang mga lugar kung saan sa tingin ko na mkikita ko siya. Sa maikling salita hinahanap-hanap ko na siya. Gusto ko na siya makita ulit... Lagi na akong dumadaan sa ORG. Tinitingan ko na ang mga larawan niya sa friendster. Sa hallway sa second floor north building.... (dun kasi ang bulletin board ng IECEP at officer na siya dun.) Gusto ko siya makita... pero natatakot pa rin ako na makita siya. Minsan nagagalit. Minsan nalulungkot... pero gusto ko pa rin siya makita.
February 22... yung mahaba kong post... tinext ko siya... feel ko kasi mag drama sa blog... wala lang... feel ko lang kasi pinag-usapan siya namin ni kuya Ace. Sabi niya nag-usap daw sila. Ang sabi daw sa kanya na miss na "niya" ako... hmmm... hindi ko lang alam. Pero napaisip ako nung gabi, kaya gumawa na naman ako ng isang madramang entry. Tapos kala ko birthday na niya... or na malapit na ang birthday niya. Wala ako paki, tinext ko siya... hindi nag reply.
Yun pala ay tulog na... nag reply din siya ng umaga at sabi niya hindi pa niya birthday ang araw na yun. Pero ok lang daw, salamat. Haay. Eh d ang saya na naman ng araw ko nun... nagrereply din pala siya. Kahit medyo napahiya ako... ok lang... may practical kami sa com... gusto ko magpaturo sa mga kasama niya... pero sa totoo ay gusto ko lang talaga siya makita. Nagkita din kami pero hindi pa kami nagpansinan. Ok lang... pwede na yun.
Ang sabi ko sa post na yun, tandaan: "If history should repeat itself... I hope it does it sooner."
Pagkalipas ng dalawang araw! Gumagawa ako ng prototype sa office... biglang may kumatok... sila na naman... mga x-tropa. Nagpapatulong sa pag etch ng PCB! Nagulat ako at kasama siya. Hindi kasi lumalapit sa office yun eh... pero ngayon kasama na siya... Hindi pa rin kami nagpansinan at ang kausap ko lang ay ang mga kasama niya. Pero ok na yun.
Dun sila gumawa ng prototype sa may fireexit dahil may ginagawa pa ako at hindi ko pa sila matulungan. Alam ko na nandun sila kaya nagpatulong din ako. Kunyari lang. Hehe. Nagtanong ako paano magkabit ng antenna. Pagdating ko sa fire exit, yun pala ay naguusap na sila na papasok sila sa office para dun na gumawa kasi kumpleto ang mga materials dun. Waw! Nanghihina ako... hehe... hindi ko na mahawakan ng maayos ang soldering iron. Miss na rin daw nila ang office... hindi pa rin kami nagpapansinan pero nakikita ko siya... ok na yun.
Dumating ang oras na kailangan ko humiram ng resistor dahil may kulang ako. Sabi ng isa niyang kasama ay dun daw ako humiram sa kanya kasi siya ang may hawak ng parts. Wala ako choice. Ang first sentence na sinabi ko sa harap niya ay: "Meron ba kayong 4.7 Kilo Ohms?" Hehe... unuulit ulit ko pa nga kasi parang nasira ang audio player sa utak ko. Nagkaroon ng short. Ang sagot niya: "Ano yun dear?"
Hindi malaking bagay yun dahil lagi niyang tinatawag na "dear" ang mga katropa niya at minsan instinct na niya talaga na tawagin na "dear" ang kahit sino. Pero kahit na, ahahahaa!!! Naguusap na kami!
Hindi natapos dun ang araw. Nung gabi na, mga 920 na yun. Hindi pa ako naka uwi dahil tinatapos ko pa talaga ang prototype. Nag quit na ako kaya inayos ko na at tinambak ang mga gamit ko sa locker ko. Biglang may nag text... "Ean, may variable capacitor ka pa diyan? Pahiram naman." Wala akong load!!! Emergency!!! Pa load kahit kanino!!! Tumawag ako kay melissa! Melissa! pa load emergency! Yun, may 50 load agad. Tinxt ko xa. Oo meron ako, san ba kayo? Tapos sabi niya, ah wag nalang pala. Bukas nalang. Haay sayang, nagpaalam nalang ako.
Dinala ko pa rin ang mga bagay na gusto niyang hiramin para madali nang ibigay bukas. Hindi pa ako nakalabas sa school at tumawag siya.
"Oh ano yun? Saan ka? Kailangan mo? Huh? Saan ka?"
"Ean, kita tayo. Nandito ako sa dorm, basta sa likod ng Mapua... deretcho ka lang."
"Sge nandyan na ako..."
Ganun lang kabilis ang pangyayari... hehe... nung dumating ako nagaantay na siya sa baba. Binigay ko ang mga kailangan niya at nag-usap usap ulit kami tungkol sa dorm niya. First time na nagtitinginan kami sa mata habang nag-uusap.
"Nandiyan sila sa taas, gumagawa pa rin kami ng prototype, hindi pa gumagana... gusto mong umakyat?"
"Eh girls dorm yan eh! Pwede ba ako diyan?"
"Ok lang yun, kuya guard... clasmate ko po... gagawa lang kami ng project."
Yun... Nagtagal ako hanggan 1030... hehe...
Malayo ang nilakad ko papunta lawton... walang FX o Bus. Puno lahat kaya nilakad ko ulit papunta city hall. Nakasakay din ako sa huli... trapik! Friday kasi. Pagod na ako. Pero ok lang... ok lang ok lang! Masaya ako!
Quote ko ulit sarili ko... (see post noong feb 22, scroll down lang)
"Kahit sa kahoy na sofa mo nalang ULIT ako matutulog... kahit gagawin ko ULIT lahat na project mo... kahit na lalakarin ko ULIT galing sa office papunta LRT and back... kahit na utus-utusan mo ULIT ako na bumili ng almusal natn... kahit na... kahit na... haays"
Double Quote:
"If history should repeat itself... I hope it does it sooner."
Grabe naman! Ano ang ginawa ko? Ang bilis naman... nakinig si history.... ah hindi... nakinig si God. For the first time kasi sa buong taon nagsimba ako noong sunday ng week na yun. Haay. Thank you Lord! Sobra sobra naman ang rewards mo sakin dahil lang dun. Salamat Lord.
Haay... tapos sa sunod na araw, hindi na siya nahiya na hanapin ako. Na magpatulong. Na yayain ako na pumunta sa Mcdo. Na kausapin ng mga wala lang na bagay. Haays...
Tapos kanina lang, gumawa na kami ng sched para next term... ka block kami. Sa lahat na subject.
Tapos ngayon ang totoo niyang birthday... binati ko siya 12:01... sabi ko pa, dahil birthday ni Reign, kailangan may rain... hehe... Corny daw, tapos nagtawanan lang kami. =)
It just keeps on getting better... =)
Tumutugtug pa rin ang Only reminds me of you na background ng blog ko. Haays, cant forget that song.
Salamat po Hanna... Salamat. Happy Birthday ulit.... salamat po... salamat....

2 comments:
wow... umulan nga ah... lakas nga e... hehe... naks... naks... naks... nice sir ean... idamay mo na ako sa wishlist mo... hehe...
weee... sge sir... ano gusto mo i wish ko para sayo kung feeling lucky ulit ako? hehehehehehehe...
Post a Comment