We all want to be well rounded human beings. But too much rounding and you lose your edge.
Sorry nalang sa mga fans ko at hindi ako naka post ng bagong entries these past few days. Hell week kasi namin dito sa Mapua. Usually ang hell week ay ang week bago ang final exams. Ito ang week kung saan pasahan na ng lahat na projects, portfolios, prototypes, machine problems, plates at kung ano pa na kailangan ipasa. Ito rin ang week kung saan sabay sabay binibigay ang mga last na long tests, pre-final exams, take home exams, oral profficiency exams, removal exams, special exams at lahat nalang na exam maliban sa physical exam. (Sa buong life ko hindi ko pa yata naranasan yun.) Hehe.
Sa wakas! Tapos na rin ang hell week. Hehe. So pwede na ako mag blog ulit kasi wala naman ako magawa. Dapat nag-aaral ako ngayon pero dahil may quote: "reviewer" na kami para sa exam bukas, no need to study na. Hehe. Asa!
Dalawa lang naman ngayon ang mga major stuff na kailangan ipasa. Prototype sa electronics at prototype sa logic circuits. Napasa na namin ang sa tronix. 98 ang grade namin kaya lang may minus 3 kasi hindi namin na include ang recibo sa documentation. Pero ok lang, hindi ako nagrerecalamo kasi kung nagkataon na alam namin na kailangan pala ang recibo sa documentation, eh di nalaman sana ni maam na nag kit lang kami. Baka mas mababa sa 95 ang makukuha namin. Pero hindi rin, maganda talaga project namin. One hundred watt audio amplifier pala siya. May 6 1/2 inch na speaker. Laki! Waw! Hehe... mga 3500 ang total na gastos namin. Pero sa tingin ko worth naman yun. Maganda pa ang packaging, natuwa nga si maam. Parang pang I-Mac kasi gumamit kami ng styrofoam na ball na hinati sa gitna para sa speaker, at styrofoam at glass para sa amplifier. Gamit ko nga ngayon ang speaker sa PC ko eh... extra subwoofer. Ayus ang tunog. Nararamdaman mo talaga ang bass! Hehe...
Ang prototype naman anmin sa logic ay calculator. Ang hirap gawin. Pero kinaya ng genius na kagrupo ko. Grabe ang hirap ng part ko... taga bili ng wires. Hehe. Defense namin next week, so gagawa pa kami ng documentation. Kami na daw bahala. Yeah! gudluck samin.
Andami ko rin ginawa maliban sa mga sariling project ko:
Lahat na drills ni kuya Ace sa C++2
Lahat na practical exam ni kuya Ace sa C++2
Prang nag take 2 lang ako sa C++. kaya lang this time may bayad na 100 per program = Nyahaha! >.<
Ginawa ko rin ang Flash para sa dalawang report ni Ian sa Mechanical Systems. Pang Civil Engineering na subject yun ha. Hehe... at pinag-aaralan nila ang mga escalators, elevators, ventalation systems, sprinkler systems etc. Interesting topics for a tech geek like me. Hehe. Masaya nga maging CE. Every sunday pumupunta sila sa mga major malls like glorietta at pinag-aaralan ang mga elevators at escalators nila. Nagpapadala talaga sila ng letter sa management para may tour guide. Wala lang, ginawa ko lang simulations ng mga things mentioned above.
Tinulungan ko rin si Ryan sa algebra project niya. Ang problema ko lang dun is alam ko na agad ang sagot sa mga problems na binigay pero hindi ko alam ano ang process. Thanks to my super smart calculator, hindi na ako marunong mag algebra. Pero alam ko kaagad ang sagot. After a few trails and errors, ma figure out ko rin ang process. Hehe.
Tinulungan ko rin pala sina Reign sa prototype nila sa logic. Super Saya! Kahit taga balat lang ako ng wires. At least na experience ko rin paano gumawa ng logic prototype. Sa prototype kasi namin wla akong ginawa eh. Mas naka exert pa ako ng effort dito. Kahit andaming problema we never gave up. And tinanggap na ng teacher nila so medyo sure na na pasado sila. Yey! :D
Ahahahahaha... ang saya ko ngayon. Fulfilling na marami akong natulungan na tao this term. Maybe I'll get my just rewards someday. Pero ok na rin kahit wala. Ang saya saya ko naman ngayon. :D Yey! Yey! Yey!
Malayo na naman sa topic ang title ko no? Hehe... as usual.
Wala lang, kasi kanina after going to church... kumain kami ng foster family ko sa isang mamahaling korean restaurant. Feeling kim sam sun (I dunno the spelling... walang reclamo,ok?) hehe. Puro Kim beit. Kung wiet, Hai, kung hei fat choi! Ni hao nga! ASNdhAKLsddAskldnajksdhk.... naiinis ako kasi hindi ko ma pronouce ang mga food. Basta masarap! Hahahahahaha! Puro maanghang. Tpos chopsticks lang ang binigay ng waiter. So medyo challenge sa akin. Pero marunong din ako. Kahit peanuts kaya ko nang i-chopsticks. Yeah! Ang Itadakimasu pala ay isang japanese term na sinasabi nila bago kumain. Parang, kain tayo or bon appetite... wala lang. Argh! gutom na naman ako!!!!!!!!! Bakit Japanese, eh sa Korean resto naman kami kumain? Well, wala lang. Kasi all non-filipino asians all look alike. Diba? Tayo lang naman ang mukhang tisoyon, arabo, bombay, amerikano, kastila, negro, mongoloid, koreano, at hapon. Parang lahat na lahi sa buong mundo meron dito sa Pilipinas. Hehe.
Isang joke pala na nabasa ko sa cell ni Reign kasi sira ang cellphone ko at pinahiram niya ako ng phone niya.
Ano ang sinasabi ng mga intsik kung gusto nila makita ang mga nanay nila?
...
...
...
...
sirit?
...
...
haha... SHOMAI MAMI !!!
Hahaha... conrnicks!!! Pero nakakatawa.
Uy reign salamat pala sa cell... dont worry, hindi ko na rin mababasa ang ibang messages kasi hindi ko na talaga mabuksan ang isang cell ko. Haay, sayang! Hehe...
Sige... wala lang... another happy blog! Sorry, wala muna drama ngayon! Hehe... at least I still get at least 5 views a day kahit na wala akong bagong entry. Sana nag enjoy kayo sa Pacman... hehehehehehe... mga pakulo talaga ni Ean para lang tumaas ang view count. Hehe.
Gudluck and Godbless sa finals! Thanks for a fun hellweek!
No comments:
Post a Comment