Monday, February 26, 2007

Another Rainy Day

It just keeps on getting better...

Haay, siguro naman ay pansin ng karamihan sa inyo na hindi normal ang pagka-hyper ko noong nakaraan na mga araw? Kasi.. kasi.. eh... hindi ko kinaya ang mga nangyayari... hehe...

Trackback nalang tayo ng ilang araw... Pag labas ko kasi ng builder... wala lang, ugali ko lang talaga na lumabas at pumasok sa office ng wala lang... ayun... going back... pag labas ko sa builder... nakita ako ng mga dati kong barkada... siyempre sama sama silang lahat, halos kalahati ng top 20 ng batch namin... birds of the same feather blah blah blah kasi... gets?

Ayan, nung nakita nila ako xempre miss na daw nila ako etc etc... asaran at konteng holding hands pa... hmmm... pero ok lang un... tropa naman un eh. Sabi nila clasmate na daw kami next term. Sabi ko naman, sge try ko... kahit isang subject muna. Pero may isa pa rin sa kanila na hindi pumapansin sakin... pero hayaan mo na muna xa...

Nag isip isip ako...

Ilang araw ang nakaraan, nagkaroon ng track orientation... required kami na puntahan yun so pumunta ako. Nasa harap ako nakaupo para kunyari kinikunan ko ng pics ang speakers. Pa epal lang. Medyo boring kaya hindi lagi naka focus ang attention ko sa mga nagsasalita sa harap. Sigurado naman kasi ako na Automation ang kukunin ko kaya hindi na ako nakikinig. Palingon-lingon sa kaliwa at sa kanan dahil hindi mapakali at gusto ko nang umalis. Nakita ko siya. Muntik ko nang nakalimutan paano huminga.... haay.

Pagkatapos nun, eh di tapos na ang seminar, akyat na ulit ako sa office. Pagdating ko dun nagpapasama si melissa. Required din sila at wala daw siyang kasama. Eh ayoko na nga! Boring yun eh! Waaa... pero sige na nga... baka makita ko pa siya ulit. Pagdating ko dun eh di yun, bored to death naman ulit. Buti nalang nandyan na si melissa at may kausap ako kahit papano. Damating yung dalawa kong katropa, pero wala siya. Haay. May clase pala sila at hindi lang pumasok ang dalawa. Siya naman dahil model student pumasok pa rin. Wala lang, pinag-usapan nalang namin ulit kung ano na ang mga pangyayari sa buhay namin, sa buhay niya... etc etc...

Nung hapon na yun, sabi ko sge... kahit mga dalawang subject na tayo kaclase...

Gabi na, hindi pa rin ako maka tulog... hindi ko alam bakit ko ginawa yun... pero nag text ako sa kanya... tinanong ko kung pwede akong sumama sa kanila next term. Sabi niya "bakit hindi..." Natulog ako ng nakangiti... kahit yun lang ang natanggap ko na msg sa kanya... mahimbing na ang tulog ko at naganda ang gising sa sunod na araw.

Simula nun hindi ko na iniiwasan ang mga lugar kung saan sa tingin ko na mkikita ko siya. Sa maikling salita hinahanap-hanap ko na siya. Gusto ko na siya makita ulit... Lagi na akong dumadaan sa ORG. Tinitingan ko na ang mga larawan niya sa friendster. Sa hallway sa second floor north building.... (dun kasi ang bulletin board ng IECEP at officer na siya dun.) Gusto ko siya makita... pero natatakot pa rin ako na makita siya. Minsan nagagalit. Minsan nalulungkot... pero gusto ko pa rin siya makita.

February 22... yung mahaba kong post... tinext ko siya... feel ko kasi mag drama sa blog... wala lang... feel ko lang kasi pinag-usapan siya namin ni kuya Ace. Sabi niya nag-usap daw sila. Ang sabi daw sa kanya na miss na "niya" ako... hmmm... hindi ko lang alam. Pero napaisip ako nung gabi, kaya gumawa na naman ako ng isang madramang entry. Tapos kala ko birthday na niya... or na malapit na ang birthday niya. Wala ako paki, tinext ko siya... hindi nag reply.

Yun pala ay tulog na... nag reply din siya ng umaga at sabi niya hindi pa niya birthday ang araw na yun. Pero ok lang daw, salamat. Haay. Eh d ang saya na naman ng araw ko nun... nagrereply din pala siya. Kahit medyo napahiya ako... ok lang... may practical kami sa com... gusto ko magpaturo sa mga kasama niya... pero sa totoo ay gusto ko lang talaga siya makita. Nagkita din kami pero hindi pa kami nagpansinan. Ok lang... pwede na yun.

Ang sabi ko sa post na yun, tandaan: "
If history should repeat itself... I hope it does it sooner."

Pagkalipas ng dalawang araw! Gumagawa ako ng prototype sa office... biglang may kumatok... sila na naman... mga x-tropa. Nagpapatulong sa pag etch ng PCB! Nagulat ako at kasama siya. Hindi kasi lumalapit sa office yun eh... pero ngayon kasama na siya... Hindi pa rin kami nagpansinan at ang kausap ko lang ay ang mga kasama niya. Pero ok na yun.

Dun sila gumawa ng prototype sa may fireexit dahil may ginagawa pa ako at hindi ko pa sila matulungan. Alam ko na nandun sila kaya nagpatulong din ako. Kunyari lang. Hehe. Nagtanong ako paano magkabit ng antenna. Pagdating ko sa fire exit, yun pala ay naguusap na sila na papasok sila sa office para dun na gumawa kasi kumpleto ang mga materials dun. Waw! Nanghihina ako... hehe... hindi ko na mahawakan ng maayos ang soldering iron. Miss na rin daw nila ang office... hindi pa rin kami nagpapansinan pero nakikita ko siya... ok na yun.

Dumating ang oras na kailangan ko humiram ng resistor dahil may kulang ako. Sabi ng isa niyang kasama ay dun daw ako humiram sa kanya kasi siya ang may hawak ng parts. Wala ako choice. Ang first sentence na sinabi ko sa harap niya ay: "Meron ba kayong 4.7 Kilo Ohms?" Hehe... unuulit ulit ko pa nga kasi parang nasira ang audio player sa utak ko. Nagkaroon ng short. Ang sagot niya: "Ano yun dear?"

Hindi malaking bagay yun dahil lagi niyang tinatawag na "dear" ang mga katropa niya at minsan instinct na niya talaga na tawagin na "dear" ang kahit sino. Pero kahit na, ahahahaa!!! Naguusap na kami!

Hindi natapos dun ang araw. Nung gabi na, mga 920 na yun. Hindi pa ako naka uwi dahil tinatapos ko pa talaga ang prototype. Nag quit na ako kaya inayos ko na at tinambak ang mga gamit ko sa locker ko. Biglang may nag text... "Ean, may variable capacitor ka pa diyan? Pahiram naman." Wala akong load!!! Emergency!!! Pa load kahit kanino!!! Tumawag ako kay melissa! Melissa! pa load emergency! Yun, may 50 load agad. Tinxt ko xa. Oo meron ako, san ba kayo? Tapos sabi niya, ah wag nalang pala. Bukas nalang. Haay sayang, nagpaalam nalang ako.

Dinala ko pa rin ang mga bagay na gusto niyang hiramin para madali nang ibigay bukas. Hindi pa ako nakalabas sa school at tumawag siya.

"Oh ano yun? Saan ka? Kailangan mo? Huh? Saan ka?"


"Ean, kita tayo. Nandito ako sa dorm, basta sa likod ng Mapua... deretcho ka lang."


"Sge nandyan na ako..."


Ganun lang kabilis ang pangyayari... hehe... nung dumating ako nagaantay na siya sa baba. Binigay ko ang mga kailangan niya at nag-usap usap ulit kami tungkol sa dorm niya. First time na nagtitinginan kami sa mata habang nag-uusap.


"Nandiyan sila sa taas, gumagawa pa rin kami ng prototype, hindi pa gumagana... gusto mong umakyat?"


"Eh girls dorm yan eh! Pwede ba ako diyan?"


"Ok lang yun, kuya guard... clasmate ko po... gagawa lang kami ng project."


Yun... Nagtagal ako hanggan 1030... hehe...


Malayo ang nilakad ko papunta lawton... walang FX o Bus. Puno lahat kaya nilakad ko ulit papunta city hall. Nakasakay din ako sa huli... trapik! Friday kasi. Pagod na ako. Pero ok lang... ok lang ok lang! Masaya ako!


Quote ko ulit sarili ko... (see post noong feb 22, scroll down lang)

"Kahit sa kahoy na sofa mo nalang ULIT ako matutulog... kahit gagawin ko ULIT lahat na project mo... kahit na lalakarin ko ULIT galing sa office papunta LRT and back... kahit na utus-utusan mo ULIT ako na bumili ng almusal natn... kahit na... kahit na... haays"

Double Quote:

"If history should repeat itself... I hope it does it sooner."

Grabe naman! Ano ang ginawa ko? Ang bilis naman... nakinig si history.... ah hindi... nakinig si God. For the first time kasi sa buong taon nagsimba ako noong sunday ng week na yun. Haay. Thank you Lord! Sobra sobra naman ang rewards mo sakin dahil lang dun. Salamat Lord.

Haay... tapos sa sunod na araw, hindi na siya nahiya na hanapin ako. Na magpatulong. Na yayain ako na pumunta sa Mcdo. Na kausapin ng mga wala lang na bagay. Haays...

Tapos kanina lang, gumawa na kami ng sched para next term... ka block kami. Sa lahat na subject.

Tapos ngayon ang totoo niyang birthday... binati ko siya 12:01... sabi ko pa, dahil birthday ni Reign, kailangan may rain... hehe... Corny daw, tapos nagtawanan lang kami. =)

It just keeps on getting better... =)

Tumutugtug pa rin ang Only reminds me of you na background ng blog ko. Haays, cant forget that song.

Salamat po Hanna... Salamat. Happy Birthday ulit.... salamat po... salamat....

It just keeps on getting better... =)

Friday, February 23, 2007

Nice to know

Weee... after 3 years... ilonggo pala yan so you wont understand... hehe!

Thursday, February 22, 2007

Memory Refreshed

Only Reminds Me Of You
by: MYMP

I see you, beside me
It’s only a dream [minsan meron pa rin talaga]
A vision of what used to be [what used to be... haay]
The laughter, the sorrow [daming sorrow tol, pero dami rin pala laughter when you think about it... haay]
Pictures in time
Fading to memory [hindi ko na maalala ang blogsite mo, middle initial mo, phone number mo, kung paano ka mag smile, minsan magalit, and a lot of other stuff. Pero who can forget that face? Haay, Remember ko pa rin lahat na memories attached sa lahat na shirt na suot mo. Remember ko pa rin ang tunog ng boses mo. Ang smell ng hair mo kung umaga. Haays. Pero I know your landline pa rin... hehe... 642XXXX... I wont mention it...baka tawagan ka ng ibang boys]

How could I ever let you go ["Ean matalino ka, gamitin mo naman sana" -quote mo to]
Is it too late to let you know [I guess Kuya Ace and Kuya Nico and Nine, and Tonix, and Chen, and everyone else were right... I shouldnt have done what I did. Is it too late na talaga? I never had a chance in the first place. Pero still, kahit na friends lang tayo. We had something going on. Pero I was never satisfied. haays]

Chorus:
I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you [Its weird, kasi whenever I don't expect to see you, I do... and sometimes... gusto pa rin kita makita... pero you never show up.]
When i turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you [ To name a few more things: TNB office, North 4th floor, West Building, Blogger, Bahay mo, Bahay ni Cam, Condo ko, Logic, Automation, Filipino, Math, and movie na Shutter, Swimming Pool, Badminton, Volleyball, Prototype, Birthday, February, IECEP, IEEE, Fire Exit, MRT... bakit ganun? Parang Virus! Na infect lahat na memory ko... and I thought nakalimutan na kita... amf! Si kuya ace kanina kasi! Nang asar pa... napaisip ako tuloy!]


I needed my freedom [Bwiset na freedom na yan! Kahit sa kahoy na sofa mo nalang ULIT ako matutulog... kahit gagawin ko ULIT lahat na project mo... kahit na lalakarin ko ULIT galing sa office papunta LRT and back... kahit na utus-utusan mo ULIT ako na bumili ng almusal natn... kahit na... kahit na... haays]
That’s what I thought
But I was a fool to believe [Bobo ko!]
My heart breaks while you cried [Umiyak ka ba? Na miss mo ba talaga ako? Nag react ka rin ba kahit konte?]
Rivers of tears
But I was too blind to see

Everything we’ve been through before
Now it means so much more, yeah [You won't realize how important something is until you lose it.]

[repeat Chorus]

Only you

Please come back to me
I’m down on my knees
Oh can’t you see [Asaness, pero libre umasa...]

How could I ever let you go
Is it too late to let you know
[How could I ever let you go]
[How could I ever let you go]
[How could I ever let you go]
[How could I ever let you go]
[How could I ever let you go]
[How could I ever let you go]

[repeat Chorus]




____________________________________________


Wala lang... konteng ka dramahan na naman... matagal-tagal na rin ako hindi nagdrama... kasi eh... kausap ko kanina si tonix, chen, at cam, pati nga si david... about next term and all... then naalala lang kita... then gusto ko palitan ang bg music sa friendster... then first time ko napakinggan ang song na to... then nagkataon na may lyrics... then binasa ko... swak!!! yun.... gets niyo na ano nangyari... haay... haven't "talked" to you since two terms ago na... thats almost six months... Good news is that I really could go on without you guys. No problem. Kaya. Carry, (qoute mo na naman). Pero try ko lang ulit na kasama ko kayo. I hope this works out.

Good News naman, positive na ang slope ng view counts ko! Kahit password protected na blog ko... haha! look!

OMG! ShiT! Look at the date! Ngayon ko lang na realize!!! Birthday mo pala ngayon!!!! Waaaa!!!! Im not sure kung birthday mo talaga ngayon. Pero Holy Shit! Oo nga! Birthday mo nga ngayon? Maybe thats why Im so nostalgic! Shit! Kelan ba brithday niya??? kung hindi ngayon sa 24 or 26. Basta even number. Waa... How could I forget!?!?!? Hindi talaga ako sure! Pero. Think its today. Paano ko malalaman?!?! Even though you'll never read this... Happy Birthday Hanna Reign!!! =) Thanks for all the good times. *Hug* =')

Yeeee, If history should repeat itself... I hope it does it sooner. Asaness boi!!!

Tuesday, February 20, 2007

This will do...

Since Im sleepy na... photo article nalang sana gagawin ko. Follow up lang to ng MOA thingy. I got the CDs from nang steph na. Too bad nakalimutan ko xa sa school. Stupid me. Anyways, ito nalang muna... gn grab ko lang na kay Carina na multiply site. Grabe, she has three pics for the entire event. Two days, tapos three pics. [sarcastic] Thats more than 1 pic per day! woa!!! hehe... Peace! Y(",)Y

For the record,bday ni liz sang feb 17, feb 18 tessa, feb 22 hanna, feb 23 melissa, feb 24 bryan???, feb 1 bro ko, feb 13 or 14 or 15 ham, ok... sino pa february? para I wont 4get.

Wednesday, February 14, 2007

Valentine's Day Rush

Red font kasi valentines. Hehe... hindi naman pala totally worthless ang valentines day ko. Yey... Nag Generals ako buong hapon and chatness + textness to the max nung gabi. Dami food and stuff. Hehe...

Art appreciation muna, ito pala gawa namin ni atchi yunisee sa doodles ng YM.

Ayan, ito ang una... we call this summer valentine. Hehe... kasi mainit kanina.


Tapos binaboy... hehehe.... wala lang...


Ito naman city. Medyo Independence Day ang theme... hehe... apple orange mango lemon tree yan! hehe...

****



Kanina nag pa joke si sir Yves sa Industrial Tronix, pina joke niya ako sa harap kasi maganda daw ang joke ko. sa totoo pirated lang un galing kasy sir cabrera na galing rin kay marvin. medyo green siya so para sa ibang girls, cover ur eyes.

Q: Paano mo malalaman kung fake ang b**bs ng isang babae? A: Gumamit ka ng VOM. Kung 0.7 volts, fake yun.

Hehe... medyo 1.5 seconds pa bago sila tumawa... amf.

Para sa mga hindi naka gets. Kasi ang voltage drop ng isang silicon diode kung ikabit mo sa voltmeter ay 0.7 volts. So ang silicon implants ng babae ay may 0.7 volts din dapat na drop. nyeee.

hehe

ito joke pa galing kay melissa...

Q: ano sabi ng isang millipede sa isa bang mellipede?

A: apir apir apir apir apir apir... hehe

ito pa

Q: ano ang longest song ng isang millipede?

A: i have to have two hands, the left and the right,
the left and the right, the left and the right, the left and the right....

hehe

****

Kasabay ko kanina si abbie sa Fx... wala lang... hehe... ang ingay, dami pinag-usapan... sobrang sociable ng tao na un... hehe....

****

Hmmm.... kanina naman ka chat ko si Liz, long time high school... uhm... "friend." hehe... waaaa... the past talaga... eheh... wala lang... im so happy today... here's a pic...


And another...



Hehe... kamukha ba niya si Lucy Liu? Charlies Angels... hehe... wala lang... ok lang, protected naman blog ko so she wont see. Hehe... I got a number na rin. Hehe. Yey! :D

And... well ka chat ko rin si Barbie, Carina, and Trisha.... nothing new, pero im in no shortage of girls this valentine's day.... hehe...

And... ka chat ko si tonix sabi niya maganda raw tnb ngayon.
And... I asked him kung ano mga track nila... ito sagod niya...

tonix: comm
gretchen: comm
hanna: automation

Holeh shit.... automation din ako, even before i knew! whehehehehe.... adrenalin rush! amf!

Hmmm... ano pa?


****

Yun nalang, so I have to do my lab reports na... Valentines day is officially over! Xenxe na kung maxadong graphixy ang entry na to. Masaya ako eh. Hehe... Yehey! Sure had fun fun fun! Sana ganito araw2x. :D

Oh, one more thing... Dont Forget to vote for me this comming elections:



vice president ko yan, si JM. kami na rin ang PSG namin. Presidential Security Group...

and may valentino award daw ako galing sa TNB kanina... Dahil dito....



Hindi ko kilala ang naka white... bisita lang yan sa TNB...

Hehe.... Sge tama na... gawa na ko lab reb... BB...

Thursday, February 08, 2007

Thank God for SMS

Even though I'm under excessive pressure because of these damned lab reports, I dedicate these precious few minutes of my schedule to blogging.

Why? Simply because of two text messages that really "made my day."

--------------------------------------------------------------------------------
Message 1
From: Mama
+639155631981

Your dad said he would offer an exchange, a new PSP if you could get our camcorder fixed. Deal or no deal?

Sent:
8:45:22pm
02-07-2007


Yebah! Now only if I could get someone to help me get to this address...

canon mktg phil. inc. services center devision, marvin plaza building 2153 don chino roces ave makati city phil. c/o merci domingo. tel no 028120047, 65, cp no 09198688114 cmp_med@canon.com.cg

Maybe Sir Armand could help. Yeah! Yeah! ^.^

Bad News lang pala... dont expect na I'll be bringing my PS2 to school, preventive measures lang... mas mabuti na ang sigurado... hehe... >.0

--------------------------------------------------------------------------------

Message 2
From: Shewhomustnotbenamed
+639062876301

Gabi na a.. bkt hnd..


Sent:

12:11:12am

02-08-2007

Wala lang, reply lang yan sa:

Pwede ba ako sumamo sa inyo next term? >.<

Okey, you do the math...

Nayahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha... (teary eyed) 0.0