Actually kaka reformat ko lang ng pc ko. So bago lahat. Feeling brand new. At dahil DSL na rin kami ngayon, kumpleto na rin ako sa updates ngayon. At mga software. Isa na dito anf google earth na pinaglalaroan ko sa builder office. Ang gara ng program na to! May sattelite picture siya ng lahat na lugar sa mundo. Kito ko pa nga bahay ko! Hehe.
Pero as usual, naisip ko na naman siya. Hmmm... alam ko pa kaya kung paano pumunta sa bahay nila? Wala naman akong plano na pumunta pa ulit dun, pero what the heck diba? Try ko kaya siya hanapin. Sana binabasa pa niya ang blog ko, maglagay ka naman ng comment.
Dito tayo magsimula, sa Pasig market. Pasig city hall yan ang nasa letter "A". Kung naka sakay ka sa fx galing Quiapo, ito ay palatandaan na dapat ka nang gumising kasi malapit ka na sa babaan. Glass ang harap nito. Modern na modern, sigurado na makikita mo talaga. Kung na miss mo ang city hall, wag kang mag-alala. May isa pang landmark na madaling hanapin. Ang tawag ko sa gusali sa point "B" ay "spaceship." Isa itong rotating restaurant na hindi na ginagamit. Parang dish ito sa itaas ng isang tore. Kapag nandito na ang fx mo, bumaba ka na kasi end of the line na to. Pagkatapos mong bumaba, sumakay ka na ng trycycle dito sa point C. Hanapin mo ang yellow na tricycle kasi papunta ito greenwoods. Nakalimutan ko kung anong phase, basta sabihin mo "yakal street." Ang malaking gusali sa tapat ng spaceship ay ang pasig market.
Ayan, naka sakay ka na ngayon sa tricycle. May dadaanan ka na parang car wash or machine shop. Nasa isang intersection ito na minarkahan ko bilang point "A," liko ka sa kanan para maka punta sa greenwoods. Sa point "B" ay makikita mo na ang magarang gate ng geenwoods excecutive village. Halata na para lang sa mga mayaman to. May dadaanan ka na parang open field bago makarating sa guard house nila. Check point ito at kailangan mong mag-iwan ng ID kung may sasakyan ka.
Kung naka pasok ka na sa gate, point "A", sundin lang ang arrow para makapunta ka na sa yakal street. Bakit nasabi ko ito ang yakal street? Kasi may basketball court ito at may maliit na plaza sa gitna, point C. Alam ko maliit lang ito na plaza, hindi katulad sa point B na malaki. Hala malapit na!!! hehe...
Close-up naman ito ng yakal street. Kitang kita na ngayon ang basketball court at maliit na plaza. Hanapin mo nalang ang bahay na may green na gate. sa harap ito ng isang malaking bahay. Walang pinta ang mga dingding nito. Alam mo kung lumampas ka na kasi malayo ka na sa plaza. Hehe. Hindi ako sure kung saan sa mga bahay na ito yun kasi medyo blurred na ang pic. Basta ang bahay na may green na gate, yun na yun. Nung pumunta nga ako dito nakalimutan kong magbayad sa tricycle dahil sa sobrang kaba. Haha, tinawanan lang ako ng driver kasi alam niya na parang nawawala ako at kabado. Buti nalang napansin ko na hindi pa siya umalis so naalala ko na hindi pa pala ako nagbayad. Haay, memories na naman. How I wish na makapunta ulit ako diyan.
Miss ko na talaga siya!!!
9 comments:
uy, pano yan sir...?
green na po yung gate namin..
congrats nga pala.. nakalimutan kong sabihin...
sensya... ayan na... made the corrections. mawawala pa rin pala ako kung pupunta ako diyan. hehe...
salamat pala... sensya d pa kita na libre... ayaw mo naman ng libre diba... lalo na kung galing sakin.
kung makikita kita ililibre kita kung sisingilin mo ko. wag mong kalimutan na singilin ako ha!
isar!hehe..next post ang balay mo naman complete with directions..or skul!!
congrats sa dsl!congrats sa almost, sorta, like-a, medyo, may pagka feeling brand new pc...=D
Ang drama.. Hehe
Minsan ang tao lang din ang gumagawa ng ipagdradrama niya at ng ikakapagpa-kumplikado ng buhay niya.
:D
well, talagang ma drama ako... sabi nila. hehe.
pero minsan nalang yan ngayon. wla lang talaga ako mailagay na magandang content sa blog unless mag-drama ako.
punta tayo dun? hahaha :D
i like the view of airplanes right in the club house of the subdivision hehe :D the bellies of those big ones.
very long trek to the club house though.
salamat pala... sensya d pa kita na libre... ayaw mo naman ng libre diba... lalo na kung galing sakin.
kung makikita kita ililibre kita kung sisingilin mo ko. wag mong kalimutan na singilin ako ha!
- ibang klase ang kalandian mo. haha
efren, i was talking to the bitch...
arf... arf...
Post a Comment