Galit ako! Argh! Bakit? Bakit? Bakit kung ano pa ang hinahanap ko yun lang ang hindi ko makita? Galit ba ang mundo sa akin? Noong isang araw, hinahanap ko ang driver ng sound card ko. Lahat na CD ko lumabas na, yun lang nag hindi ko makita! Tapos kahapon lang, windows XP naman ang nawawala! Then kanina, naalala ko na kailangan ko pala ng humanities 1 na book so naisip ko na hihiram nalang ako sa roommate ko. Nakita ko na ang humanities 2 at humanities 3 niya na book, ang humanities 1 nalang ang patuloy na nawawala!!! Bakit ganun??? And why the hell am I speaking in Tagalog? Waaa… hindi naba ako marunong mag English? Galit ako!!! Waaaaaaaaa….
Ang saya na naman ng weekend ko. Dito na naman natulog si Carina. Hehe. Tapos, ngayon na naka uwi na xa, si paul na naman. Bakit ba ganun, kahit sinong bisita namin na pupunta dito ayaw nang umalis? Ganyan ba ka ganda ang bahay namin? I mean, ang bahay ng roommate ko. Hehe. Remember, nakikitira lang ako dito, hindi ko sariling bahay to.
Ang gulo naman ng day na to.
Pag dating namin sa UST, peste… may kasal pala! So we had to wait a while. Problema… kailangan na talaga namin mag wee wee cause we drunk too much, and ang pinakamalapit na CR daw sabi ng guard is sa loob ng church. Nakakahiya naman pumasok dun! May wedding car pa naman sa labas! Haay. So we had to contact Paul para lang magamit namin ang CR ng condo nila. Hindi pa ako na punta dun so sabi ko sge, ayus. High tech pala ang condo nila. May finger printa scanner pa sa lobby. Hindi pwede pumasok kung outsiders. Cool. Tapos after naka akyat na kami, inistorbo pa namin si paul at ang roommate niya na doctor. Pareho pala silang dalawa na nagaaral para sa quiz nila bukas! Hehe.
After that sumama na si Paul sa amin and balik ulit kami sa simbahan. Pero hindi pa rin tapos ang kasal!!! Antagal! We got tired of waiting so we decided na sa Quiapo church nalang kami kasi bibili din kami later ng mg DVD. 5pm mass nalang, instead of the 3pm sa sched namin. Waaaa. 2 hours late na. Na traffic pa kami!
Pagkatapos ng ilang minutes of waiting outside the church para matapos ang previous mass nakapasok na rin kami. Then dun namin nalaman na wala palang seats ang loob ng church! Waaaa. Sabi namin lalabas nalang kami dun sa part na naabotan namin dun sa previous mass. Parang cine! Haay sorry Lord. Natakot lang kami magabihan sa Quiapo. Dun kasi ako na hold-up eh.
After the homily luamabas na kami. Derecho sa mga pirata at bumila ng maraming DVD. Hmmm, ano nga ang mga yun? 3 in 1 na Kung Fu Hussle, Shaolin Soccer at isa pang Stephen Chow na Movie, Narnia, 40 year old virgin, at isang 9 in 1 na DVD that includes Zorro2, Flight Plan, American Pie 4, Chicken Little, Brothers Grim at iba pa. Naku paano kaya namin ubusin yun?
After our little adventure bumili muna kami ng food sa